Part 25

5.9K 172 9
                                    

Chazandra

Palabas na kami ngayon ng klase bumalik na din sa normal na pagkatao si Kiesha.

"HOY ZANDRA! SAAN MO BA KO DADALHIN MAY LABAN NG TRAINING ELIMINATIONS MAMAYANG 1 TSAKA GUTOM NAKO HOY!" Sigaw niya habang naglalakad partida magkalapit kami niyan.

"Ano ka ba! 10 palang ng umaga ang aga pa bisitahin muna natin si Ariana sa health center" ako.

Nagreklamo pa din siya pero hindi ko na siya pinansin atsaka nagderederetso lang ako hangga't sa makapasok akong health center.

May nakausap naman kaming nurse pansin ko lang lahat sila ay may sign na Z sa gilid ng mga uniforms nila nung malaman ko kung nasaan ang room ni Ariana ay agad akong nagpunta doon.

Pagpasok namin ng pinto nakita ko namang nagulat siya atsaka napangiti kaya napangiti na din ako.

Kinamusta lang namin siya at umalis na dahil malapit na rin naman daw siyang magcheck-out sa health center.

I felt relief. Buti nalang magaling na siya sabi kasi sakin ni Master na wag masyadong manakit gamit ang element ko.

"Hoy parang baliw to saan ba tayo pupunta? Diba pwede gamitin mo nalang ulit element mo para mabilis?" naglalakad na kasi kami pa north ngayon damuhan at mga puno puno nalang ang nakikita namin.

Tinignan ko naman siya "Sa kaibigan ko mas magandang mafeel mo ang gubat earth bender ka diba?"

Tinignan niya naman ako na nagtataka.

"Hays nakakapagod kaya teka nga pwede ba yon may kaibigan ka dito?" tanong niya naman.

"Marami nga kong ikwekwento sayo Kiesha" sabay tawa ko sakanya.

Napailing nalang siya at sinundan ako.

"Ang kati naman dito Zandra buti walang araw ngayon pasalamat ka!" Kiesha.

Actually I used my element Air to gather the clouds around here para matakpan ang araw alam kong magrereklamo talaga ang isang to.

Nung makarating naman kami napalingon ako sakanya na takang taka sa bahay na nasa harapan namin.

"H-Hoy Zandra baka naman jinojokes mo ko dyan o prank ha? Baka ikamatay ko yon!" sabi niya na parang natatakot.

"Huh? Bakit naman kita gaganunin?" ako.

"Sira eh ano yang bahay na yan mukhang haunted house! Tas ang creepy pa dito parang walang napunta na tao" sabi niya na parang takot na takot.

Napailing nalang ako may sira siya sa ulo ako ng nagsasabi "Bahay yan ni Sky at tambayan ni abnoy"

Bago pa man siya makatanong kung sino yon bigla namang may tumakbo saking mabalahibong sky blue na nilalang napangiti naman ako agad napaluhod ako para magkasing baba lang kami dinilaan naman nito ang kamay ko.

"Hello Sky!" ako.

"Grooowl" sagot nito na ikinangiti ko ang gaan talaga ng loob ko sakanya.

"L-L-Lo-b-boooo!" tili naman ni Kiesha na nagpapanic, nataas ang ibang bato sa paligid namin dahil sa ginagawa niya na parang ikinaalarma ni Sky sa paligid.

"Hoy tumigil ka nga dyan tinatakot mo si Sky!" sabay pat ko sa ulo nito para mawala ang pagkadiscomfort niya sa paligid.

Kumalma naman siya at nawala na ang mga lumulutang na bato "Z-Zandra paano ka nagkaroon ng alagang lobo?"

"Nakita lang siya ni Zhyron" sabi ko naman.

"Talaga? Waaa ang sweeet!" sabay tili niya at biglang sumeryoso ulit.

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now