Charm 14 ❀ Eyes of Fire

99K 1.9K 188
                                    

The eyes they possess. Is it a blessing or a curse?

***

Nakarinig ako ng footsteps, at palakpak. Napangiti ako. Pagkatapos ay nakita ko si Louie. Lumapit sya saakin at inakbayan ako."Fast learner huh?" He said while grinning. Narinig ko pa ang marahan na pagtawa niya kaya't mas lumakas ang loob ko sa training. 

"Haha. Syempre! Ako pa." Proud na sabi ko sa kaniya, habang naka-ngiti ng sobrang lapad. Pagkatapos ay napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung namamalik mata lamang ba ako, o nakita ko nanaman ang kakaibang tila parang apoy sa mga mata niya. 

"Anong meron sa mga mata mo?" I suddenly asked. Hindi ko namalayang nabanggit ko ang mga salitang iyon, kaya't napatakip ako ng bibig. Dumali nanaman ako, hindi ko nanaman iniintindi ang mga sinasabi ko. Agad akong lumayo sa kaniya dahil doon, nagkaroon nanaman kami ng awkward atmosphere namin. 

Napansin kong natigilan siya at saka nagtatakang tiningnan ako. "H-How?" Nauutal na tanong niya. Napaatras naman ako ng marahan doon. Malalim ang pagkakasabi niya, at sa hindi malamang dahilan ay kinilabutan ako.

"L-Louie." Hindi ko alam ang babanggitin ko ng mga pagkakataong iyon, lalong lalo na noong lapitan niya ako at pabalang na hinawakan sa braso. Parang binalot ang buong sistema ko ng takot lalong lalo na noong mas matitigan ko siya sa mata at mas makita ko doon ang apoy.

"How can you see these eyes?" Mahina ngunit punong puno ng pagtataka at galit na banggit niya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil doon. Mabilis din niyang hinablot ang kamay ko, dahilan upang mapigtas ang bracelet ko doon. Mas lalo akong kinilabutan.

"Tell me. Anong nakikita mo." Seryosong bigkas niya sa bawat salita.

Kahit natatakot ay pinilit ko ang sarili kong umimik at sumagot. "A-apoy. K-kulay p-pula." Nauutal na banggit ko. Agad siyang napa-pikit dahil doon, saka siyang mabilis na umalis sa harapan ko. Para akong nabunutan ng tinik noong makalayo siya.

Napa-upo rin ako dahan-dahan sa sahig. Ang mga matang iyon, nakakatakot. Imbis na iyong normal na bilog lamang sa mata ang makikita mo, napapalitan iyon ng hugis apoy, hindi lamang iyon nagiging kulay pula rin ang mata niya. Ibang iba ito sa mga mata niyang normal na kulay brown lamang.

Hindi rin ito katulad ng mga matang nakita ko noon sa'kin, dahil ang matang nakita ko sa sarili ko, ay tanging kulay kahel lamang na may halong pula at kakaibang pattern. Normal na mata pa din kung titingnan iyong mga mata ko noon sa salamin noong umiiyak ako na nagiging fire crystal. Hindi tulad ng mga mata ni Louie na parang hindi na pang-tao. Nangilabot ako lalo dahil sa iniisip ko.

"Cursed eyes of the fire." Agad akong napa-tingin sa kaniya noong bigkasin niya iyon. Hindi siya nakatingin sa'kin at mukang may malalim na iniisip. "Hindi ko alam, kung bakit ako pa ang nagtataglay ng mga matang ito. Mga matang isinumpa." Naramdaman ko agad ang galit niya, sa mga katagang iyon.

"Sumpa?" Takhang tanong ko.

"Nag-iiba ang mga mata ko kapag may nararamdaman akong overwhelming emotions. Sobrang saya, sobrang galit, sobrang pag-aalala. Lahat ng sobra. Pag nag-iba ang mga mata ko, para akong nakukulong sa sarili kong apoy, hindi ko ito ma-kontrol. Ngunit noon iyon, nagagawa ko na itong kontrolin ngayon, ngunit hindi pa perpekto. Kapag nagbabago ang mga mata ko, may tendency pa din na makasakit ako, dahil hindi ko makontrol ang sarili kong kapangyarihan, higit sa lahat may tendency din na makapatay ako, maliit na tyansa na lamang iyon sa pagkakataong ito, hindi tulad dati. That's why it's cursed it can kill anyone intentional or not. Sa ngayon naman, kahit nag-babago siya, hindi na ganung umeepkto ang sumpa. Kaya kahit papaano, kapag sumosobra ang nararamdaman ko nagbabago lamang ito, at hindi ako nakakasakit o nakakapatay." Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam sa sarili ko pero imbis na matakot at layuan ko siya, lumapit pa ako sa kaniya.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now