4~♥ Muse and Escort

343 13 0
                                    

Chapter 4


"Diba ako bukas yung first subject niyo?" Tanong sa'kin ni Ma'am.

"Yes, Ma'am."

"Bukas hindi ako makaka attend kasi may meeting kami."

"May magsa-sub po ba?" Tanong ni Ethan kay Ma'am.

"Wala. Actually kaya kita pinatawag dito kasi dapat bukas may nominations tayo for class officers kaso nga diba wala ako." Tumango lang ako. "Kaya ikaw muna ang magaasikaso. Kaya mo na naman diba? I trust you naman, e."

"Po? Bakit po ako?"

"Kasi ikaw lang naalala ko, e."

Eto naman si Ma'am, naalala yung ganda ko *flips hair* Naks, Cassy! ^__~

"Uh, Sige po. Kaya ko naman po."

"After nominations, pwede na kayong mag lunch. Sige kumain na kayo ngayon."

"Sige po, Ma'am. Thank you po."

Lumabas na kami ni Ethan ng faculty.

I sighed." Yun lang pala. Akala ko kung ano."

"Ha? May sinasabi ka?"

"Ah wala. Sige babalik na ako."

"Sabay na tayo. Du'n din punta ko eh."

Naglakad na kami papuntang canteen. Kasabay ko si crush mag lakad!

***

*Kinabukasan*

Uggh! Ang ingay dito sa room ke aga aga! Paano ko makukuha mga atensyon nila?

"Ugh! Cass, pati ako naiinis na sa kanila!" Inis na sabi ni Kai.

"Ako din! Hindi ko sila mapatahimik!" Kahit silang dalawa ni Twittle ay hindi mapatahimik ang mga classmates namin.

"Pupunta na nga ako sa harap!"

"Go, Cassy!" Si Kai.

"Go, Mrs. Espanto!" Si Twits.

Hahaha! Kaya love na love ko tong mga to eh! Pumunta na ako sa harap at grabe ang ingay talaga nila!

"CLASSMATES, STOP TALKING!!!"

Whoo! Sakit sa lalamunan!

Pero grabe sila oh! Parang hindi section 1. Tiningnan lang ako tapos nag ingay ulit.

Kumuha ako ng Stick na makapal tapos mahaba tapos ipopokpok ko to sa mga 'to. Nanggigigil na ako!

Joke! Ang brutal naman! Ipopokpok ko lang sa desk.

*Pok pok pok!*

Wag ka, yan yung tunog.

"CLASSMATES, LISTEN TO ME! MS. REYES TOLD ME YESTERDAY THAT WE HAVE A NOMINATIONS FOR CLASS OFFICERS TODAY! SO, IF YOU'LL ALL PARTICIPATE, MAAGA TAYONG MAKAKAKAIN! UNDERSTAND?! Let's start..."

Psh! Kailangan ko pa pala mag english para manahimik sila -,-

Hindi ko na sinabi na hindi si Ms.Reyes yung magpapa-nominate kasi alam naman nilang absent kaya kanina ang lakas nilang mag-ingay.

Tapos na kami sa President,Vice president, secretary etc. Ngayon ay muse at Escort na lang. Si Kyline yung President kasi binoto siya ni Twittle kaya gumanti si Kyline at binoto niya si Twittle as vice president kaya siya na yung VP namin kasi maraming bumoto sa kanya.

"I nominate Cassy Legaspi as Muse."

Sinulat ko na sa board yung name ni Cassy Legaspi..

CASSY LEGASPI?!

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now