33~♥ Tanggalin ang hiya

114 7 4
                                    

Chapter 33

"Ugggh..." Sabay sabay kaming humiga sa kama ko. Pagod kami galing sa school. P.E kasi namin ngayon. Kakatapos lang namin magpractice ng volleyball. Dito muna kami dumiretso sa bahay kasi may kukunin sila Kai sa'kin.

Narinig kong nagbeep 'yung phone ko kaya dali-dali kong kinuha 'yun sa bulsa ko.

 
From: Baby Asawa Ko

     Hi :) How's your day, Cass?

"Tara, girls! Volleyball ulit tayo. Hindi na ako pagod," sabi ko at nagkunwaring nagstretch pa.

"Nagtext lang si Espanto, nawala agad 'yung pagod." Biro ni Kai at bumangon na din sila. Nakakawala naman kasi talaga ng pagod 'yung itext ka ng asawa mo.

To: Baby Asawa Ko

    Hello! Pagod kami kasi nagpractice kami ng volleyball. Ikaw po?

Nilapag ko muna 'yung phone ko sa bedside cabinet at hinubad 'yung sapatos ko at socks.

Nu'ng nagbeep na ang phone ko, kinuha ko kagad at binasa.


From: Baby Asawa Ko

    Eto, mag-isa sa unit ko. Wala si Mavy eh.

"Girls, punta tayo sa unit ni Darren?" Yaya ko sa kanila. Lonely ang Asawa ko at syempre kailangan niya ng kasama at ako 'yun.

"Ngayon na?" I slowly nodded.

"Nandu'n ba si Danielbabes?"

"Eh, si Mavy wala du'n, e."

Sabi ko nga na sasama lang sila pagnandu'n 'yung mga mahal nila. Pero nandu'n si Darren!

"Okay, fine!" Sabi ko nga, ako na lang pupunta. Bibisita lang naman, e.

Hindi ko na nireply'an ang Asawa Ko. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagtapos kong maligo, wala na sina Kai at Twittle. Umuwi na siguro.

I wore black and white dress and snickers. Naglip balm lang ako at pulbo. Kinuha ko na 'yung green cross-body bucket bag ko sa rack at 'yung phone ko.

Pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko si Butler.

"Saan ka po pupunta, Cassy?" Sa Asawa ko po, kuya!

"Kay Darren po," kinikilig kong sabi.

"Pa'nong—"

"Basta po. Long story. Bye!" Lumabas na ako ng bahay na parang si Dora na maggagala.

"Cassy, saglit!" Nilingon ko si Butler. "Hatid na kita sa sakayan."

Sinamahan ko si Butler sa garahe at sumakay na sa kotse. Nagpahatid lang ako kay Butler sa isang pizza parlor. Naaadik na naman ako sa pizza.

Nang makabili na ako ay pumara na ako ng taxi. Naalala ko na naman tuloy 'yung nangyari nu'n sa'min nila Kai.

Pumara na ako sa harap ng condo na tinitirhan ng Asawa ko. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa elevator.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now