Chapter 38: Illusion Forest (15) Kyo Vs Izumo (2)

228 18 0
                                    

Nagsimula na ang laban ni Kyo at Izumo.Bago pa magsimula ang kanilang laban ay naramdaman na ni Kyo ang bigat ng pakiramdam niya noong paalis na siya ngunit pinigilan nga siya ni Izumo. Naisip din naman niya agad na hindi magiging madali ang laban niya.

Third Person POV (Author)

"Bat puro iwas lang ang ginagawa mo?! Bat hindi ka umatake?!"-Izumo

"Di laging solusyon ang puro atake lang!"-Kyo

Hinihintay ni Kyo ang tamang tsempo para umatake tulad nung pag atake ni Izumo na tumilapon siya.

Habang naghihintay siya ng tsempo ay nagreregen na din ang life nya.
Patuloy parin ang pag atake ni Izumo at bumibilis bilis na ang kanyang atake kumpara sa mga naunang atake.

Nataaman na ang kanang kamay ni Kyo ngunit di naman ito ganon kalalim.

"Wala kanaba talagang balak umatake pa?"-Izumo

Di parin siya tumigil sa pag ilag. At pagkatapos ng ilang Segundo ay itinapon ni Kyo papunta kay Izumo ang kanyang espadang hawak.

At napasigaw si Izumo sa ginawa ni Kyo

"Nahihibang kanaba?!Paano ka nyan aatake?"-Izumo

Mabilisang kinuha ni Kyo ang kanyang extra na espada sa kanyang inventory.

"Inventory!Long Sword Equip! "-Kyo

At napunta nga sa kanyang kamay ang Long Sword na nakuha niya sa hidden quest.

(Long sword type - Balance na espada sa kadahilanang wala itong specific na stats na sobrang taas. Ang type na ito ay balance sa Attack Damage at Speed.)

"Huh?"-Izumo

Pagkakuha ng kanyang espada ay tumakbo ng mabilis si Kyo papalapit kay Izumo upang umatake.

Ng dahil sa pagkakabigla ni Izumo sa ginawa ni Kyo sa kanyang inventory dina siya nakasabay pa sa atake ni Kyo.

Ginamit na ni Kyo ang artes

"Swordsman Arts:Acies Acri!!!" -Kyo

(Acies Acri- Sharp Cutting Edge-isang arts na kung saan nakaturo ang iyong espada sa iyong kalaban at ibigay ang buong pwersa sa espada upang mas lalo pang maging matalim ang dulo nito)

Di nakasabay si Izumo ngunit ng dahil sa bilis ng pagreact nya sa atake ni Kyo ay naiwas nya ang kanyang katawan na ito ang matamaan ngunit natamaan sya sa kanyang kanang kamay. Kung saan malalim ang naging sugat nito.

Ang ginawa na lamang ni Izumo ay kumuha ng tela sa kanyang damit upang matakpan ang kanyang sugat.

"Iba ka talaga nagawa mopang maiwasan iyon kahit na halatang di mo inasahan ang aking ginawa " -Kyo

"Iba Karin HAHAHAHAHA! Akala ko nga matatalo mo na ako.Kahit na naiwasan ko ang iyong atake ay natamaan parin ako sa aking kamay at ang lalim pa ng sugat nito"-Izumo

Sa lalim ng sugat niya ay maraming lumalabas na dugo mula rito.

"Alam ko rin naman na kahit nasugatan kita ng ganyan kalalim ay magagamit mo parin naman ang kamay mong iyan tama?"-Kyo

"Aba oo naman Kailangan kona maging seryoso"-Izumo

Sabay ngiti nya kay Kyo.
----------------------------------------------------------------

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Where stories live. Discover now