17~♥ Cake

235 7 0
                                    

Chapter 17


Monday


"That's for now. Good bye class." Kinuha na ni ma'am yung gamit niya tapos lumabas na.

"Girls, punta tayong locker? Ang bigat ng bag ko eh. Bawas bawas lang," sabi ko sa kanila tapos tumayo na kami. Ang bigat kasi ng bag ko parang nasa loob si Lyndon. Bigat pa naman nung asong yun.

"O'sige, baka may garden na dun. Last week pa ata tayo pumunta dun eh," Sabi ni Kyline. Lumabas na kami ng room tapos bumaba na papuntang locker.

"Garden? Bakit? May mga flowers pa din ba dun?"

"Oo kaya. Ang sipag nga ng suitor mo-aray!" Siniko ko nga. Suitor daw.

Naglakad lakad lang kami hanggang locker at himala dahil hindi nagpaalam samin si Ethan na may pupuntahan daw siya at sumama na samin. Saan kaya 'to pumupunta?

Hindi kaya dun sa tinatanong niya kay Kai nu'ng isang araw? Sino kaya yung babaeng yun? Sana hindi Darrenatic kasi ang swerte niya dahil kamukha pa ni Darren yung manliligaw niya! Ako na lang ulit, Ethan. Jokeee! Bakit, naging kayo ba,Cassygirl? Ha?!

Nung nasa tapat na kami ng locker ko ay may flower na naman, "Hala kawawa ka naman, nalanta ka." Malay ko bang aaraw-arawin nung kung sino man naglalagay niyan diyan sa locker ko.

Tinago ko muna sa loob yung mga bulaklak kasi kawawa naman kung itatapon, sayang din yun. Habang nilalagay ko yung mga libro ko ay may naririnig akong ingay. "Kai naririnig mo ba yun? May umiiyak."

"Baka ringtone lang ni Twittle yun," sabi niya sabay sara ng locker niya.

"Oy grabe ka. Naka silent kaya phone ko." Pero may naririnig talaga ako eh. Hindi naman ako bingi 'no. Parang sa janitors room galing eh.

"Ako din, Cassy. May naririnig ako parang sa banda dun oh." Tinuro niya yung janitors room. Sabi na eh, bingi 'tong dalawa kong kasama eh.

Pero pag Daniel yung sasabibin ang lakas ng pandinig ni Kai tapos pag pagkain naman si Twittle. Pag si Darren naman syempre sino pa ba? Only Binay este ako.

Nung nalagay ko na yung mga dapat kong ilagay sa locker ay sinara ko na tapos niyaya ko silang pumunta kung saan yung ingay na naririnig namin ni Ethan.

"Ano hindi mo ibibigay yang pera mo? "

"W-wala na kasi akong b-baon eh."

"Ah ganon, do you want me to cut your messy hair?"

"W-wag!"

Nung sumilip kami ay nakita ko si Andrea pati yung kasama niyang may binu-bully na babae. Aba, grabe siya oh.

"Andrea, Stop!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko kasi kawawa naman yung babae. Iyak ng iyak tapos ang gulo ng buhok. Para tuloy siyang nakipag kutohan sa unggoy. Joke hehe.

"Look who's here. Gusto mo sumama?" Kinuha ko yung babae tapos tinago ko sa likod. Hindi ako pala-away. . . Joke. Minsan lang pag sumusobra na lalo sa Haters and Bashers ng Asawa ko tapos yung mga gantong pangyayari.

"Tama na nga, Andrea. Bakit mo ba siya binu-bully?"

"None of your business." Business daw, wala naman akong business. Hahaha! Joke, gets ko yun nuh! I'm just kidding.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now