Chapter 89: Playground

62 8 0
                                    

Third Person POV

Lumipas ang ilang araw na pag aantay ng mga bida kung saan ay dalawang linggo na lamang ay magsisimula na ang naturang Team Tournament Event.. Ang lahat ng mga tao bata man  o matanda ay excited sa event na ito. May mga players na naghanda na para sa pagsali at mayroon naman mga players na balak manood lamang. Sa detalyeng nasabi sa event ay makikita na ang dahilan kung bakit umabot sa 3days ang maintenance before One week ng event. May mga kumakalat na kuro-kuro nanaman ma dahil ito sa entablado o stage kung saan magaganap ang event.. Ngunit bago pa maasikaso ng mga estudyanteng mga players ay darating muna ang prelim exams! Napakaimportante ng prelim exams sa mga players.. Bakit? Sapagkat kapag bumagsak sila sa exams ay magkakaroon sila ng summer class..

Sunday ng umaga sa araw na ito ay lahat ng mga estudyante ay nag-aaral para sa kanilang paparating na exams kinabukasan.Ngunit sa paparating na summer ay sobrang init na ng panahon kaya may mga estudyante  a tinatamad mag-aral at isa na dito si Kyo.. Nag-aral siya ngunit sa sobrang init ay di rin nito itinuloy..

"Napakainit naman"-Kyo

Bubuksan na sana ni Kyo ang kanyang aircon ngunit naalala nya ang sinabi ng kanyang ina bago ito umalis ng bahay..

"(Huwag mo na muna buksan aircon kahit ngayon lang ha. Huwag ka masyadong magastos sa kuryente)"-Misaki

"Kung kelan naman kasi sobrang init.Makain nga yung ice cream na binili ko pang isa kahapon"-Kyo
Bumaba ito at pumunta na nga sa kusina para kumuha ng ice cream sa ref.. Ngunit pagkakita na pagkakita nya sa ref ay may nakalagay na note..
"Hi nak! Kinain ko pala yung ice cream na binili mo kahapon! :P Bumili kanalang uli ngayon kung mababasa moto. Syempre pera mo gamitin mo! Love you nak!"
"Nako si Mama talaga,makabili na nga lang"-Kyo
Kumuha ito ng pera sa kanyang wallet tsaka payong at  lumabas siya ng kanilang bahay..
"Kelangan ko na talaga ng payong baka umitim ako hmm"-Kyo

Naglakad siya papunta sa convenience store na malapit sakanila..Bumili siya ng dalawang may ice cream na nakapack at isang 300ml na ice cream..
"Ubusin ko na dito yung dalawang ice cream tas ilagay kona muna sa ref pagkauwi yung isa"-Kyo
Pagkalabas na pagkalabas ng convenience store ay binuksan nya agad ang isa at naglakad na pauwi sakanila.

"Iba talaga pag may ice cream pag tag-init!"-Kyo
Bigla ring nagsilabasan ang mga bata na may edad 6-8 years old mula sa convenience store.. Nagsitakbuhan silang lahat habang kumakain din ng ice cream na kanilang binili..
"Ang init-init puro pa sila laro. Sana ganyan padin lagi Hahaha. Kung pwede lang"-Kyo
Tumakbo ang mga bata papunta sa direksyon papunta sa kanilang bahay.Napaisip si Kyo sa pagmamasid nya sa mga bata.
"(San naman kaya maglalaro tong mga batang to?)"-Kyo
Sumunod ito sa mga batang naglalaro dahil sa kanyang curiosity.Ng malapit-lapit na sila sa kanilang bahay ay lumiko ito sa kabilang direksyon kung saan ang kanilang bahay.Tumuloy parin ito sa pagsunod at nakita ni Kyo ang isang Play Ground.. Unang napansin agad ni Kyo ay ang isang babae na naupo sa isang bench na nakasuot ng isang sumbrero at shades.. Ang suot pa nito ay parang panglalaki.

Di gaano kainit sa play ground na iyon sapagkat mayroong mga puno lalo na sa kinauupuan nung babae. Sa laki ng mga puno ay natatakpan nito ang araw kaya di gaanong kainit. Dahil din sa mga puno ay medyo mahangin sa lugar na iyon..

