32~♥ What's with that question?

130 7 0
                                    

Chapter 32

Twittle's POV

Naglalakad kami ngayon palabas ng Greenwich. Grabe, ang sarap talaga ng libre— este pizza!

"Uy, ano 'yung sasabihin mo?" Tumabi sa'kin si Kai habang naglalakad kami. Si Cassy at Ethan ang magka-usap ngayon.

"Hiningi ni Darren 'yung number ni Cassy." I whispered to her ear. Baka marinig ni Cassy, e.

"Talaga? Omg! Haba ng hair niya, a! Ako kaya? Kailan hihingiin ni Danielbabes? Kainggit naman 'tong si Cassygirl, e!" Ako, matagal nang may number ni Idol. Si Kai na lang talagang malabong magka-number ni Daniel. Hays!

"Parang hindi pa nga tinitext, e?" Hindi pa nag-tetext si Cassy at hindi pa kinikilig, e. Pagtinext na 'yan ni Darren baka manghampas 'yan si Cassy. Uber pa naman kilig niyan kay Darren.

"Baka naka-silent phone niya." Sabagay. Excited din kasi ako, e!

"Cassy," tawag ko sa kanya. Lumapit na kami ni Kai sa kanila.

"Bakit?"

"May nagtext sa'yo?" Nagtaka si Cassy pero chineck niya 'yung phone niya sa bulsa niya.

"Wala naman. Bakit?" Wala? Nahihiya ba si Mr. Espanto? Nawalan ng load? Ay, paniguradong naka-line 'yun.

"Wala naman. May narinig kasi akong may nagtext. Sa'yo ba, Ethan meron?" Chineck niya din 'yung phone niya at umiling. Nag-nod lang ako at tumingin na lang sa daan. Parang akong baliw.

"Magtataxi tayo o magjejeep?"

"Twittle!" Sabay sabay na sigaw nila sa pangalan ko. Bakit? Hahaha!

Darren's POV

"Bro, nakita ko 'yung isang sim card mo sa kwarto ko," kakapasok lang ni Jk sa unit ko kasi galing siya sa unit niya.

"Ay! Nasa'yo nga pala 'yan. Hinahanap ko 'yan, e. Akin na nga, gagamitin ko." Binigay naman sa'kin ni Jk 'yung isa kong sim card. In-off ko muna 'yung phone ko bago tinanggal 'yung isa at pinasok 'yung isa.

In-on ko na 'yung phone ko at wala naman nagtext. Naputol kasi 'yung sim card dati ni Jk kaya hiniram niya muna 'yung akin. Nalimutan niya ngang ibalik nu'ng nakabili na siya, e. At nakalimutan ko ding kuhain.

"Uy, bro. Charged na ba phone mo?"

Ngayon ko pa lang makukuha phone number ni Cassy. Nalilimutan ko kasi pag nagkikita kami, e. Nahihiya naman akong i-message sa Instagram or Twitter niya. Wala kasi akong facebook din.

"Teka lang, ino-on ko pa, e. Excited si Espanto!" Gano'n talaga. Nakakamiss din kausap 'yun si Cassy, e. Lagi pang namumula. Ang cute niya tuloy tingnan.

"Wait lang, bros. Punta muna ako sa unit ko," then he left.

"Dala ka ng foods, Jk!" Pahabol ko. Hindi na ata ako narinig ni Jk. Nakalabas na siya, e.

"Bro, number ni Cassy..." Paalala ko.

"Ay! Oo nga pala. Oh," then he gave to me his phone.

Nu'ng nakita ko 'yung number ni Cassy, sinave ko agad sa phonebook ko. Binalik ko na din kay Mavy ang phone niya.

I composed a message to Cassy.


To: Cass

     Hi, Cass! Labas tayo? Darren.


My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now