Charm 25 ❀ Unjust

69.9K 1.4K 93
                                    

Unfair is the definition of this game.

***

Yzabella Fyzerille's POV

"Activate: Replica charm." Nakangising sabi ni Khyra na tila nang-aasar. Patay. Lalong mahihirapan sina Ayisha, dahil hindi na lamang lima ang babantayan nila kundi mas madami pa.

Nagsimula na uli ang game, tulad ng inaasahan pinadami na ni Khyra ang sarili niya at ngayon hirap na mag-bantay sina Ayisha. Kitang kita mo sa muka ni Ayisha ang pagiging determinado, kahit lamang ang kalaban.

Naka'y na Khyra ngayon ang bola, mababakas mo kay Ayisha ang pagiging tensyonado sa nangyayari. Kaharap niya ngayon iyong may hawak ng bola, hindi mo mawari kung iyon ba ang tunay na Khyra o hindi.

Sa isang kurap ng mata, nasa kamay na ni Ayisha ang bola. Vien suddenly concentrated kaya lumipad sa kamay ni Ayisha ang bola, papunta sa ring malapit na sana iyon, kaso biglang may nagtakbuhan na maraming clone ni Khyra papunta kay Vien, kaya't nawala ang concentration ni Vien at bumagsak ang bola.

Mabilis namang nakatakbo si Louie sa bola, at mabilis nag-rebound. Napatayo ako habang sumisigaw dahil sa nangyari. "Woo! Gooo, kaya nyo iyan!" Todo todong cheer ko. Pati na din ng ibang charmers na nasa oanig nina Ayisha.

Nakipag-high five si Louie kay Kyle at saka niya nilapitan si Ayisha at bahagyang niyakap, dahilan ng mas matinding sigawan dito. Maging ako ay napasigaw dahil doon.

Pawisan na silang lahat, dahil sa pagod pero hindi mo sila makikitaan ng panghihina ng loob. Si Ayisha ay ganoon din, makikita mo sa kaniya na komportable na siya sa court.

Agad nakipag-apir sina Vien at Charlene kay Louie. Pagkatapos ay itinaas ni Charlene ang kamay niya at sumigaw ng malakas. "Activate: Earth charm!" Biglang hiyawan ng mga lalaki ang narinig dahil sa sinabi niya.

Nagsimula na uli ang laban, naka'y Khyra ang bola, agad niyang pinadami ang sarili niya kaya't nagkalituhan ang kabilang team, dahil pinagpasa-pasahan nila iyon ng mabilis. Akala ko makaka-score na ulit sina Khyra,,pero bigla na lang parang lumindol kaya't lahat kami ay napatili.

Matapos ang tila pag-lindol na iyon, natumba lahat ng fake na Khyra peeo naipasa agad nila ang bola kay CJ. Pinigilan ni Vien si CJ gamit ang air power, pero bigla na lamang siyang sinugod ni Alyssa, kaya't nawala ang atakeng ginawa ni Vien.

Gumawa naman si Charlene ng parang mga baging para mapigilan ang kabilang team ngunit bigla siyang sinugod sabay ni Monica at Jeremei. Nawala din ang ginawa ni Charlene dahil doon. Agad tinulungan ni Kyle sina Charlene na nasasaktan. Samantalang si Louie at Ayisha ay nakipaglaro sa napaka-daming si Khyra para mapigilan ang bola.

Ngunit tumira na lamang agad si Khyra. Wala na silang nagawa dahil doon, kaya't nag-shoot ang bola.

Biglang nagkaroon ng malakas na sigawan dahil doon. Tss. Mga fans pa ata nina Khyra. Ngumisi pa siya ng mukang mangkukulam at saka nag-salita. "Activate: Invisibility charm."

Nag-simula na ulit ang laban. Nilito nila ang team nina Ayisha, may lalabas na Khyra sa harap nila tapos bilang mawawala, kaya litong lito sila, kung na kanino ang bola, dahil bawat na na-appear na Khyra sa kanila ay may dalang bola. Pati ako, hindi ko alam kung na kanino ang bola, ang daming magkakaparehas na muka ngayon sa court at lahat sila may hawak na bola. Hala? Paano na iyon?

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now