"Pamilyar tong palaruan na ito kahit parang ngayon ko lang to nakita?"-Kyo

Ang direksyong kinaroroonan ng play ground ay ibang direksyon papunta sa kanilang eskwelahan.. at halos noong bata si Kyo ay palagi lamang sila nasa bahay ni Kei kapag naglalaro..Lumapit ang mga bata sa babaeng nakaupo sa bench at bigla silang nagtanong sakanya..

"Ate!Ate! Anong ginawa nyo po dito?"-Bata1
"Tara po maglaro tayo!"-Bata 2

"Ate!Tignan mopo oh! Nasa itaas ako ng puno!"-Bata 3

Umakyat ang isang bata sa puno.. At nabigla naman din tong si Kyo sa bata.. Bigla itong tumakbo papunta agad sa puno kung saan umakyat ang bata binitawan nalang nya ng basta basta ang kanyang hawak.

"Hoy bata! Bumaba ka dyan! Delikado yann"-Kyo
Sabay abot ng kanyang dalawang kamay sa bata..
"Kaya ko naman pong bumaba!"-Bata3

Bigla nadin tumayo yung babae na nakaupo sa bench at pumunta ito sa likod ni Kyo.

"Di kaparin talaga nagbabago"-Girl
Di inaasahan ni Kyo na magsalita ang babae. Napatingin ito ng kaunti sa kanyang likod at biglang nahulog ang bata..
"Kyo yung bata!"-Girl
Nasalo naman ng maayos ni Kyo ang bata.. Bigla nalamang itong umiyak..
"Gusto ko lang naman po magpakitang gilas kay ate huhuhu"-Bata3
Pinitik ni Kyo ang noo ng bata at napatigil ito sa iyak.

"Alam moba maraming paaran para ipakita ang gilas nating mga lalaki. Tignan mo nalang ako kahit wala akong gawin may gilas na kasi pogi ko diba"-Kyo
Nagsitinginan ang mga bata sakanya..
"Kuya? Okay kalang po ba?HAHAHAHAHA"-Bata1
"Oo naman!"-Kyo
Biglang pose ni Kyo ng PaPogi pose at nagsitawanan ang mga bata.Napatawa narin ang batang umakyat sa puno.
"Huwag mo ng uulitin yon ha"-Kyo
"Opo kuya!"-Bata3
"Halikana!"-Bata2
"Paalam po kuya ! ate!"-Bata123

At nagpaalam na nga mga bata kay Kyo at sa babae sa kanyang likod.. At nakalimutan na nga ni Kyo na may babae sakanyang likod at narinig nya ang sinabe niya na pogi siya.. Bigla itong namula..
"Pogi pala ha"-Girl
"Ay! Joke lang po yon hahaha"-Kyo
Humarap ito sa babae at si Mayuka pala ang kanyang nasa harapan..
"Huh? anong ginagawa mo dito?"-Kyo
"Baket bawal ba?Nakaban naba ako dito?"-Mayuka
"Di naman! Pero anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?"-Kyo
"Anong kanina? Uuwi nakoo"-Mayuka
Naglakad na ito palabas ng playground..
"Oy! Layo ng sainyo dito anong ginawa mo?!"-Kyo
at dahil don dumagdag nanaman ang iniisip ni Kyo sa mga sumunod na araw... Pagkalabas ay may ibinulong si Mayuka sa kanyang sarili..

"Parang ako lang yung bata na umakyat non hahaha. Pakitang gilas pala ha.."-Mayuka

Tumingin si Kyo sa kanyang paligid at parang may nakakalimutan ito. Sa 30secs na pag-iisip ay naalala nya yung ice cream..Di nahulog ang laman 300ml ice cream niya pati yung isa pang pack ngunit pareho na silang lusaw..

Kinabukasan ay sabog na sabog si Kyo sa kakaisip muli sa nangyari sa park..Dagdag nadin yung usapan nila Mayuka at Mama niya.. Di na siya masyadong nakapagreview tulad ng dati.. Sa ganung sitwasyon ay naguluhan lang din siya sa kanilang test.. Kaya ang naging resulta ng mga rankings sa kanilang yr ay di niya inaasahan...

----------

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Where stories live. Discover now