25~♥ Crush

218 8 0
                                    

Chapter 25




"Uy, Ethan." tumabi sakin si Kyline habang naglalakad kami.

"Bakit, Kyline?"

"OP ka ba? Sorry ah." Tiningnan ko muna sila Cassy bago sumagot.

"Hindi naman. Gan'to lang talaga ako pag may ibang kasama, tahimik." Hindi ko kasi masyadong malabas 'yong kulit ko pag may ibang kasama. Mas gusto kong maging makulit or maingay pag close ko 'yong kasama ko.

"Sabi ni Cassy, kausapin daw kita kasi ang tahimik mo."

"Talaga? Sabi niya 'yon?" Siguro kung wala si Darren dito, si Cassy 'yong kausap ko. . . ata?

"Oo nga. Nakita ka niya kasing tahimik e."

"Hinahayaan ko lang si Darren maka-usap si Cassy. Sa susunod, ako na 'yung nandiyan."

"Whoo, whoo! Lakas ng hangin, grabe!" Um'acting pa si Kyline na parang tinatangay siya ng hangin. Totoo naman ah, minsan lang naman niya makita si Darren pero ako, araw-araw.

"Ito naman."

"Joke lang. Don't worry. Idol niya lang si Darren pero ikaw 'yong crush niya." Napa-stop ako sa paglalakad sa pagkabigla. Seryoso ba 'to? At Naglakad na ulit ako.

"S-seryoso ba 'yan?" Paninigurado ko. Baka kasi jino-joke lang ako nito ni Kyline e.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now