28~♥ Jeep

182 10 1
                                    

Chapter 28


Cassy's POV

"Cass, are you done?" Kai asked while fixing her stuffs.

"Oo tapos na." Saktong nag bell nang matapos ako sa pagsusulat ng answer sa papel at agad na ipinasa kay ma'am. Niligpit ko na din ang mga gamit ko at nag-ayos ng sarili.

"Oh ano, tara na?" Yaya ni Ethan sa'min. Excited atang kumain sa canteen. Bagong ayos kasi e. Pero hindi pa namin nakikita 'yung loob.

"Tara," sabi ko at lumabas na kaming lahat sa room. Habang naglalakad, nagheadset muna ako. Ang ganda na ng headset ko, ang ganda pa ng pinapakinggan ko— ang mga kanta ng asawa ko.

"Omg, Cass! Saan mo nabili 'yan? Gusto ko din niyan!!" Napansin ni Kai 'yung headset ko. Favorite din kasi niya si Baymax. Actually, lahat kami.

"Secret..." Iniinggit ko si Kai. Alam kong kukulitin ako niyan hanggang sa malaman niya kung saan at bibili din siya e!

"Ay, ang daya! Saan nga?" Nakarating na kami sa canteen. Lumaki siya at gumanda din lahat ng tables and chairs.

"Kumain muna tayo, Kai." Nagpacute siya sa'kin. Sus! Akala naman niya tatalab. Ito talagang si Kai, ang cute! Ay, tumalab pala.

Pumila na kami at may mga bago ding mga pagkain. Buti naman at nagsasawa na din ako sa dating binibenta nila e. De, joke.

"Ay, umaasenso! May frappé na!" Tuwang tuwa din si Kai. Nagsasawa na din daw kasi siya kaya ngayon, ang dami niyang inorder at gano'n din si Twittle.

"Eto nga po, saka ito, ta's ito, tapos isa din po nito at ito. Yay! Ang dami!" Ay, mas tuwang tuwa pala si Twittle. Mamaya, gawin niyang tambayan itong canteen. Tapos magugulat na lang kami wala nang tinda kasi inubos na niya. Ay! Hahaha!

"Oh, Ethan. Ano 'yung sa'yo?" Tiningnan muna ni Ethan 'yung mga pagkain bago tumingin sa'kin.

"Uhm... Kung ano na lang sa'yo, Cassy." Sabi niya e. Bumili na lang ako ng 2 donut, 2 graham sliced cake, 2 beff steak and rice and 2 frappé.

"Ako na sa isa, Cassy," binitbit niya 'yung isang tray at pumunta na kami sa table nila Kai. Nakita kong tuwang tuwa kumain si Twittle. Mukhang masarap nga lahat!

"Eto 'yung bayad ko, Cassy," inabot sa'kin ni Ethan 'yung bayad niya. Kinuha ko 'yun at nilagay sa wallet ko.

"Uy, Cassh! Shaan mongsh nya nyashili?" At ayan na naman siya. Kahit puno ang bibig nagsasalita pa rin. 'Di ko tuloy maintindihan! Parang nagsasalita ng Alien words e.

"Uminom ka muna, Kai! Eto talaga. Mabubulunan na't lahat lahat nagsasalita pa din." Uminom naman siya at saka nag salita ulit. 

"Sabi ko, saan mo nga nabili 'yang si Baymax ko?" Kung maka-Ko naman 'to. Sumbong ko 'to kay Danielbabes niya e.

"Sa mall. Actually, hindi ako ang bumili nito kundi si Darren. Finn 'yung binili ko pero nakipagpalit si Darren sakin. 'Di ba nga? Nag mall kami ni Darren kahapon kaya ayun!" Kilig na kilig ako paguwi ko kagabi at nagtatalon ako sa kama at nagheadbang pa. Hilong-hilo nga ako pagtapos e. Mukha akong nag adik! Sheez.

"Ay, samahan niyo ako mamaya ah! Bibili din ako." I just nodded in reply.

"Uhm... By the way, Cassy. 'Di ba bibili din tayo ng charger mo?"  Nanlaki 'yung mata ko. Oo nga pala!! Kami pala bibili ng charger ni Ethan! Naka-Oo na ako e. Daef!

"Ah... Kasi... N-nakabili na 'ko e." Nalungkot 'yung mukha ni Ethan. "...Sorry."

"Okay lang. Samahan na lang natin si Kai bumili mamaya," Mukhang nalungkot talaga si Ethan. Sorry, Ethan. Natuwa naman si Kai. Parang ang bigat ng headset na bibilhin namin ah!

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now