Chapter 96: Preliminary Round (Monster Hunting Battle Royale) 4

62 4 0
                                    

Third Person POV

Sabay -sabay na nga silang lahat na umatake sa Grizzly Bear at inatake naman ni Yasuda ang Baby Grizzly ngunit di niya ito napatay sa iisang atake at humagulgol ito sa iyak dahil sa natamong damage nito. Sa sobrang lakas nito ay dinig ito sa buong forest area. Ang mga atakeng tumama sa Grizzly Bear ay napakaepektibo at halos maubos nila ang kanyang buhay sa ginawang atake nilang lahat. Ngunit ang di nga nila alam ang pag-iyak ng Baby Grizzly ay ang magpapahamak sakanila. Sobrang kabado ang ilan sakanila dahil sa sinabi ni kanilang Gunslinger..

"Wala na tayong problema sa Parent nya diba?!"-Archer

"Oo! Tignan nyo puno na ng sugat ang kanyang parent!"-Swordsman

Kabadong sabi ng dalawa..

Nawala na ang usok mula sa kinabagsakan ng Grizzly Bear.. Kita nila ang maraming sugat at putol na nga ang isang kamay nito. Tila parang pabagsak na ito ngunit sa oras na narinig ng Grizzly Bear ang kanyang anak ay tila parang nagalit ito.. Biglang nagheal ang kanyang buong katawan..Nakita naman ng lahat ang biglaang pagheal nito at nabigla silang lahat pwera sa isang player at ito ay ang kanilang Gunslinger..

"Bat ito naghiheal?!"-Yasuda

Natulala nalang sila sa kanilang nakikita. At bigla nalang din yumanig ang lupain sa paligid ng Forest Area..

"Kung tinapos mona sana ng isahan wala na magiging problema.."-Gunslinger

Itinanggal ng kanilang Gunslinger ang kanyang hood at nakita na nga ni Yasuda ang kanyang mukha..

"Ikaw?!"-Yasuda

Samantala bago pa mangyari ang lahat ng iyon sa forest ay bumalik muna tayo sa desert area kung nasaan si Kyo..

"Narito ang mga players mula sa Desert Area kung saan ang mga players ay naglalabanan na para sa points! Nagsikalat sa paligid ang mga halimaw! Ang mga Double Stinger ay nagsikalat sa Desert Area! Ang mga ito ay mapanganib ngunit di ito kita ng mga ibang players!!"-Z

(Double Stinger - Isang di ganun kalakihang mga Scorpions kung saan mayroong dalawang stings. Ang mga stings na ito ay mayroong mga effect na kung saan ang isa ay maaring ma paralyze ka at ang isa ay ang malason ka. Di ito ganon kalakas na halimaw ngunit parating magkakasama ito para sa kanilang prey o magiging biktima. Ginagamit nila ang bilang para maging malakas. Isang instinct ng mga ito ay ang gamitin ang kanilang dalawang stings bago mamatay // 5points // Desert Area only)

Lumapit ang isang Viking sa isang

"Di naman to nakakatakot.. Sa laki lang na ganto matatakot ako?"-Player

Inihampas ng Viking ang kanyang napakatalim na Axe sa ulo ng Double Stinger.. At ginaya naman siya ng iilang mga player din na nasa field na walang paki.

"Wag pakampante!! Icheck nyo muna ang description ng mga monster!"-Kyo

(Makikita ang mga monster list sa map. Lilitaw lamang ang mga details nito pag na encounter na)

Tumama nga ito ngunit ng dahil sa masyadong kampante ang mga player players..

"Ugh?!"-Players

Tumama ang dalawang sting nito sa binti ng Viking.. At sa mga ibang players naman ay mayroong tumama sa kanilang mga leeg,binti,kamay at sa iba pang parte ng kanilang mga katawan. Ng dahil sa mga sting nila ay di di sila makagalaw at nalason sila. Tila parang tinorture sila sa kanilang experience.

"AHHHHHHHHHHHH!!!"-Players

sigawan nilang lahat dahil sa lasong nakuha nila sa sting. Napuno ng butas ang kanilang katawan hanggang sa sila nalamang ay namatay dahil sa nakukuhang damage mula sa lason.. Nagsitakbuhan ang mga players papalayo sa mga double stinger.. at may sumalubong sakanilang halimaw..
At ito ang mga Kats

(Kats- Isang plant monster type kung saan isa itong uri ng Cactus na nagkukumpulan.. Kapag ang monster na ito ay namatay ay naiiwan ang kanyang katawan at nagiging balakid ito para di makadaan ang mga monster or mga player. Mahirap ito labanin ng close combat ngunit mas mahirap sa long range combat dahil sa mga pagbuga nya ng kanyang mga tusok mula sa kanyang katawan..//10points// Desert Area Only)

("Napapalibutan nakami ng mga halimaw paano nakaya kami neto?!")-Kyo

May biglang nagsalita sa mga players na nasa Field.. Isang lalaking nakahood.. Siya yung isa sa mga nanood kina Kyo sa Negative Floor..

"Ang kailangan lang dyan ay mabilis na pag execute at mobility"-Hood

Inilabas nito ang kanyang katana na medyo mahaba.. At pumorma ito na aatake..

"Katana Artes: Flash Cut"-Hood

(Flash Cut - Isang Artes ng isang Samurai Na kung saan sa sobrang bilis nito ay di makikita ang paglabas ng katana mula sa sheathe(Lalagayan ng katana or iba pang uri ng patalim)nito.)

Pinatamaan nya lahat ng nasa kanyang harapan at pagkatapos na pagkatapos ng kanyang atake ay tumalon ito at pumunta sa mataas na lugar..

("Sino kaya ito?! Isang ranker? Kumpara sa Flash Cut ko halos di na makita ang paggamit nya nito")-Kyo

"WOOOOOOAH?!"-players

Napahanga ang ibang players mula sa kanilang nakita.. Ngunit nakalimutan nanaman ng iba ang description ng mga monsters na ito..

May mga natamaan parin sa mga stings ng Double Stinger at natrap mula sa katawan ng Kats..

"Lumayo kayo!!"-Kyo

Sigaw ni Kyo sa ibang player..

"Akala ko pa naman maitataas ko na ang tingin ko sa lakas mo ngunit di pa pala. Mahina kapa Kyo"-Hood

"Anong sabi mo?!"-Kyo

At umalis nalamang ito sa desert field ...

"Makikita mo ipapakain ko ang sinabi mo sa sarili mo"-Kyo

------------

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon