Part 14

7K 223 7
                                    

Chazandra

Zodiac tribes

Simula nung bumaba ang allies ng Great Great Guardian of Light naging maayos ang pamumuhay nito sama sama silang naninirahan sa isang lugar kasama ng mga tao nila.

Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil sa paghahagsik ng lagim ng Great Great Guardian of Dark kahit nasa Netheria siya ay may inutusan siyang tao, ginamit niya ang natitirang lakas niya para makatakas ang taong iyon doon at nakalabas naman iyon sa Netheria, nilason niya ang utak ng ibang mga allies kaya nagaway away ang mga ito pero may ibang hindi nagpakaalason sa dilim.

Nagtipon tipon sila Gemini, Taurus, Aries at Cancer silang apat ang hindi nagpasakop sa dilim kaya gumawa sila ng paraan, sinugod nila ang kanilang mga allies ngunit hindi nila ito pinatay tinanggal lamang nila ang lason sa mga utak nito, lalabanan sana nila ang tao ni Dark pero nakatakas ito.

Dahil doon nagkaroon sila ng desisyon na maghiwa-hiwalay para kung sakaling magkaroon ng gulo hindi lahat masasaktan at maaalarma ang ibang mga allies, they also made a defense para maalarma sila kung sakaling may ibang mga nilalang ang makakapasok sa kani-kanilang territories dahil sa lason na natamo ng ibang allies nanghina ang mga ito at hindi na nila maibalik pa ang kanilang tunay na lakas kaya sila Gemini, Taurus, Aries at Cancer ang namuno sa kanilang mga tribo.

Sa North doon nagsama-samang namuhay ang mga tribo ng Air benders ang namumuno ay si Gemini ang pinakamalakas sumunod naman si Libra at Aquarius.

Sa East nagsama-sama ang mga tribo ng Earth benders at ang namumuno doon ay si Taurus ang pinakamalakas sumunod naman si Virgo at Capricorn.

Sa South doon nagtungo ang mga tribo ng Fire benders ang namuno ay si Aries ang pinakamalakas sumunod naman si Leo at Sagittarius.

At ang pinakahuli ang mga tribo ng Water benders nagtungo sila sa West part ng mundo doon naman namuno si Cancer ang pinakamalakas sumunod si Scorpio at Pisces.

"Noong namatay sila, sa basbas ng Great Great Guardian of Light ipinamana nila ang mga kapangyarihan nila sa mga napili at ang mga itinakda" Ms. Red.

Kaya pala may mga mabababang tribo at matataas na tribo, sulat lang ako ng sulat habang nakikinig may nasagot na kahit papano sa mga tanong sa utak ko pero paano yung Heir? Kanino galing yung basbas niya? Arghhhhh bakit ba ko nagiging interesado don?!

*RIIINGGGG!*

"Okay class that's our lesson for today class dismissed!" Ms. Red.

Nagsimula namang lumabas ang mga kaklase ko si Kiesha naman nasa labas na din ata inaantay siguro ako, talaga yon hindi ko man lang napansing lumabas niligpit ko na muna ang mga gamit ko atsaka naglakad na palabas hangga't sa may bumangga sakin.

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now