22 ♥ Mall of Asia

203 9 0
                                    

Chapter 22

"Twittle?"

Twittle? 'Yong admin daw ng Mavynians? I though he was joking about that. Totoo pala. De, joke.

"Uh. . H-Hi?" Mukhang hindi pa ako napapansin ni Twittle kasi nakatingin lang siya kay Mavy at 'yong mukha niya, namumula talaga.

"Hello. Anong ginagawa mo dito?" ♪~Hanggang Hi Hello na lang ba ako? May pag-asa ba sayo. Mundo ko'y nag-bago. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Panaginip lang ba ito? Nanginginig na talaga ang tuhod ko. Pero sana'y.. Sabihin mong mahal mo rin ako-oh.. Mahal mo rin ako-oh..~♪

"Uh, pupuntahan ko 'yong mga kaibigan ko sa loob. Ikaw?" Tumingin ako sa tinuro niya, nasa harap na pala kami ng Greenwich.

"Pauwi na." Pauwi na? Akala ko bibili kami sa Greenwich? Lutang ata 'to si Mavy kasi nakita niya si Twittle, may gusto nga pala siya sa admin niya. "Ay, nga pala. Si Da—"

"Hala, si Darren." Mukha siyang nagulat pero buti na lang hindi sumigaw.

"Hi po," ngumiti ako sa kanya at ganon din siya.

"S-sige. P-pasok na a-ako. B-bye Mavy and D-Darren." Umalis na siya at pumasok sa loob na nagmamadali.

"Anong nangyari do'n?" Napakamot na lang ng batok si Mavy.

"Ewan ko? Sabi mo bibili tayo ng pizza?"

"Ay, oo nga pala! Tara nga." Nakaharap lang 'yong crush niya, nakalimutan na. Iba din.

Pumasok na kami sa loob. Hindi na ako sumama sa kanya sa pila. Buti hindi mahaba. I just sit near the glass wall.

Habang naka-upo ako, parang may matang nakatingin sakin kaya inikot ko 'yong paningin ko sa paligid.

Habang tumitingin ako sa paligid, nakita ko 'yong babaeng nakatingin sakin. Namumukhaan ko siya? Parang si. . . si. . si Kaycee? Key.. Cas.. Cassy? Ayon, Cassy! 'Yong sa meet and greet? Ay, Darrenatics nga pala siya!

Nakita kong patayo siya kaya tumayo na din ako at hinila si Mavy sa pila.

"Tara na."

"Uy bro. Sunod na ako oh. Bakit ba?"

"Basta." Lumabas na kami ng Greenwich, hila-hila si Mavy palayo at nagtago.

"Bakit ba? Sino ba 'yon?"

"Basta. Tara umuwi na lang tayo."

"Uwi? Ayoko pa. MOA na lang tayo? Sa sea side?"

"Sige. Umuwi muna tayo. " Gusto ko din pumuntang MOA eh. Dati kasi full 'yong schedule ko kaya wala akong oras para gumala.

"Wag na. Sayang oras."

"Pahatid lang tayo. Tara."

KYLINE's POV

"Cass! Kai!" Nagulat ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Si Twittle pala na hingal na hingal.

"Oh, bakit?" Uminom muna siya ng juice bago nag salita.

"Si Darren!" Nagulat ako. Darrenatics na din siya? Sa wakas si Tweetzy fan na din! Papadasal ako mamaya. De, joke lang.

"Oh, ano? Darrenatic ka na?" Namilog 'yong mata ni Cassy kasi nakarinig na naman ng 'Darren'

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora