Charm 32 ❀ Training

78.5K 1.2K 37
                                    



***

Hindi pa kami nakaka-alis ni Sapphire papunta kayna Charlene. Bigla kasing dumating sina Bella at Emerald. Nacancel daw iyong gagawin nila kaya't bumalik na sila dito.

Nagkausap din agad si Emerald at Sapphire, at hanggang ngayon nag-chichikahan iyong dalawa na parang walang bukas. Mukang nakalimutan na nga din ni Sapphire na aalis kami.

"Sapphire, ano tara na?" Tanong ko sa fairy ko, mukang walang balak umalis, masyadong nawiwili sa madaldal na si Emerald.

"Saan kayo?" Napaharap naman ako kay Bella noong tanungin niya ako.

"Kayna Charlene, kase sinabi sa akin ng mga goddesses na kailangan ko na daw makontrol iyong limang charm." Paliwanag ko.

"Pwede ba kami sumama?" Excited na tanong nito sa akin. I nodded eagerly. "Magandang idea iyan! Pwede tayong magkasama sama." I stated.

Excited na pumanik si Bella sa kwarto niya ang sabi niya mag-bibihis lang daw siya ng madalian.

Ilang sandali lang bumaba na din si Bella. "Tara na?" Aya ko sa kanila, tumango naman sila. Pagkatapos nagtungo kami sa bahay nina Charlene.

Pagkadating namin doon. Wow! As in wow! Sobrang ganda. Kung iyong kay Bella tree house tapos kay Louie pang mortal. Ito tree house with touch of mortal house. Malaki yung puno, tapos parang hinaluan sya ng style pang mortal world. Sobrang enchanting at magical ng dating. Halatang halata ma earth charmer ang nakatira.

"Oh? Andyan na pala kayo! Kanina ko pa kayo iniitay!" Masayang bati ni Charlene, mukang palabas siya at saktong nakita niya kami.

"Teka pano mo alam?" Naguguluhan tanong ko. Bigla bigla lang naman kaming sumugod ngayon dito.

"Kinausap ako ng goddess at kailangan daw kitang turuan, para magamit mo na ng maayos ang kapangyarihan ng earth. Papunta sana ako sa inyo, mabuti na lang andito na kayo." Wika nito.

"Ganun ba?" Tanong ko.

"Oo, kaya tara na!" Sabi niya.

"Teka? Saan?" Tanong ko.

Ngunit hindi na siya tumungon at hinila niya lang kami papunta sa bahay nya at pagpasok namin sa loob! Napanganga kami sa sobrang ganda! Ang bongga ng dating.

"Bella, dito muna kayo, hindi kasi kami puwede maistorbo." Apologetic na sabi ni Charlene.

"Ganun? Sayang naman! Gusto ko pa naman makita si Ayisha sa training niya, pero okay lang bubulabugin ko na lamang itong bahay mo." Nagkatawanan naman kami matapos ang sinabi ni Bella.

Nagsama sama na lang din bigla iyong tatlong fairy-- si Garnet (fairy ni Charlene), Emerald at Sapphire. Parang may sariling mundo na agad iyong tatlo.

Nagpaalam na agad kami kay Bella at hinila ako ni Charlene, palabas ng bahay niya. Gumawa agad siya ng portal at walang pasabing hinila niya agad ako. Medyo nagulat ako dahil mukang nagmamadali si Charlene.

Iyong portal na ginawa ni Charlene hindi tulad ng ibang portal, ito basta nakapasok ka lang, andun ka na sa kabilang bahagi, at sobrang thankful ko doon dahil hindi nakakaliyo.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now