Part 5

8.5K 280 15
                                    

Chazandra

"Magaaral ka, You will enter Avalon University" sabi ni Master.

Nabibingi na ba ko? Tama ba yung mga narinig ko?

"Master totoo po ba yung narinig ko?" tanong ko naman sakanya.

Tumango nalang ulit si Master at nagpatuloy sa paglalakad, hindi ko maiwasang hindi ngumiti ng abot tenga sa sobrang saya! Magaaral ako as in study for real! Mas marami akong matutunan at maiintindihan pag nangyari yon baka sakaling malaman ko kung para saan ako naghahanda at syempre kung ano bang meron sa mundong ito.

Sa sobrang saya ko hindi ko namalayan na nawala na sa paningin ko si Master hala.. UWAAA!!! >///<

Hindi ko pa naman alam dito huhu tumingin ako sa kanan puro mga stalls lang na kakaiba ang mga nagtitinda ng potions o kaya herbs, sa kaliwa naman puro mga bookstores saka mga bilihan ng damit at mga armas napalingon naman ako sa unahan may nakita akong parang si Master.

"Master! Master!" sigaw ko naman.

Tumakbo ako at nilapitan ito atsaka siya kinalabit nung humarap ito color green na mga mata ang bumungad sakin, medyo dark blue ang buhok sa itsura niya parang magkaedad kami napalingon ako sa wrist niya, Water naman ang nakatatoo doon.

Hindi siya si Master.. tinignan ko siya ulit nakatingin pa rin ito sakin parang inaantay niya yung sasabihin ko.

"P-Pasensya na po, akala ko po ikaw yung kakilala ko" sabi ko naman.

Tumango naman siya habang ngumingiti atsaka agad na naglakad paalis.

Napabuntong hininga nalang ako. Nakakahiya naman yun hays!

Lakad lang ako ng lakad baka sakaling makita ko siya saan na ba kasi yung si Master?! Ano ba naman yan kasi Chazandra! Sobra kang natuwa yan tuloy...

*BLAAG!*

Natumba ako nung may bumangga sakin at napabagsak naman ako sa sahig napatingala naman ako sa bumangga.

"Watch where you're going!" iritang sabi sakin nung lalaking ubod ng gwapo, color green ang mga mata neto yung buhok niya di ko maexplain black ito na medyo may highlights ng dark blue bumagay sakanya, kaso teka nga ang sama naman ng ugali neto!

Siya na nga tong nakabangga sakin siya pa yung magagalit! Aba lang ha!

"Excuse me lang ha, ikaw ang nakabangga sakin!" Sabi ko naman sakanya habang nakaupo pa rin ako sa daanan.

At ang walang hiya iniwan lang akong nakaupo, hindi man lang ako tinulungan tumayo!

Sa sobrang inis ko tumayo ako magisa medyo masakit pa ang pwet ko nakakainis baka kasi isipin ng mga tao dito baliw ako, pinagpagan ko yung damit ko. Bwisit pagnakita ko yun ulit makakatikim yon!

"CHAZANDRA! CHAZANDRA!"

Napalingon naman ako kaagad sa kung san san nung marinig ko iyon, nakita ko naman si Master tumatakbong palapit sakin.

"MASTER!" sigaw ko naman. Agad naman akong tumakbo palapit sakanya.

"Okay ka lang ba? Wala bang nangyare sayo?" Master halatang nagaalala hinawakan niya ang braso ko tas tinaas at pinaikot niya pa ko.

"Opo Master okay lang ako wala pong nangyare" ako.

"Mabuti naman" sabi ni Master at nakahinga naman ako ng maluwag.

Pero nawala lahat ng yon nung bigla namang nagbago ang aura niya parang galit.

"Bakit ka naman kasi humiwalay sakin Chazandra!" Sabi ni Master habang hinahatak niya ko paalis habang sinesermunan pa rin ako.

Natapos lang ang pagsesermon sakin ni Master nung makakita ako ng malalaking kabayo sa harapan namin na may pakpak ang ganda nila sa paningin may iba ibang kulay tulad ng brown, black at light brown.

"This is the terminal of North since we're running out of time para makapunta sa Zonadia, sasakay na tayo sa Pegasus" Master.

So Pegasus pala ang tawag sa mga kabayong ito ang ganda! Sasakay kami sa pegasus! Pero teka running out of time?

"Master running out of time for what?" tanong ko.

"A slot, you will not be able to enter that University without a slot and the good thing is -- kakilala ko ang may ari ng school na iyon kaya makakapasok ka doon ng walang requirements at kahit ngayon ka palang magaaral because requirements are indeed needed over there because that's the only school here in this world and one more thing magstastart na bukas ang 2nd Grading kaya we need to go there right now, so you can start tomorrow" Master.

Tumatango tango na lamang ako habang sinasabi iyon sakin ni Master that's the only school sa mundong ito so ibig sabihin sobrang laki ng school na iyon! Bukas na kaagad ako magsisimula, kinakabahan ako at naeexcite na rin at the same time.

Sumakay kami sa Pegasus na itim napakaelegant tignan nito sabi saamin ng nagaalaga ng mga pegasus hanggang Gateway lang daw kami nito ihahatid pumayag naman kami, ngayon nasa harap si Master at nasa likod naman ako nung lumipad na eto halos hindi ko na maisara ang bibig ko dahil sa sobrang ganda ng view ang nakikita ko nagiging dark-violet na ang langit may mga malalaking bituin na rin akong nakikita rito na kumikislap kislap at may dalawang buwan na hindi masyadong magkalayo sa isa't isa, ang ambiance ng hangin napakafresh, napakasarap, at napakamalaya sa pakiramdam.

Nagulat ako nung medyo pababa na kami ng pababa. Nandito na ata kami sa gateway ang bilis naman ata? Pagkababa namin sa Pegasus pinasalamatan ito ni Master at agad silang lumipad paalis.

Nakaharap na kami ngayon sa gateway papuntang Zonadia. May brick walls nanamang nakaharang dito but this time parang may puzzle na kailangan buoin.

"Master bakit lagi nalang pong ganto? Ang daming puzzles and chants?" tanong ko naman.

"Protection para hindi madaling makapasok ang mga kampon ng Zodiac Killer at once na maling puzzle ang nabuo magsesend ito ng alarm doon sa main area ng North and even sa school" sabi niya naman.

Napatango nalamang ako bilang sagot so ito ang parang defense ng Zonadia.

Agad namang lumapit si Master sa brick walls at nagsimula siyang magpaikot ikot at naglalagay ng mga puzzle sa tamang lalagyan habang binubuo ito ni Master may nabubuong siyang larawan ang simbolo ng Air, bigla naman itong nagliwanag.

Tuluyan ng nawala ang brick walls sa harapan namin.

Lumakad si Master papasok doon sa loob at sumunod naman ako.

**

A/N:

EDITED!

HEY ZODIANS! NAGSIPAG ANG DIWATANG AUTHOR NIYO BWAHAHA DOUBLE UPDATE THIS DAY!

BTW ANY QUESTION? KUNG MERON ASK LANG AT DONT FORGET TO HIT THAT STAR! MWA!

-diwata

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now