9 ❀ Flame

91.9K 1.8K 185
                                    




Don't get burn by the blazing flame.

***

Napatitig ako sa kaniya dahil sa mga mata niya, hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako doon, o nakikita ko talaga ang pag-aalala.

"Ryleen?" He called my name. I blinked twice, dahil baka nag-aassume lamang ako, pero ang lapit talaga ng muka niya, nagulat pa ako noong bigla niyang inangat ang kamay niya, papalapit sa muka ko.

Akala ko kung anong gagawin niya, pinahid niya lamang pala ang luhang tumutulo sa pinsngi ko. Hindi ko alam pero lalong nagpakatakan ang luha ko sa mata sa gesture na iyon.

"Shh." He comforted. Napa-hikbi ako dahil doon. Ramdam na ramdam ko iyong mabait na Louie, iyong lalaking may pagkalinga sa babae. Naramdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam na tila konektado kami sa isa't-isa.

Hinagod niya ang likod ko haggang sa kumalma ako.

Tuwing pipikit ako naalala ko ang itsura ni mama. Sa totoo nyan, ampon lang ako. Ayaw ipaalam sa'kin iyon ng magulang ko noong una, dahil baka masaktan ako, pero bago mamatay ang parents ko noon, sinabi nila sa'kin ang totoo.

Ang gabing iyon, buong buo pa sa ala-ala ko. Ang pinaka-nakakatakot na gabi sa buhay ko.

Flashback

Malakas ang ihip ng hangin, at naririnig ko ang malakas na pagpatak ng ulan. Pa minsan minsan ay bigla ring lumiliwanag ang madilim na kalangitan dahil sa kidlat, at bigla na lang akong napapayakap kay mama kapag may malakas na kulog akong naririnig.

"Bumabagyo ata, Arisa. Sigurado ka bang kailangan na nating umalis?" Tanong ni papa kay mama.

"Seb, kailagan natin." Matigas na bigkas ni mama, saka ako hinawakan ng mahigpit sa kamay. Napabuntong hininga na lamang si papa noon, at saka sumakay sa kotse. Ganun din si mama.

"Mama pwede po ba dito na lang tayo sa likod? Natatakot po ako." Mahinag sabi ko kay mama, habang nakatakip sa tenga, dahil baka magulat nanaman ako sa malakas at nakakatakot na tunog ng kulog sa kalangitan.

Sumakay kami ni mama noon sa back seat at si papa naman sa drivers seat. He started the engine of the car, and started to drive. Yakap yakap ko noon sa bewang si mama at yakap niya rin ako. She's humming a song.

"Fireflies glow like a thousand charms," Pagkanta niya, paminsan minsan ay lilingon ako sa kaniya, at sasabayan siya.

"Mama!" Agad na lamang akong napa-iyak, dahil sa matinding gulat ng malakas na kulog at kidlat. Ramdam ko sa munting puso ko ang pagbilis ng tibok nito dahil sa takot.

"Shh. Huwag kang umiyak, Ayisha." Pag-papatahan nito sa'kin. Pinilit ko ang sarili ko noon na huwag humikbi at hindi umiyak dahil iyon ang sabi ni mama. Ngunit lalo akong napahigpit ng yakap sa kaniya.

"Gusto mo bang kwentuhan ka na lamang namin ni papa, para hindi ka na matakot sa kidlat at kulog?" She sweetly asked, and I nodded eargly. Ramdam ko ang lamig ng paligid noon dahil sa malakas na ulan.

"Once upon a time, there was princess named Shay." Pag-kwekwento ni mama sa'kin.

"She was the bravest, the most wise, and the prettiest of them all." Pagtutuloy naman ni papa, kahit nagmamaneho siya. Dahil sa pagkwekwento nila ng munting istorya na tumatak na sa'kin, unti-unti nawawala ang takot sa puso ko.

"Pero, ang munting prinsesang iyon, makulit, matigas ang ulo, at ayaw na magpapatalo! Parang si Ayisha namin!" Bigla akong kiniliti ni mama, kaya't natawa ako. Pinahid niya din ang luha na tumutulo sa pisngi ko.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now