Charm 40 ❀ Key of Hearts

63K 1.1K 21
                                    

Find the key of hearts.

***

Ayisha Ryleen's POV

"Bella naman, hindi ba pwedeng sa susunod na lang?" Nanlulumong tanong ko sa kaniya, habang patuloy pa din akong umaasa na sasabihin niyang pumapayag siya.

"Hindi Ayisha, matrtraining na tayo ngayon." Madiing banggit niya. Mabilis akong napasimagot dahil doon. Muka kasing hindi na magbabago ang nais niya. Ano pa bang magagawa ko?

"Hmp, ang daya. Matitiis mo iyang asawa mo ha?" Pangungulit ko pa, baka sakali na kapag si Kyle ang usapan ay papayagan na niya ako.

"Ayisha naman, bilis na para matapos na ang mga training mo." Pagpupumilit niya. Napa-bagsak naman ang balikat ko dahil doon.

Kainis naman si Bella, halos sampung araw na ang nakakaraan matapos silang ikasal ng asawa niya at hindi pa rin pinapa tawag si Vien at Kyle. Ang usapan kasi kapag pinatawag si Vien at Kyle dun lang nila sasabihin na kasal na sila.

Sa school naman iniiwasan ni Kyle at Bella na makita ang singsing nila. Iyon kasi ang simbolo na kasal na sila. Walang kaalam alam ang mga teacher doon at iba sa nangyari.

Bumalik din ako sa school matapos ang mga training ko. Kapangyarihan na lamang ng liwanag ang hindi ko pa kabisado, at ngayon nga pinipilit ako ni Bella na mag-simula na, ngunit ayoko pa at mas gugustuhin ko pang pumasok, dahil nakakapagod talaga mag-training.

Matapos ang pag-uusap namin ni Bella, wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya para sa training.

Unang tinuro niya ay kung pano pailawin ang mga bagay bagay. Katulad ng inaasahan, nagkakamali pa din ako. Mapapailaw ko nga pagkatapos biglang mamatay tapos ilaw ulit. Patay-sindi ang nangyayari. Niloloko nga ako ni Bella, christmas lights na daw ang ginagawa ko. Hmp! Magaling na kasi siya.

Matagal bago ko nakuha kung paano talaga gawin iyon. Kapag hindi malabo yung ilaw sobrang tingkad naman. Kapag naman nagiging okay na, bigla mawawala. Naiisip ko nga, niloloko nga ata ako ng light charm. Nag-try pa din ako ng nag-try pero nahihirapan talaga ako. Nagtataka na nga ako sa sarili ko dahil pagdating naman sa ibang charm mabilis ko naman natutunan. Baka ayaw lang talaga ng light charm sa akin.

Nagconcentrate ako ng mas maigi kaysa kanina. Seryoso na talaga. Walang halong biro. Inayos ko yung ginagawa ko. Last na ito. Light na lang ang kailangan ko para makumpleto ko na ang training ng limang elemental charm.

Iyong fire nga pala hindi pa tapos, hindi ko pa makakalaban yung fire dragon. Pero, maayos ko nanaman nagagamit ang fire, kaya baka okay na iyon.

Pinagpatuloy ko na ulit ang pag-co-comcentrate, mabuti na lamang at nagawa ko na iyon ng maayos. Mamaya kasi magalit sa akin si Bella.

Nasa Enchanted forest kami ni Bella, dito sa Enchanted land. Tsaka, imbis na maliwanag kung nasaan kami. Nasa isang sobrang madilim na parte kami, akala mo gabi. Pagkatapos mayroon sa isang tabi na kweba. Subalit, kahit madilim maganda siya, kitang kita mo yung liwanag mula sa mga matitingkad na kulay sa mga puno. Ang langit naman kung makikita mo may mga bituin na at buwan, kahit umaga pa naman talaga.

"Think of a color and put it in the light." Nakangiting sabi niya. Plain white color pa lamang kasi ang nagagawa kong pailawin.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now