Part 3

10.6K 299 11
                                    

Chazandra

"Inhale.. Exhale.... focus, use your instincts pakiramdaman mo ang paligid focus..."

Sabi ni Master sa malayo hindi ko siya nakikita dahil nakablindfold ako pinapakiramdaman ko lang kung saan sakaling aattake si Master.

May naramdaman akong gumalaw sa kanan kaya pinadyak ko ang paa ko sa lupa para magcrack iyon papunta sa gumalaw. Nahuli ko ba siya?

Nagulat ako ng may naramdaman akong presensya sa kaliwa. Napahawak ako sa noo ko hindi ko nahuli.

Pinagsama ko ang dalawa kong kamay at bumuo ng bolang apoy.

Hinagis ko ito doon.

*splash*

Kahit hindi ko kita alam kong wala na ang bola kong apoy na ginawa. Nagsimula akong magpaikot ikot sa gawing kanan , kaliwa, likod at harapan ang bilis ng galaw niya!

"Chazandra! Focus!" Master.

Nagsimula akong tumigil sa paggalaw at nagfocus muli.

Pinagsama ko muli ang kamay ko pinakiramdaman ko ang hangin ramdam kong may namuong bolang hangin sa kamay ko ihahagis ko na sana ito sa kaliwa ang kaso..

Huli na dahil nahawakan na ko ni Master sa leeg, ibig sabihin hindi nanaman ako nakapasa sa pagsubok. Hays!

"You still don't focus Chazandra and you're still slow" sabi ni Master atsaka binitawan na ko.

Tinanggal ko ang blindfold sa mata ko nakita ko naman kaagad si Master. Totoo ba tong nakikita ko? Parang may something sa mata niya, parang may gumugulo sakanya.

"Chazandra shss..." sabi niya pa na ikinataka ko.

"M-Master?" ako.

Nilagay niya ang kanyang isang daliri sa bibig ibig sabihin ay manahimik. Agad kong tinikom ang bibig ko. Nakatingin lang si Master sa paligid na mukhang nangingiramdam.

"M-Master ano pong meron?" Halos pabulong kong sabi.

Tumingin siya sakin ulit at ginesture niya ang daliri niya sa bibig niya na izip ko ito.

Izinip ko naman ulit. Curious ako eh sorry na ano bang meron?

May something na biglang dumaan sa gilid ng puno na matanda na at wala ng mga dahon napalingon kami ni Master pareho doon.

Gumalaw ang ibang twigs malapit doon. Lumalapit si Master doon, sumusunod din ako.

Habang palapit kami ng papalapit, dumodoble ang kabang nararamdaman ko.

Hindi na ko nagkaroon ng tsansyang magulat nung biglang may tumakbo palapit kay Master na itim na lobo at tinalunan siya neto, natumba naman si Master sa lupa dahil nasa ibabaw niya ang lobo na mukhang pilit siyang sinasaktan, yung lobo ay parang sugatan parang may nasugod na siya bago kami ni Master.

Paano nakapasok ang lobo sa restricted area na ito? Sa pagkakaalam ko walang nakakapasok dito ghaaad!

Parang kay Master lang siya nakafocus dahil hindi niya ko napapansin. Malaking lobo ito parang yung mga lobong sumugod sakin sa panaginip ko!

"MASTER!" bigla naman akong nagpanic lalo na nung kinalmot siya neto sa magkabilang braso at isa sa pisnge dumudugo na din ito, pula ang mga mata ng lobo at yung nasa gilid ng leeg niya ay nailaw. T-That sign no way! No way!

Gumawa ako bolang apoy nung biglang..

"Dont ever try to throw that here Chazandra that could hurt me!" Sabi ni Master na parang galit na pilit inilalayo sakanya ang lobong itim hindi siya makagalaw dahil pilit siyang kinakagat neto kung sinusubukan man niyang itulak ito palayo para makabangon.

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now