Part 18

7.2K 220 6
                                    

Chazandra

Nagising ako ng maaga, nakaligo na at nagbihis sinuot ko na rin ang pendant ko inaantay na kasi ako ni Kiesha sa labas dahil may meeting daw lahat ang mga estudyante sa Gymnasium ngayon sabi daw ni Head kaya ayaw kong malate.

Hindi ko pa din malimutan ang mga katanungan sa isip ko patagal ng patagal mas padami lang ng padami ang mga iyon.

Lumabas na kong kwarto at nakita kong nakain tong si Kiesha ng sandwich.

Ngumiti naman siya sakin nung makita ako atsaka may iniabot "Kain *nom* ka na *nom*"

"Oy don't talk when your mouth is full" pangaasar ko sakanya atsaka nagpasalamat sa sandwich na binigay niya sakin.

Nilunok naman niya ang nginunguya niya kanina napakaaga pa pero ang hyper niya ng tignan.

"Eeee sorry naa tara na nga haha" sabi naman ni Kiesha.

Sabay naman kaming naglakad papuntang east side ng school campus malaki talaga ang school na ito hindi ko pa nga napupuntahan lahat e makagala nga after class.

Nung makita ko ang Gymnasium nagulat ako sa sobrang laki neto!

"A-Ang laki naman ng Gymnasium Kiesha" sabay turo ko sa malaki at malapad na gym na maraming tinted glass na nakapalibot dito, isang malaking silver double doors ang makikita sa entrance tas nakintab ito sa sobrang linis.

"Sus malaki na yan sayo? Tara halika!" sabay hila niya sakin papuntang loob ng Gymnasium.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nung makapasok kami sa loob kung malaki na ang labas mas malaki naman ang laman sa loob!

Mukha itong arena, sobrang laking arena na magkakasya ata lahat ng tao sa buong Zonadia o baka sobra pa may mga pulang upuan na nakahilera pabilog sa buong lugar at ang nagsisilbing ilaw lang ay ang isang malaking bilog na may malalaking orbs na nakalagay sa loob na nasa pinakaitaas ng gym.

"W-Wow" halos hindi ko na mabigkas ang salitang wow sa sobrang pagkamangha ko sa lugar.

"See? Oh yan ang malakii!" proud na proud na sabi ni Kiesha habang naghahanap kami ng upuan.

Marami na ding mga estudyanteng napasok sa loob ng gym hindi ko aakalaing sobrang dami din pala namin tas naalala kong may section A B C pala sa school na ito depende sa kakayahan ng bawat estudyante kung saang section sila ilalagay.

Tsaka pag15 ka na saka ka lang makakapasok sa school ng Avalon yon ang sabi doon sa libro na nabasa ko. Hindi naman ako makatingin ng maayos sa harap nakakailang lang kasi kung makatingin ang ibang mga estudyante sakin parang weirdo ako o may ginawa akong masama kaya parang galit sila o nagtataka.

"Nako wag mo na silang pansinin Zandra inggit lang sila kasi hindi sila nabubuhat ni fafa Zhyron" sabay tawa ng malademonyo ni Kiesha nung mapansin niyang naiilang ako at hindi komportable.

Binatukan ko naman siya "Loko ka talaga Kiesha" sabay tawa ko din.

"A-Aray naman Zandra!" sabay hawak niya sa parteng binatukan ko.

Tumigil naman ang lahat sa pagdadaldal nung may nagsalita.

"Good morning students"

Napalingon naman kaming lahat sa gitna ng gym at nakita namin doon si Head.

"About yesterday it was just a little accident we also fixed the damages last night, so our cafeteria is running now again and I also think that one of our student who was hurt is alright right now" sabay tingin niya sakin at ngumiti na ikinagulat ko, alam niya kung nasaan ako! Ang creepy..

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now