Part 11

7.5K 231 6
                                    

Chazandra

"Wala ka namang pangalan na nakalagay jan, so it's not yours!" ako.

"Shut up I got here first kaya akin ang pwesto na ito" cold na sabi ni Zhyron. Eh nasa baba naman ako ng puno at nasa taas naman siya hellooo duh?!

"Wala naman ako sa pwesto mo no?! Saka uso ang pagshe-share!" ay nako sumasakit lang lalo ang ulo ko dito mabuti pa't umalis na ko dito para makaiwas gulo psh.

Maglalakad na sana ako paalis pero nakaramdam ako na may nakatingin sakin, I know it's not Zhyron dahil kakatingin ko palang sakanya kanina nakatingin naman siya sa malayo nilibot ko naman ang paningin ko sa garden, tumingin ako banda sa mga bulaklak wala, sa iba't ibang puno, sa mga vines saka banda sa fountain wala namang sign kung may tao o kung ano man nagulat naman ako nung may humawak ng braso ko.

"AHH!!" ako.

"Shut up stupid ang ingay mo ano ba yang ginagawa mo?" si Zhyron lang pala whew.

Napabuntong hininga naman ako akala ko naman kung sino! Tinanggal ko naman ang pagkakahawak niya sakin atsaka siya hinarap na may pagtatakang makikita sa mukha niya.

"I-It's none of your business" sabay lakad ko palayo sakanya malalate na ko sa klase.

Pagdating ko sa room luckily wala pang professor nandon na din si Kiesha sa upuan namin mukhang inaantay ako, dumeretso naman ako doon para maupo hindi ko pa din makalimutan yung nangyare kanina ramdam ko talagang may nagmamasid sakin e.

"Uy okay ka lang? San ka ba galing?" Kiesha.

"A-Ahh haha oo okay lang ako sa may garden lang" sabi ko naman.

Tinignan niya naman ako at halatang hindi pa din siya satisfied sa sinabi ko.

"Sigurado ka ha?" sabi niya na may pag-aalala sa mukha.

"Yep I'm perfectly fine" pagsisinungaling ko tumango naman siya halata pa din sakanya na hindi siya naniniwala.

"Kiesha about kanina don sa mga tinanong ko sino ba yung Heir na yon?" tanong ko para maiba ang topic.

Tinignan naman ako ni Kiesha tapos ngumiti "Yung Heir siya ang itinakdang ililigtas tayo pagdating ng tamang panahon, after nung big explosion na nangyari wala ng bakas na nakita pa mula sa SPECIAL 5 our officials investigated pero naglaho silang lahat na parang bula, may nakita naman silang sulat sa isang malinis na papel ang nakalagay naman doon ay: "Years shall pass our world shall be rising again, by time new enemies will be starting to spread darkness soon, all of you and our world shall be saved by the Heir" ibig sabihin nung mga nakaraang taon nakakabangon na mula sa nangyare ang mga tao, ngayon lagi nanamang may namamatay at nakikitang walang buhay ang mga mata nila kaya siguro kumikilos nanaman ang mga bagong kaaway and the last sentence hindi ko na alam kung totoo ba yon na may magliligtas satin"

Natahimik naman ako nung marinig ko ang mga impormasyon na iyon shocks bakit ba ako nagiging interesado sa Heir na to!

"Nakita na ba ang Heir na yon? Ibig sabihin siya ang magliligtas satin kung magkataon!" ako.

"Hindi pa pero hindi ko alam kung makikita pa siya matagal na panahon na nung nakuha ang sulat na iyon pero wala paring impormasyon tungkol sa Heir, ang alam lang namin ay isinilang siya bago ang Big Explosion para iligtas kami sa dilim" ngiting sabi ni Kiesha.

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now