7~♥ Unknown

292 11 0
                                    

Chapter 7

Sunday

"Kahapon nga pala nakasalubong namin si Ethan! May pa-Jollibee pa sayo, ah!" Kausap ko ngayon si Kyline thru skype. Nagkukwentuhan kami about what happened yesterday. At ngayon nakikita ko sa screen na kinikilig si Kyline.

"Oo nga eh. Nilibre ko rin naman siya sa DQ."

"DQ lang?"

"Anong lang? Syempre onti na lang na cash na dala ko kahapon. Bumili kasi ako ng camera," sabi ko sabay ayos ng upo.

"Ikaw talaga, bumili ka pa para picture-an yung happy moments niyo."

"Baliw! Binili ko yun for Darren! Syempre alangan naman yung iba merong gift sa kanya tapos ako na ASAWA NIYA wala? Haha Joke." Diniin ko talaga 'yung Asawa niya.

Nakita kong grabe yung tawa ngayon ni Kyline. Bakit ba! Siya nga din sinasabi niyang asawa niya si Daniel, eh.

"Ahh. Hahaha osya kakain muna ako, ikaw din. Byel"

Nag 'Okay. Bye' na lang ako tapos tumayo para ilapag yung laptop sa study table ko. Kumain na ako eh. Wala na naman akong magawa ngayon saka tapos ko na gawin lahat ng assignments ko nung friday.

Laruin ko na lang kaya ulit si Lyndon? Kaso kakalaro lang namin eh saka tulog na siya ngayon.

Eh kung puntahan ko kaya si Daddy? Kaso nagpapahinga yun. Saka aalis pa kami mamaya, magsisimba. Si Mommy naman nasa ibang bansa, business trip. Pag Pasko, New year, birthday ko or ni Daddy lang siya nandito minsan pag holiday din. Ewan, basta sobrang busy niya. Workaholic.

Eh kung mag jogging na lang ako?

-_____-

Ang init init sa labas Cassy, JOGGING?!

Mababaliw na ata ako! Ay wait. Baliw na pala ako. . . kay Darren!

Kinuha ko na lang yung phone ko at nanghula ng number na maitetext. Swerte na lang kung may mag reply. Ang boring talaga eh. Ganyan lagi yung trip ko kaso walang nagrereply.

To: 09*********

Hi! :)

Send

Darren's POV

"Crinkle, come here." Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kakauwi ko lang galing ASAP at buti wala akong ibang lakad ngayon. Rest day!

Si Mommy nasa kitchen, nagluluto ng lasagna. Hindi pa kasi kami nag memeryenda eh. Sabi ko magpa-deliver na lang si Mommy kaso trip niya daw magluto ngayon.

Habang nilalaro ko si Crinkle, naalala ko si Cassy. Yung naka meet and greet ko last mallshow. Ang lungkot nga kasi isa lang kaso okay na din kasi ang cute niya. Parang ang daldal na babae pero nahihiya. Habang iniisip ko siya, I felt my phone vibrated.

1 unread message from unregistered number.

From +639*********

Hi! :)

Sino 'to? Fan? Imposible. Hindi ko naman pinapamigay number ko eh. Reply-an ko kaya? Hindi naman ako magpapakilala eh. Saka ngayon lang naman.

To: +639*********

Hello. Who's this please?

Wala pang ilang minuto at nag reply agad siya.

UN: Hays thank God. Hindi ako magpapakilala but just call me C. Sorry ah napagtripan ko yung number mo. Hinulaan ko lang. Ang boring kasi eh. You, what's your name?

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now