29~♥ Laughtrip Revenge

188 10 2
                                    

Chapter 29

Nabili na namin 'yung headset na gusto ni Kai. Hindi kami parehas kasi tinago ko 'yung katulad nu'ng akin. Minsan, ayaw ko na may katulad ako e. Lalo na pag galing sa Asawa ko. Umayghad!

Ngayon, nandito kami sa Dairy Queen dahil nagyaya si Kai. Silang tatlo nasa loob samantalang ako nasa labas. Hinihintay sila.

Habang tumitingin ako sa mga taong dumadaan at naghihintay sa kanila at the same time, biglang may yumakap sa'kin at paglingon ko ay si Kai pala.

"Cass, 'yung blizzard mo oh," inabot sa'kin ni Kai 'yung blizzard kaya kinuha ko naman. Gutom na din kasi ako e.

"Cass..." Kai called out my name. Naglalambing 'yung boses niya. Ayan tayo e. Pagtapos niyang mang-asar, maglalambing.

"Hmm?"

"Bati na tayo? Wag ka nang mainis sa'min o sa'kin, please?" Paano ko naman matatanggihan 'yung ganyang mukha, oh!

"Pasalamat ka't girl best friend kita..." Niyakap niya pa ako ng mahigpit at saka yumakap din si Twittle. "Samaa!"

"Oh, Ethan. Sama ka?" Yaya ni Kai kay Ethan. Mukhang OP si Ethan sa gilid,e. Nag-iisang lalaki kasi.

"Wag na. Okay lang ako," aniya.

"Sus! May kasalanan ka pa sa'kin, 'no!" Kasama kaya siya sa tumatawa kanina. Mukha talaga kasi akong ignorante kanina.

"Oo na nga! Yayakap na." Pumunta siya sa'min saka nakiyakap na din. Sa gitna sana siya ni Kai at Twits kaso nagtabi agad 'yung dalawa kaya sa'kin parang naka-akbay si Ethan. Itong dalawa talaga!

"Group hug!!" Sabay sabay naming sigaw. Mukha kaming baliw dito sa gilid ng DQ at baka mamaya paalisin kami dito ng mga guard at baka isipin na nakawala kami sa mental.

Kumalas na kami sa pagkakayakap at nagtawanan.

I'm lucky to have them...

"Cass, uuwi na ba tayo?" Tanong ni Twittle habang sumusubo ng blizzard niya. Sa kanya 'yung pinaka malaki samantalang kami ay iyong maliit lang. Tsk tsk. Parang pa siyang bata kumain kasi kalat kalat sa gilid ng bibig niya 'yung ice cream.

"Punasan mo muna 'yang bibig mo bago tayo umuwi."

"Oo na, basta't wag ka na magjojoke..." Fish tea 'tong si Twittle at pinapaalala pa! Hindi kaya joke 'yun!

"Ewan ko sa'yo, Twittle!" Tatawa sana ulit sila kaso inunahan ko na. Akala nila, a!

"Magjejeep ba ulit tayo?" Tanong ni Ethan.

Palabas na kami ng mall at umi-stop muna sa gilid.

"Ethan, gusto mong maiwan dito?" I asked sarcastically. Ethan show me his smile saying no.

"Magtataxi tayo. 'Di ba, Kai?" Alam kong aayaw 'yan si Kai. Ayaw niya kasi talaga sumakay sa taxi. 'Yung maid nila kasi nagkwento sa kanila dati na nabudol-budol daw siya. Kaya etong si Kai ay takot na sumakay.

"What? Ayoko nga!"

"Bahala ka. Maiiwan ka dito..." Nagsimula na akong maglakad papuntang terminal at ramdam kong sumunod din sila.

"Bakit kasi sa taxi? Jeep na lang!" I stopped and faced her. Ang kulit! Hindi ko nga bati 'yung mga jeepney drivers, e.

"Bahala ka talaga, Kai. Magjeep ka pero kami magtataxi." Naglakad na ulit ako at malapit na kami sa terminal.

"Wala na akong pera, e! Ubos na dahil sa blizzards. Hindi naman pwedeng credit card sa jeep, 'di ba?" O, alam naman pala niya, e. Makikipagtalo pa siya.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now