Chapter 80: Flower Garden Negative Floor 1 ( Monster Rabbit Family ) 2

46 9 0
                                    

Third Person POV

Nagpakita na ang Papa Black Rabbit sa apat nating mga bida.

"Kung gusto nyo bumaba sa ibang floors kelangan muna natin tong lagpasan.."-Minako

"Kei! COVER!!!"-Kyo
"Okay!!"-Kei
Sumigaw si Kyo para humingi ng cover para sa Black Rabbit na kung saan nagsimula na humabol sakanila. Ginamit nito ang kanyang mga paa na mayroong napakatalim na kuko para habulin sila.Tumakbo papalayo ang tatlo habang pinapatamaan ni Kei ang Black Rabbit.
At biglang tumalon ang Black Rabbit sakanila upang umatake gamit ang kanyang matalim na sungay. At sa kanilang pagtakbo ng tatlo ay nasa likod si Kyo

"Kyo! Sa likod mo!!"-Kei

Pumunta agad sa harapan ni Kyo si Minako para iblock ang atake ng Black Rabbit.  Sinalubong ni Minako ang atake mula sa sungay nito. At dahil sa sobrang lakas nito ay tumilapon ito sa isang malaking bato.

"Minako!!"-Kyo,Mayuka

At tumigil nga si Kyo at Mayuka sa kanilang pagtakbo dahil sa pagkatilapon ni Minako.. At tumigil sa kanilang harapan ang halimaw na kung saan sumisigaw ito dahil sa kanyang nagawa. Na para bang pinagmamalaki na ang kanyang nagawa sa kanilang kasama

"Mayuka, puntahan mo na si Minako.. Kailangan nya ng tulong mo ako na bahala dito"-Kyo

"Ikaw mag isa?!"-Mayuka

"Andyan naman si Kei para sa support"-Kyo

"Cast kaya ako ng barrier sayo? Para may buff defense ka"-Mayuka

"Huwag na. Gamitin mo ang mana mo sa pag heal tulad ng mga emergency or pag kelangan talaga lalo na don sa dalawa. Ako na bahala"-Kyo

Nagdadalawang isip si Mayuka na icast na nga ang barrier kay Kyo ngunit..

"Dalian mo! Kelangan ni Minako ang tulong mo!"-Kyo

Sinagawan siya ni Kyo.. At tumakbo na nga lang ito papunta kay Minako upang iheal siya..At susunod sana ang halimaw sakanya ngunit humarang si Kyo..

"Rabbit kaba talaga?! Parang mukha kang daga e!"-Kyo

Sabay tutok niya sa kanyang long sword sa Black Rabbit.. Pinoprovoke ni Kyo ang Black Rabbit gamit ang kanyang pagsigaw at ang kanyang weapon upang di na sundan si Mayuka kahit di naiintindihan ng pinagsasabi.
Sumigaw ang Black Rabbit na tila ba may kinakausap ito.. at biglang lumitaw nanaman muli ang White rabbit na nasugatan ni Kei kanina..

"Ay!"-Kyo

Hinabol ng White Rabbit ang tumatakbong si Mayuka

"(Bwisit di ko expect na lalaban parin ang white rabbit!)"-Kyo
Tumakbo nanaman si Kyo para habulin ang White rabbit at sumunod naman ang Black Rabbit sakanya. Paatake ito sakanya gamit naman ang kanang paa ng Black Rabbit ngunit di na nito pinansin ni Kyo sapagkat nakapokus siya sa pagtakbo pahabol sa White Rabbit.

"Bow Arts!Focus Shot!"-Kei

Tumama ang pana ni Kei sa kanang kamay ng Black Rabbit at nawalan ito ng balanse. Natumba ito sa kanyang pagtakbo.

"Nays Shot!"-Kyo

Sabay thumbs up ni Kyo kay Kei dahil sa kanyang support. Nakahabol na nga si Kyo sa White Rabbit at tumalon ito para umatake.

"Wag mong mahawak hawak si Mayuka!!"-Kyo

Itinaas ni Kyo ang kanyang dalawang kamay habang hawak ang kanyang espada. At mabilis na slash pababa sa halimaw. Nakuha ng White Rabbit ang kanyang atensyon kaya tumigil ito sa pagtakbo kaya ito humarap sakanya. Papatamaan sana ni Kyo ang halimaw sa ulo ng halimaw ngunit iniharang nito ang kanyang dalawang paa na may malaking kuko.. at nasugatan ni Kyo ang isang paa nito..

Pagkababa ni Kyo sa kanyang pagkatalon ay Sinabayan nito muli ng iisa pang atake..

"Sword arts: Fang Slash!!"-Kyo

Di agad nakagalaw ang White rabbit dahil sa unang atake ni Kyo at naputol na nga nito ang kanang kamay ng White Rabbit. Sumigaw ito sa sobrang sakit.

Samantala si Mayuka ay nakarating na kung saan tumilapon si Minako. Nakahiga padin ito sa lugar kung saan sa tumilapon..

"Cure!!"-Mayuka
Hineal ni Mayuka si Minako at tinulungan nito ito tumayo.
"Okay kalang ba?"-Mayuka

"Sana nagbibiro ka sa tanong mo"-Minako
sabay ubo nito dahil sa usok

"Pasensya na. Hehehe"-Mayuka

"Nagbibiro lang ako. Sa isang atake lang ng Black Rabbit saakin kung di ko nablock yon baka halos ubos na life ni Kyo. Nablock koman yon dahil sa impact bawas halos half life ko. Kaya thank you sa heal"-Minako

"Wala yon. Role ko na sumupport sa inyo gamit ang mga White Magics. Ako bahala sa hp nyo kaya  ikaw naman ang bahala sa pag defense!"-Mayuka

"Tara na! Tulungan na natin ang dalawang mokong!"-Minako

-----

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Where stories live. Discover now