Chapter 69: Ang Paghahanap (6) Ang Kanilang Nakaraan (3)

74 7 0
                                    

Third Person POV

Tumatakbo si Minako papunta sa Bakanteng lote kung saan narinig ng mga bata kung nasaan ang kanyang mga kasama.Habang tumatakbo sya ay kabang kaba si Minako baka kung ano na ang nangyari sakanila..

At dumating na nga siya sa bakanteng lote.. Ang loteng iyon ay may malalaking bakod at isang gate.. Ang gate na iyon na naiwang nakabukas..Sa loob ng lote ay may mga puno.. Kahit na hingal na hingal si Minako ay pumasok na agad siya sa lote.. At ang unang sumalubong sakanya ay si Ryuichi na puno na gasgas at sugat.. Maga ang kaliwang mata nya at di na ito makakita.. Halatang wala siyang laban sa mga nanakit sakanya.. Pagkakita na pagkakita ni Minako kay Ryuichi ay nanginig ito sapagkat di talaga inaasahan ni Minako na ganto ang sasalubong sakanya..

"Ryuichi!!! Nasaan sila?!"-Minako
sigaw ni Minako
"Minako?! Ikaw bayan?.. Pasensya na wala akong magawa.. Inalok nila na ibigay ang shinai(Bamboo sword) na dala dala nila.. Akala ko makakaya ko na labanan sila pero di ko man lang mapatamaan si Inaba.."-Ryuichi

"Inaba?!"-Minako

Inaba Hitoshi - captain ng Kendo Club sa eskwelahan nila  Minako.. Dating pinakamalakas sa kanilang club bago sumali si Minako. Inidolo ni Minako noong bagong miyembro siya sa club. Ngunit matapos nga ang isanh taon na pagsisikap ni Minako ay nalagpasan niya si Inaba. At dahil doon ay nag init na ang paningin ng grupo nina Inaba kay Minako.. Para kay Minako ay wala lang sakanya ang pagiging malakas sa kanilang club ngunit sa ibang tao ay hindi..

"Dumiretso ka lang dyan sa may mga punong iyan naroon sila Seichi at Chitose.. doon sila dumiretso noong sinabihan kong tumakbo sila.."-Ryuichi

Tinulungan ni Minako si Ryuichi na isandal ang kanyang katawan sa pader..

"Salamat Ryuichi.. Ako na ang bahala.."-Minako
sabay hawak sa kamay ng kanyang kaibigan

"Mag iingat ka.."-Ryuichi

Tumakbo agad papunta sa may mga puno sa lugar na itinuro ni Ryuichi

"Huff,huff" -Minako

Halata na ang pagod sa paghinga ni Minako dahil sa pagtakbo nya mula pa sa Park..Papalapit ng papalapit si Minako hanngang may Narinig siya na sumisigaw.

"Tama naaaaa!!"-Chitose

Nakarating si Minako at naroon nga sina Chitose.. sa kanyang harapan ay Si Seichi na kung saan duguan ang ulo at puno na ng pasa sa kanyang katawan ngunkt hawak hawak parin ang Shinai..Si Chitose naman ay dungis dungis dahil sa pagkakaupo sa lupa habang umiiyak.. Samantala si Inaba ay nasa likod ng mga kasama niya na kalaban ni Seichi.. Mayroong kasama pang tatlong lalaki si Inaba na hindi miyembro ng kanilang club...

"Seichi!Chitose!"-Minako

Pagkarinig agad ni Seichi sa boses ni Minako ay nanghina na ang mga tuhod niya at napaupo nalamang..

"Hahahaha.. Nandito na pala Inaba yung inaantay natin.."-Boy1

Lumapit agad si Minako sa dalawa at mangiiyak iyak na nagsasalita..

"Pasensya na kung ngayon lang ako Seichi .. Chitose.."-Minako

"Oy Inaba eto ba talaga yung sinasabi mo? Iyakin pala! HAHAHAHAHAHAHA!"-boy2

Tumawa silang lahat.. habang pinulot ni Minako ang salamin ni Seichi na basag..

"Ganyan kapala ka sensitive ha Minako"-Inaba
sa sinabi niyang iyon ay tinititigan ng masama ni Minako na para bang papatay siya ng tao..
"Oh! Easy!"-Inaba
"Parang mangangagat naman! HAHAHAHAHAHA!"-boy1
"Iyakin na aso?"-Boy3
At nagtawanan nanaman sila na parang nang aasar pa lalo para pikunin si Minako..
"Tama na sa pag iyak Chitose.. Magiging okay na ang lahat ako na ang bahala.. Seichi Maraming salamat sa pag protekta kay Chitose.." - Minako
Kinuha ni Minako ang Shinai na hawak hawak ni Seichi..
"Aba lalaban ka?"-Boy1
pumwesto agad si Boy1 hawak hawak ang Shinai na dala niya.. ganun nadin si Minako ..Napaka seryoso ng tingin ni Minako..
"Umalis na kayo dito.."-Minako
Itinayo ni Chitose si Seichi para umalis sa lugar na iyon..

"Ako na ang bahala dito Inaba"-Boy1

"Huwag mong maliitin yan.. "-Inaba

habang naglalakad ng mabagal sina Seichi at Chitose ay nagsimula na ang laban nilang dalawa..

Unang umatake si Boy1 kay Minako sa balikat sana niya ngunit naisangga naman ito ng maayos ni Minako..

"Aba. Ayos. Lakasan ko na ng kaunti"-Boy1

Nilakasan na nga ni Boy1 ang palo .. Papunta naman ang atake nya sa ulo niya ngunit sumabay si Minako sa kamay.. At una pang tumama ang atake niya kesa kay Boy1.. at nabitawan nito ang kanyang Shinai..

"Aray! Masakit yon ha"-Boy1

"Sabi ko naman sayo huwag nyo siyang mamaliitin porket babae yan.."-Inaba

Kita sa mga mata ni Minako ang pagkakaseryo.. Pinulot ni Boy1 ang Shinai at umayos nanaman ng porma.. Hinigpitan pa niya lalo ang kanyang pagkakahawak..

Lumingon si Minako at medyo nakalayo na sina Chitose at Seichi...

Pumalo si Minako sa bewang ni Boy1 at napigilan naman niya ito..

"Tsk!"-Minako
Pinapaikutan na siya ng dalawa pang kasama ni Inaba na may dala dala ding Shinai..  Si Boy1 ay nasa kanyang harapan , Si.boy2 ay nasa kanyang kaliwa at sa kanan naman si boy3..

(" Makakaya ko kaya tong tatlong to?")-Minako

Umatake pabigla si Boy2 mula sa kaliwa papunta sa kaliwang balikat niya kaya hinarapan niya ito.. Nasangga nito ang atake .. Ngunit di niya inaasahan na Aatake rin si Boy3 na nasa likod na niya. At pumalo ito ng napakalakas.. Pinatamaan niya si Minako sa kanyang likod. Sa lakas ng atake ay napaluhod si Minako at may dugong lumabas sa kanyang bibig...

-------------------

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Where stories live. Discover now