Chapter 76: Ang Bagong Simula

60 9 0
                                    

Third Person POV

Natapos na nga ang kanilang pag-uusap sa rooftop ng kanilang school kung saan inimbita nina Kyo si Minako na si Mizu na kanilang nakilala sa loob ng larong The Dragonist. At pumayag na nga siya na sumali sa kanilang party para sa paparating na Team Tournament event.

At tulad nga ng sabi ni Minako ay sa araw nadin na iyon ay gagawa nadin siya ng account at magkita silang lahat sa harapan ng Chinmoku. Pagkauwi nilang lahat ay nagsi online na nga sila para magkita-kita. Pumunta naman agad si Kyo sa harapan ng Chinmoku.Pagkadating niya doon ay may maraming mga tao na bumibili sa Marketplace at sobrang ingay nanaman nga roon.

"Ingay-ingay naman dito buti naman sa Chinmoku walang ka ingay-ingay"-Kyo

Reklamo ng reklamo si Kyo sa ingay ng mga tao at dumating na si Mayuka

"Ayan reklamo kapa ng reklamo"-Mayuka

"Oh andyan kana pala Mayuka. Asan na sila?"-Kyo

Sabay Wave niya kay Mayuka

"Di ko nga din alam kung asan sila. Basta sinabi lang ni Minako ngayong gabi din diba?"-Mayuka

"Oo ganun ang pagkakarinig ko"-Kyo

At patuloy lang na nagkwentuhan ang dalawa hanggang sa may natandaan si Kyo tungkol sa Chinmoku

"Oo nga pala diba nung last na pagpunta natin sa Chinmoku  bago tayo umalis may binayaran tayo tas may ibinigay na item para sa pagpunta don?"-Kyo

"Ay oo nga no. Check natin sa inventory"-Mayuka
Tinignan nga nila ang item na ibinigay nung bata (Chapter 62)

"Oh eto yon. Chinmoku Teleportation Stone"-Kyo
"Paano niyan si Minako?"-Mayuka
"Meron na tayong tatlo nina Kei pero si Minako bagong account sya paano yon?"-Kyo
At may biglang sumagot na babae

"Madali lang iyon. Ibigay mo sakin ang iyong teleportation stone tapos magbayad ka ulit"

Tumingin naman ang dalawa sa nagsalitang babae at sa unang tingin palang ay alam na alam mo na bagong player lamang ito.

"Yo!"-Minako

Gumawa na nga ng character si Minako at babae na ang genre na kanyang pinili at binase nadin sa mukha niya mismo ang kanyang character.

"Owww Ikaw pala yan Minako!"-Mayuka
tumakbo si Mayuka papalapit kay Minako.
"Buti binase mona sa mukha mo character mo ngayon?"-Kyo
"Wala, para siguro maiba naman"-Minako
"Dumami na tuloy ang maganda nyan dito sa laro tulad ko"-Mayuka
"Asan ang maganda?"-Kyo
Sabay tingin niya sa paligid na kunwaring walang makitang maganda
"Wala naman "-Kyo
Biglang nilabas ni Mayuka ang kanyang staff sabay palo kay Kyo ng napakalakas
"Aray!"-Kyo
"HAHAHAHAHA, Di talaga pedeng di kayo mag asaran ha"-Minako
"Hehehe, Pasensya na. Nakakasawa ba?"-Kyo
"Di naman. Ang Cute nyo nga tignan e bagay kayo"-Minako

Sabay smile ni Minako kay Mayuka

"Anong bagay ka dyan!"-Mayuka
sabay talikod nya sa dalawa

"Yieeee kinilig ka don no!HAHAHAHAHAHA"-Kyo
Humarap ulit si Mayuka na parang nagbablush at pinalo si Kyo ng napakalakas ulit.
"Nakakadalawa kana ha!"-Kyo
"Hmp!"-Mayuka
"Nga pala asan si Kei?"-Minako
"Ewan nga namin e. Mukhang di ata pupunta"-Mayuka
"Hula ko nahihiya yon sa ginawa nya kanina. HAHAHAHAHA "-Kyo
Ang hindi nila alam ay si Kei ay naroon na ngunit di lang nagpapakita sa sobrang hiya sa kanyang grupo. Hinayaan na nya lang muna lumipas ang iilang minuto bago puntahan sila. At lumapit na nga siya kina Kyo.

"Dumating kapa!"-Kyo
sigaw ni Kyo kay Kei
"Iingay na nga ng mga tao mag iingay kadin"-Kei
"Bat ngayon kalang?"-Mayuka
"Oo nga kanina pa kami dito"-Minako

Bago pa sana lumapit si Minako kanina ay naroon narin siya. Ngunit nahiya nalamang siyang sumabay sa paglapit kasama si Minako.Kaya gumawa nalamang siya ng rason.
"Inutusan kasi ako ni mama na bumili sa tindahan"-Kei

"Oh ano pang hinihintay natin?Wala na diba tara na!"-Kyo
"Asan ang teleportation stone mo Kyo? Para magamit ni Minako"-Mayuka
Humarang si Kei sa usapan sabay abot ng kanyang teleportation stone

"Eto nalang akin ang gamitin mo . Magbabayad nalang ulit ako. Bagong gawang account kalang diba "-Kei

Napanganga sina Kyo at Mayuka sa sinabi ni Kei. Nahihiyang kunin ni Minako ang item kaya si Mayuka ang kumuha at inilagay nalang sa palad ni Minako.

"Abay! Lakas naman netong bata ko!"-Kyo
sabay tapik sa likod ni Kei
"Anong pinagsasabi mong malakas ka dyan?!"-Kei
"Wala! HAHAHAHAHA! Mauna nakami!"-Kyo
Inilagay ni Kyo at Mayuka sakanilang palad ang stone sabay sabi
"Teleport"-Kyo,Mayuka
at nawala na nga silang dalawa at naiwan si Minako.
"Magteleport kana"-Kei
Nahihiyang magsalita si Minako para magpasalamat kay Kei kaya bumulong nalang ito..
"...Salamat.. Teleport"-Minako
at nawala na nga din ito
Tumuloy na sa paglalakad si Kei papunta sa mismong harapan ng Weapon Shop
"Manong?"-Kei
"Aba. Anong maipaglilingkod ko iho?"-Vendor
Kumuha ng papel si Kei at isinulat ang salitang Chinmoku

"Diba nagpunta nakayo ng isang araw?  Dapat mayroon kanang teleportation stone"-Vendor
Sa kaba ni Kei dahil sa presensya ng vendor
"Eh Nawala kopo.."-Kei

-----------

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu