20~♥ Seven-Eleven

261 5 0
                                    

Yaaay! Nagawa ko na din sa wakas ulit ang chapter bente! Enjoy reading!

Chapter 20

Kyline's POV 

"Ahhh!!"

"Ay, Twittle! Tili ka ng tili. Pati ako nagugulat!"

Nakaka-ilang beses na namin napapanuod 'yung Train to Busan pero gulat na gulat pa rin 'tong si Twittle. Nabato niya pa sa'kin 'yung unan niyang hawak kanina.

"Sorry. Nagulat ako kasi ako sa mga zombies!"

"Pa rin? Ilang beses mo na ba napanuod 'yan?"

"Uhm. . . hindi ko na alam, e?" Tsk. Sa daming beses na, hindi na niya maalala. "Saka ang dilim kaya dito saka ang tahimik kaya magugulat talaga ako. Bakit ikaw ba hindi nagulat?"

"Okay. Okay." I surrender. Humahaba nguso niya, e.

"Ay, ano ba 'yan! Hindi ko tuloy napanuod. Dinadaldal mo kasi ako, e." Sinisi niya talaga ako. Alam naman na niya 'yung nangyari. Kinuha niya 'yung remote tapos binackward pa.

"Ewan ko sa'yo, Twittle. Para kang bata. Matutulog na ako. Ikaw na lang magligpit niyan. Bye!" Lumabas na ako agad ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko bago pa niya ako batuhin ng unan.

I look at my wrist watch and it's already passed 10. Nagugutom ako. Hindi kasi naghanda ng popcorn si Twittle kanina—Ay, nagdala pala pero sa kanya lang.

While massaging my forehead, my phone suddenly vibrated. A sms from Ethan saying; 'Still awake?' 

I stopped massaging my forehead and compose a reply to him; 'Yes. Why?'

Wala pang isang minuto ay nag-reply na agad siya.

Ethan: 711 tayo? Nagugutom ako e.

Me: Sge. Basta sunduin mko.

Ethan: Bumaba k nlng ngayon.

Nagtaka ako sa reply niya kaya tiningnan ko 'yung bintana. "Nandito na agad siya?"

Me: May Pakpak ba yang kotse mo? Bilis a! Kakatext lang e.

Ethan: Bumaba ka na lang, Madam.

Me: Oo na!

Kinuha ko 'yung suklay at sinuklay sa buhok ko. Hindi na ako magpapalit ng damit. Okay lang naman siguro 'yung suot kong shorts at T-shirt. Magjajacket na lang ako kasi baka malamig na sa labas.

Humarap ulit ako sa salamin pagtapos kong isuot 'yung jacket. Hindi ako mapakali sa buhok ko kaya ni-messy bun ko na lang.
"Ayos na 'yan. Diyan lang naman, e."

Bumaba na ako at lumabas saka pumasok sa kotse niya. "Libre mo, ah. Ikaw nagyaya."

"Mura lang naman tubig du'n, 'di ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. Eh di dapat uminom na lang ako sa bahay. May juice pa du'n.

"Mag-drive ka na nga lang." Nai-stress dimple ko sa inyo ni Twittle, e.

Ilang minuto lang, nandito na kami sa 7-Eleven. Malapit lang naman ito sa bahay namin.

"Anong gusto mo?" Tanong niya agad sa'kin pagpasok namin sa loob. Ang lamig.

"Hotdog in bun, siopao, saka gulp. 'Yung sprite, a?" Sabi ko sa inyo gutom ako, e. Buti talaga nagyaya 'tong si Ethan. Nakalibre pa ako. "Upo muna ako du'n, Ethan." Nag-nod lang siya saka ako umupo sa vacant seat.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Место, где живут истории. Откройте их для себя