Chapter 54* Truth Revealed

42.2K 981 126
                                    

My Enchanted Tale [54]

===

I'm Yzabella Fyzerille HeartStone, The princess of Charm world. And I'm Ayisha Ryleen HeartStone, the princess of the Beelzebub World.

===

*CHAPTER 54~ TRUTH REVEALED*

[Bella's POV]

"Katulad nga ng nasa propesiya. Wala ng makakapigil pa. Ayisha? She's now the new monster we need to face."

Hindi namin alam Kung may makakapigil pa ba sa kanya. She's an immortal. Walang makakapatay sa kanya.

Hindi ko na din alam ang kailangan kong maramdaman. Pano namin kakalabanin ang babeng minahal namin?

Paano namin magagawa ng saktan ang babaeng, ni minsan Hindi kami ginawang saktan?

Pano namin haharapin ng ganun kadali ang babaeng nag mahal saamin, at umintindi saamin?

Bakit pa Kasi kailangan maging dark sorcerer si Ayisha? Bakit pa Kasi kailangan makuha sya mula saamin? Bakit kailangan maging prinsesa pa sya dun? Bakit?

Pinilit kong maging malakas kahit ang hirap hirap. Huminga ako ng malalim. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asang mananaig ang kabutihan sa puso ni Ayisha.

"Wife. Halika na." Sabi saakin ni Hubby. Tumango ako sa kanya at lumapit. Pinahid Nya naman ang mga luhang tumutulo sa mata ko.

Iniisip ko pa din. Pano kaya Kung Hindi ko sya naiwan noon sa isolated room? Pano kaya Kung Hindi ako naging pabaya? Edi sana, andito pa din sya.

Naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko ang Lahat. Kung Hindi ko sya iniwan at pinabayaan doon, Hindi sana ito mangyayari.

"Don't blame yourself." Sabi saakin ni Hubby saka hinawakan yung kamay ko. Tumingin ako sa mata Nya, at ngumiti.

"Fake." He murmured.

"Hubby naman e," alma ko. Alam na alam Nya Kasi Kung totoo o Hindi ang mga ngiti ko.

"Don't push yourself to smile, Kung peke din naman. Don't hide your true feeling to me. After all you are my wife, my life." Kahit papano Dahil sa Sinabi ni Hubby lumakas ang loob ko. Alam na alam Nya talaga Kung kelan ko kailangan ng comfort Nya.

"Let's get ready." Sabi Nya saakin.

Pumunta kami sa kwarto namin, at isa isang binuksan ang mga hidden cabinet. Kinuha namin doon ang mga importanteng gamit namin na pedeng magamit sa Laban.

Nagbihis na din kami ng damit na protected ng kapangyarihan, para Hindi agad agad kami mapuruhan.

"I can do this." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Makakaya namin Tapusin ang Laban, Laban sa mga dark sorcerers. At sisiguraduhin kong kami ang mananalo.

"Let's go?" Tanong ni Hubby na ready na din.

Tumango ako sa kanya.

"Wait," sabi ko. Nagtaka naman sya. Kinuha ko ang key of hearts na nasa akin. Saka ito sinuot at tinago sa damit na suot ko.

Nung hawakan ko nga ito naging color yellow yung diamond sa gitna.

Ngumiti naman si Hubby saakin. "Tara na?" Sabi Nya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay Nya.

Papalabas na sana kami ng kwarto ng biglang may narinig kaming malakas na lagabag. Parang nabasag na kung ano. Dali Dali kaming lumabas ni Hubby sa kwarto at hinanap Kung saan galing yung pagkabasag.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now