Part 9

7.5K 239 14
                                    

Chazandra

Hindi ako makapaniwala na siya rin yung nakabangga sakin non na hindi rin ako tinulungan at ang mas malala tinawag pa kong stupid ulit aba! Hindi ko na papalagpasin to!

"Hoy ang kapal mong tawagin akong stupid eh ikaw nga tong nakabangga sakin!" ako.

Nakita ko naman na nakapoker face lang siya yung face na *the hell I care*

"Ikaw yung hindi natingin sa dinadaanan e!" cold niyang sabi sakin.

Marami akong naririnig rinig na bulong bulungan at lahat sila ramdam kong nakatingin samin.

"Sino siya mukha siyang bago?"

"Nako mukhang makakatikim siya ng galit ni Zhyron pagnagkataon!"

"How dare she shout at Zhyron?!"

"Oh no good luck nalang sakanya"

Zhyron.. yan pala pangalan ng nilalang na to.

"Hoy nakatalikod ako sayo at ikaw ang nakaharap kaya ikaw ang may mata sa harapan mo! Kita mo naman akong nandoon diba? Pwede namang iwasan! Bakit kailangan mo pa kong banggain? Wala ka bang mata ha!?" inis na sigaw ko.

Natahimik naman tong lalakeng to well tama naman kasi ako! Hmp! Marami nanaman akong narinig na naggasp at nag bulong bulugan.

"Sino ba yan? Wala pang nasagot ng ganyan kay Zhyron"

"Ang tapang niya napatahimik niya si Zhyron!"

"Oh my g! Patay si ate girl ang ganda pa naman"

"Good luck nalang talaga"

Wala akong pake sa sinasabi nila bigla namang nagsalita tong nilalang sa harap ko.

"Meron akong mata, kitang-kita ko ang isang stupid na nakaharang sa daan ko!" siya.

Feeling ko yung puti kong buhok nagiging pula na sa inis sumusobra na wala din siyang sense! Sasapakin ko na sana siya nung may humawak naman sa kamay ko.

"Waaaaa Zandraa nakoo ah e t-tara na kakain na tayo oh?" Si Kiesha na parang natataranta na hinihilahila ako palayo.

"B-Bitaw Kiesha sandali! E-Eto kasing lalaking to eh walang modo!" sigaw ko ng nakatingin ng masama don sa Zhyron, wala pa rin siyang emosyon habang hinihila hila ako ni Kiesha palayo doon.

"Ehhh tara na Zandra malapit na tayong malatee!" tuluyan na kong nahila ni Kiesha, nilingon ko yung lalaki wala na siya doon.

Ramdam kong marami paring nakatingin sakin kita ko naman na sinasamaan lang sila ng tingin ni Kiesha.

"D-Di ko akalaing magkakilala pala kayo" Kiesha habang kumakain ng sandwich.

"H-Ha? Nino?" ako na kumuha ng sandwich.

"Ni Zhyron?" nagtataka niyang sabi.

"Yung lalaking walang modo? Ngayon ko lang siya nakilala" ako.

"Eh? Bakit parang galit na galit ka sakanya?" siya nagtataka.

"Oo! Hindi lang galit sobrang galit ako! Kasi nung papunta kami ng Master ko dito naligaw ako, naglalakad lakad ako nun baka sakaling makita ko si master, nagulat ako nung may biglang bumangga sakin at napatumba ako sa sahig ang sakit non hindi man lang niya ko tinulungan iniwan lang akong nakadapa doon at hindi ko ineexpect na makikita ko siya ulit dito with the same scene!" sabay kagat ko dun sa sandwich na bili niya.

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now