13~♥ Uh, oh.

243 7 0
                                    

Chapter 13

"Ilang months na kayo?"

Bigla namang kumunot yung noo niya. "Months? Nino?"

Myghaaad! Playboy ba siya? Tapos hindi niya matandaan kung sino kasi ang dami niyang GFs? TAPOS PAG NAGING KA- Ay OA.

"Ni Lauren." Ngumiti naman siya. Huwaw kinikilig. Naalala niya siguro nung araw na sinagot siya. Sus! Ano 'to, iK4w lH4n6s Sz4p4T nH4? Yuuuck. Ang Jeje!

"Syempre since birth pinsan ko na siya. Bakit?" Kahit hindi ako kumakain ay parang nabilaukan ako. P-Pinsan? Tapos ganon ka-sweet? Sabagay meron namang ganong mag pinsan, "O, ayos ka lang?"

"Hehe. W-wala. Wala kasi akong masabi, lutang ata ako. Saka ayos lang ako." Uh,oh. Bakit kasi may pa-arte arte ka pang ayaw mong marinig kung ano siya ni Ethan, Cassy? Tsk. Tsk.

"Bukas uuwi na yan si Lauren papuntang Dubai eh." Tumango-tango lang ako. Alangan namang sabihin ko 'Ay ganon? Sabihin mo mamimiss ko siya ha? Pasalubong kamo pag uwi niya ulit' o'diba mukha akong FC, "Nung nakita niyo kami sa Mall, nagpapasama siya nun kasi namimiss na niya daw yung Mall dito sa Pilipinas kaya ayun, sinamahan ko." napa 'Ahh' na lang ako sa kanya sabay tango-tango.

"Nga pala, ang sarap talaga ng lasagna mo kanina."

"Thanks. Gusto mo turuan kita?" Lasagna baby. Joke. Si Darren Jr. lang baby ko. Ouch. Yan tuloy sumipa. Paglabas talaga nito sa tiyan ko ie-enroll ko na agad sa school ng mga nagkakarate.

"Sige. Pag may time." Napansin kong parang wala ng ingay sa pool area. "Bakit ang tahimik na du'n?" Tiningnan ko yung papuntang pool tapos tumingin sa kanya kaso nakatingin pala siya kaya iniwas ko agad yung tingin ko. Ano ba yan parang si Darren My labs talaga. Yay my labs ano daw?

"Nu'ng paalis na kasi ako para sundan ka bigla nila akong tinawag tapos uuwi na daw sila pero lilinisin lang nila du'n." Aww. Ang bait naman nila tapos ang sisipag. Aamponin ko na lang kaya sila? Joke lang. Baka magselos si baby. Baka sipain na naman ako.

"Tara tulungan natin?" Yaya ko sa kanya tapos tumango lang siya at ngumiti. Tumayo na kami at naglakad na papuntang pool area.

Pag dating namin dun ay malinis na."Hindi na ata kailangan Cassy, tapos na eh." Ngumiti lang ako. Ang bilis ah. Nung nakita nila kami ni Ethan ay lumapit na sila samin at mukhang aalis na sila kasi naka-ayos na sila ng damit. Yung iba basa pa yung buhok.

"Cassy, uuwi na kami. 10pm na din eh. Thank you ah! Sobrang nag-enjoy kami. Kitakits na lang bukas." Kung makaba-bye naman 'to. Pero ang sweet nilang lahat.

"No problem, Mark. Nga pala si Kai?" Hindi ko kasi nakita si Kai na kasama nila ngayon.

"Ayun nakatulog. Nasa Kwarto mo, hinatid ng mga maids niyo." Tumango-tango na lang ako. Hinatid ko na sila hanggang gate at sumakay na sila sa mga kotse nila.

Nung nakapasok na sila sa kotse ay sumilip muna si Mark sa bintana."Nga pala Cassy, hindi pa namin nawalis yung ibang kalat sa gilid ng pool. Hehe Bye!" At ayown, umalis na sila. Kaya pala ang bilis matapos. Pero okay lang. Walis lang pala eh. Kaya ko naman.

"Tulungan na kita?"

"Ay anak-" He immediately cut me off.

"Niyo ni Darren?" Tumawa na lang ako ng mahina. Nakakagulat siya, akala ko umalis na din siya. At nasa likod pala niya si Lauren naka upo at naka yuko. Inaantok ata. "Tara na sa loob. Tulungan na kita." Tumango na lang ako tapos ginising muna si Lauren.

Pool area, Pinaupo muna ni Ethan si Lauren tapos kumuha na ng walis at dustpan. Walis dito, walis doon. Nilagay ko muna yung hawak ko at pinulot na lang yung malalaking kalat.

Nakita kong pinupulot ni Ethan yung mga kalat tapos isho-shoot sa basurahan na parang nagba-basketball. Nagpamewang akong humarap sa kanya. Nag peace sign lang siya tapos nag walis ulit. Pero ang galing ah, shumu-shoot lahat.

Nang matapos na kaming mag walis ay kinuha na nila yaya yung walis at dustpan na hawak namin. Tumulong din sila kanina kaso sabi ko wag na kasi mga gantong oras dapat tulog na sila. Oo na, ang bait kong amo. . . chars!

"Tapos! Uh, uwi na kami, Cass. Thanks sa paparty ah!"

"No problem. Sige hatid ko na kayo." Nag simula na akong naglakad kaso pinigilan niya ako.

"Uh, Cass.. Pwede- Ay wala. Panget ng timing. Tara na." Umalis na siya sa harap ko tapos ako sumunod sa kanya habang nagtataka. Pwedeng ano? Makiinom? Makikain? Makitulog? Man-Wala.

"Sige Cassy, alis na kami. Pumasok ka na sa loob. Bye." Nasa harap na pala kami ng gate at pumasok na siya sa kotse niya at nasa loob na si Lauren. Ang bilis ah, parang hinagis niya lang sa loob si Lauren.

"Sige ingat kayo. Bye." Umalis na sila at sinara na ng guard yung gate tapos pumasok na ako sa loob. Nilock ko na yung pinto tapos umakyat na papuntang kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto ay pumasok agad ako at nilock yung pinto,"Ghad. Saan ako pu-pwesto?" Tanong ko sa sarili ko. Pano ba naman kasi, ang sarap ng tulog nung dalawa at yung paa pa ni Kai nakapatong sa paa ni Twittle tapos yung braso naman ni Twittle nasa leeg ni Kai. Ghaaad. Ganyan ba sila matulog? Parang silang naka-inom.

Dun na lang ako sa couch matulog. Baka pag ginising ko sila,maistorbo ko pa. Kinuha ko na lang yung unan kong may mga mukha ni Darren at kumot na puros mukha niya din. Hindi ako adik kay Darren nuh? Lol

Humiga na ako tapos chineck ko muna yung phone ko. Ohmy. Nag text si D kanina!

From: D

Congrats ;)

Huh? Ang unli niya. Pero nag reply ako ng thank you. Nilapag ko muna yung phone ko sa table saka bumalik at tiningnan yung wall clock kong may mukha ni Darren. Uy, 11:11pm na. Wiiiissshh~

Sana maging kami ni Darren. Hahaha .

Lagi kong winiwish 'yan pag 11:11 e. Pumikit na ako at natulog. Good night world and Darren KO. Mwuaps.






-


Follow me: @lezecababy

xx



My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now