Chapter 97:Preliminary Round (Monster Hunting Battle Royale) 5

73 7 0
                                    

Pagkatapos umatake ng Samurai na nakahood ay may Sinabi ito para kay Kyo.

"Akala kopa naman ay tataas na ang tingin ko sa lakas mo ngunit di pa pala. Mahina kappa Kyo"-SamuraiHood

Sabay alis nito sa Desert Field.

"Makikita mo ipapakain ko ayo ang sinabi mo sa sarili mo"-Kyo

Kahit na maraming mga halimaw ang napatay ng Samurai Hood. Maraming mga monsters spawn sa desert area. Kaya di nauubos ang mga monsters kaagad. Ang mga natirang mga players na kayang lumaban pa sa mga halimaw ay sinundan nila ang advice ni Samurai hood. Ang mabilisang pag-execute at ang pagkakaroon ng mobility.

At ng dahil nga sa advice na iyon ay nagsimula na ang pagkakaroon ng iilang pagkakapatay ng mga halimaw.. Ngunit di ang lahat ay nagawa ito.

"Di dapat ako papahuli!"-Kyo

Kaya nagsimula na itong naghanap ng kanyang magiging target para sa mga points. Ang kasalukuyang class ni Kyo sa unang round ay ang Samurai. Katulad ng taong kumausap sakanya ngunit sa kanyang tingin ay ang samurai class nya ay walang laban sa SamuraiHood na iyon. Di tulad ng kanyang Main class ay di pa nya ito ganon ka master gamitin.

At may lumapit na nga na isang Double Stinger at mayroong mga dalawa pang nakasunod sa kanyang likod na papalapit kay Kyo.

("Tulad nga ng nasa description nila. Ginagamit talaga nila ang kanilang bilang para maging advantage sa kanilang magiging biktima")-Kyo

Nagdadalawang isip si Kyo na ituloy ang paglaban sa mga Double Stinger na lumapit sakanya. Nadalawang isip siya na baka di niya kaya tulad ng nagawa ng SamuraiHood..

Bumaba pa ang confidence ni Kyo sa sinabi ng Samurai Hood. At di na napansin ni Kyo na papaatake na ang mga Double Stinger sakanya.. At biglang inatake ng dumating na player ang mga ito. Isa itong mataas na player at ang kanyang buhok ay hati sa kulay na Puti at Pulang kulay..Isa itong Lancer.

"Spear Arts! Needle Piercer!"-Lancer

"!"-Kyo

Napansin nalamang ni Kyo ang mga ito ng maramdaman nya ang atake ng Lancer na dumating napatalon ito para iwasan ang pwersa ng atake nito..

Sa atakeng ginawa nito ay tumama ito sa tatlong Double Stinger na papalapit kay Kyo..

"Oh! Nice Instinct . Kahit na di ko ata inatake ang mga yon ay maiiwasan mo ang atake nila"-Lancer

Takang-taka si Kyo sapagkat ngayon lang nito nakita ang player na ito. Mas nagtaka ito sa buhok ng character nito sapagkat sa kulay nitang puti at pula..

"Bat ganyan po kulay ng buhok mo?"-Kyo

At di inaasahan ng Lancer ang tanong na iyon at napafacepalm siya

"Buhok ko talaga ang una mong kukwenstionan? Di ang pangalan ko?"-Lancer

"Naisip ko naman po ang tanong na kung sino po kayo. Ngunit ang unang pumasok po talaga sa isip ko ay ang iyong buhok"-Kyo

"Di na muna ako papakilala ngayon"-Lancer

"Maraming Salamat po doon"-Kyo

Sabay bow nito sa Lancer na iyon as pasasalamat nya sa ginawa nito. At wala talagang maisip si Kyo kung sino itong tumulong sakanya.

"Anyways eto lang masasabi ko. Wag mong pansinin yung part nya na sinabi nya na parang mahina ka, Ganon lang talaga yon. Sa paningin non di ka naman nya talaga minamaliit na parang walang kwenta"-Lancer

"Anong ibig nyo pong sabihin? At sino din po iyon? Bakit niyo po ako kakilala?"-Kyo

"Masasagot din ang lahat ng iyong tanong sa susunod na magkakaharap tayo. Amg nais lamang sabihin ng aking kasama ay magpalakas kapa para di siya madissapoint pag nagkaharap nakayong dalawa.. Mauuna nako!"-Lancer

Tumalon ito papunta sa direksyon kung saan pumunta ang Hooded Samurai..

("Ang weird naman non. Wala akong ka idea-idea kung sino ang dalawang iyon.. Pero parang pamilyar sya..")-Kyo

"Dibale malalaman at malalaman ko naman daw kung sino sila sa susunod na magkakaharap kami. Kahit naman wala ng sinabi ang lancer na iyon saken tungkol sa sinabi nung samurai na iyon ay di naman talaga ako magpapatalo."-Kyo

Biglang naisip ni Kyo ang nangyaring muntikan na siyang matamaan ng mga Double Stinger at muntikan na siyang matulad sa mga players na nagpabaya..

"Ay.. Isang beses lang yon.. Wala namang nakakita pwera kay Kuya na lancer hehehe"-Kyo

Sabay tawa sa kanyang sarili.. At doon na nga tumaas ang kanyang confidence para mag ipon ng Points..

--------------

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Where stories live. Discover now