Part 57

4.2K 139 6
                                    

Almada

"Aron, hindi na sana magkakaganto pa kung hindi mo hinayaang kainin ka ng dilim sa galit at lungkot na iyong nararamdaman" sabi ko sa di makatayo na si Aron, ang bagong Zodiac Killer na pinili ni Dark nung mamatay ang kanyang dating pinuno ng Dark Army.

Pinasok ko ang kanyang utak, gamit niya ang mga hiram na elemento galing kay Dark ibinigay ito sakanya ni Dark nung makita niyang galit na galit si Aron sa Heir na hindi dumating para iligtas ang kanyang pamilya, Apoy lang dapat ang tanging elemento niya naghihiganti siya sa galit dahil hindi nailigtas ni Chazandra ang kanyang mga magulang noong inatakke ito ng mga kampon ni Dark pero hindi iyon kasalanan ni Chazandra dahil kinulong ko siya sa restricted areas ng Zonadia para magsanay at nahuli ako ng dating sa pagligtas sakanilang lahat sa panganib.

Lagi akong naalis ng restricted areas noon para mabantayan ang mga galaw ng kampon ni Dark. Pero nung huling bantay ko sa lugar ng fire benders ay nahuli ako ng dating at naambush rin ako ng mga lobo mabuti nalamang ay naligtas ko ang ilan bago ako makapasok ng portal sa dami ng sugat ko ay nahirapan akong maglakad kaya gumapang ako pauwi at narinig ko nalamang ang boses ni Chazandra na nagaalala.

(A/N: Sa mga di nakakatanda yun po yung first chapter na natagpuan ni Chazandra si Almada na sugatan hehe!)

Kahit sa malayo lalo na pagmalapit nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya gusto ang ginagawa niya. Natalo ko siya dahil puno lang ng pighati ang nararamdaman niya ginabayan ako ng Great Great Guardian of Light at natalo ko ng maayos si Aron.

"N-No, gusto kong maghiganti ayoko sa mahihinang tulad ni Chazandra na mamuno! At ikaw hindi ka na ba nahiya!? Dahil sayo nangyayari ang lahat ng to sakanya at sating lahat!" aakmang susugod pa siya sakin pero hinagis ko siya gamit ang hangin at tumalsik siya sa puno. Hinagisan ko rin ng apoy ang mga lobong nagtatangkang sumugod sakin.

"A-Ahh!" Sigaw ni Aron nung tumama siya sa puno.

"Napagsisihan ko na lahat ng pagkakamali ko at alam kong kahit wala na rito si Alexander at Diana ay napatawad na nila ako kaya bumabawi ako sakanila sa pagproprotekta ng kaisa isa nilang anak" seryosong sabi ko habang nalapit sakanya at napaaray lang siya.

"Hindi na sana magiging ganto pa Aron, pero mali na isisi mo kay Chazandra ang lahat lahat dahil wala siyang kaalam alam noon na siya ang liligtas sainyong lahat, itinago namin ito sakanya dahil inutos samin ng kanyang ama" dagdag ko.

"H-Hindi totoo yan sinungaling ka!" nakipagtitigan pa siya sakin at umiling ako para sabihin hindi ako nagsisinungaling.

"Hindi ba dapat kay Dark ka nagagalit? Kasi siya ang pumatay ng pamilya mo? Bakit kay Chazandra ka nagagalit? Siya ba ang pumatay sa pamilya mo? Sana ay pinagisipan mo itong mabuti Aron dahil kung nakikita ka man ng magulang mo ngayon ay hindi rin sila matutuwa sa mga inaasal mo ngayon!" seryosong sabi ko dama ang pagkainis sakanya dahil sinira niya ang buhay niya para sa paghihiganting hindi naman dapat.

Bigla naman siyang natigilan at nagisip nababasa ko na lahat lahat ng nararamdaman niya dahil nawala na ang harang neto. At nakita ko namang tumulo ang mga luha niya. Nararamdaman at nakikita ko ang pagsisi niya kasabay ang galit dahil hindi niya matanggap ang mga sinasabi ko.

Liningon ko ang buwan na onti onting nagiging itim pati ang palagid nalalanta ang ibang mga puno at halaman shit! Napalingon din ako sa SPECIAL 5 na sumusugod sa kung sino mang tangkang lalapit at mananakit sa mga tao. Si Alyanna ay nasugod habang patagong ginagamot ang nagkakasugat.

"Aerena! What's wrong?" sigaw ko sakanya sa inner dahil nakikita ko ang galit at naiiyak siya habang sinusugod ang nagtatangkang pigilan siya. Tinignan ko ang tinitignan niya at nagulat nung makita kong hinagisan ni Dark si Zhyron ng itim na elementong nakabilog.

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now