8~♥ White Rose

325 10 0
                                    

Chapter 8


Monday

Nagising ako dahil naramdaman kong may dumidila sa pisngi ko. "Lyndon, naman eh. Gigising na nga oh!" Bumangon na ako bago pa ako tahulan ni Lyndon. "Mas maaga ka pa sa alarm eh." Whushu~ Monday nanaman.

Bago ako maligo, kinuha ko muna sa closet ko yun uniform tapos kumaha na din ng socks. Nilapag ko yun sa kama ko then pumasok na sa CR.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako tapos nag lotion,nag powder, cologne, lip balm then nagsuklay na ako. Lumabas na ako ng kwarto then nilock ko yun. Bumaba na ako kasama si Lyndon.

"Good morning, Cassy," masayang bati sa'kin ng isa sa mga maids.

"Morning po. Pakainin niyo na po si Lyndon."

"Okay po. Nagluto na po ako ng breakfast. Kumain na po kayo."

Pansin kong wala na sila Mommy and Daddy dito. Siguro pumasok na yun. Hays. Di man lang ako ginising para mag ba-bye.

*nom nom nom* *burp*

Nag toothbrush na agad ako baka kasi ma-late pa ako. Medyo mabagal pa naman ako kumilos. Panigurado nandun na sila Kyline sa school.

Pagtapos kong magtoothbrush, may nag busina sa labas. "Sino yun?" Tanong ko kay yaya at sabi niya, "Ethan daw po." Myghad! Sabay ba kami? Bakit? Kinikilig tuloy ako.

Kinuha ko na agad yung bag ko then lumabas na ako ng bahay.

Sinalubong ko kagad si Ethan sa harap ng gate. Naka sandal siya sa kotse niya habang nakatingin sa phone.

"Uy Ethan, anong ginagawa mo dito?" Nung nakita niya ako tumayo agad siya at ngumiti. Nako, kukunin ko talaga dimple nito!

"Uh, Gusto ko sanang sabay tayo?" Gusto niya daw ako?- Ayy. Assuming ka talaga, Cassy.

"Bakit?" Pakipot pa konti, Cassy. Push mo yan!

"Wala lang. So, tara na?"

"Sure." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at syempre pumasok ako. Alangan naman siya yung pumasok tapos ako mag drive. Baliw lang.

Nasa car park kami ngayon. Kasalukuyang naghahanap ng space si Ethan. Nang nakahanap na siya ng space ay bumaba siya agad then umikot siya at pinag buksan niya ulit ako ng pinto. Sweet!

"Thank you," I murmured.

Nag lakad na kami papasok ng Campus. Dumiretso na kami hanggang room kasi magkaklase naman kami. Habang naglalakad kami, ang daming nakatingin sakin este sa kanya. Gwapo kasi eh! Siguro napansin din nila na kamukha niya si Darren. Hihi.

Dumiretso na kami sa 3rd row kung saan yung upuan namin. Habang naglalakad kami, yung mapang-asar na mata at ngiti nila Kyline at Twittle ang nakikita ko. Pagka-upo na pagka-upo ko bigla naman akong kiniliti sa tagiliran ni Kyline, nagpalit muna sila ng upuan ni Twittle.

Humarap sakin si Kai at bumulong, "Cassy, nyare? Bakit may sabay sabay pa kayo? Ikaw ha!" Sabay siko niya sakin ng pabiro at ngiti niyang mapang-asar. "Aminin mo, kayo na ba?"

Halos lumuwa mata ko sa tanong niya. "Baliw ka talaga Kyline kahit kailan. Kita mong ni-reserve ko ang first boyfriend kay Darren eh!" Oo na. NBSB na ako. Pake niyo! Huhu!

"Sus. Eh bakit kayo sabay pumasok?"

"Kasi sinundo niya ako sa bahay kan-"

"WHAT? Nililigawan ka na niya?"

"OA mo. Ang sabi niya gusto niya daw akong kasabay," sabi ko sabay pabirong irap sa ere.

"Omayghad. Wait, kinikilig ako." Tiningnan ko si Ethan kung naririnig niya pero mukha hindi kasi naka head set siya at nakayukong parang natutulog.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now