Charm 21 ❀ Great Day

76.2K 1.5K 69
                                    

I had a great day, with you today.

***

"Hmm." Angal ko dahil galaw ng galaw iyong unan ko. Nakakainis naman itong unan na ito, hindi na nga malambot galaw pa ng galaw.

"Gah, idiot. Wake up." Nakarinig ako ng mahinang bulong, ngunit hindi ko pinansin iyon. Inaantok pa ako, maawa na sana iyong nanggigising.

"Babo."

"Baka."

"Idiot."

Aish. Kanina pa imik ng imik iyon ah. Hindi ba niya alam na may natutulog? Saka bakit parang iyong naimik ay napakalapit sa tainga ko? Ano bang meron? Inaantok pa ako.

"Ryleen." Bigla akong napadilat dahil sa narinig ko. Napatingin din agad ako sa paligid at napansin kong wala ako sa bahay.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar at doon ako natauhan. Nasa sinehan nga pala kami ni Louie at bigla akong nakatulog dahil sa pagod. Noong maisip ko iyon, unti unti ko ding narealize kung bakit may gumigising sa akin.

Marahan akong napalingon sa isang tabi ko at doon ko nakita si Louie na walang ka-emo-emosyong nakatingin sa akin.

"Are you awake now?" Walang ganang tanong pa nito.

"Omygosh. Hala. Louie, sorry. Sorry. Hindi ko naman sinasadya na makatulog, napagod lang talaga ako ng sobra kanina. Sorry." Tuloy tuloy na banggit ko sa kaniya. Nakaka-guilty naman iyong nagawa ko.

"Ang lakas ng loob na bumili ng movie ticket na ito ang palabas, tapos tutulugan mo ako? Huh. Tsk." Iiling iling pa na wika niya. Malungkot naman akong napatingin sa kaniya noon.

Wala ng tao dito sa sinehan at kaming dalawa na lang. Mabuti hindi kami sinisita.

"Hala, sorry na kasi. Hindi ko naman sinasadya. Patawarin mo na ako." Pag-mamakaawa ko sa kaniya. Ano ba naman kasing nangyari at pumikit iyong mata ko.

"Itong mata ko na lang ang sisihin mo. Sorry na. Itong mga mata ko namna ang may kasalanan ng lahat, sila iyong pumikit." Dugtong ko pa, umaasang tatanggapin niya iyong sorry ko.

"Tss. Ang lakas pang-mag-hilik." Agad akong napatakip ng muka dahil sa hiya. Sobrang nakakahiya nanaman ako.

"Louie kasi, sorry na." Ulit ko pa. Ngunit, umiwas lamang siya ng tingin sa akin. Hinawakan ko na iyong kamay ni Louie at paulit ulit na nag-so-sorty, pero wala pa din.

"Ano ba kasing puwede kong gawin para mapatawad mo ako?" Tanong ko sa kaniya. Akala ko kakagat siya sa sinabi ko pero umiling iling lamang siya.

Saka tumayo mula sa kinauupuan niya at nagsimulang bumama. Agad ko siyang sinundan. "Oy, sorry na kasi. Sorry na."

Naiinis siyang napatigil sa pagbaba at humarap sa akin saka niya itinuro iyong pisngi niya. Nagtataka akong tumingin sa kaniya dahil doon. "Huh?"takhang tanong ko pero sinenyas nanaman niya itong pag-turo sa pisngi niya.

"Eh?" Asar siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko, saka ulit nagsimulang maglakad.

"Teka, sorry na kasi." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya, kaya napatigil siya sa paglalakad. Agad din akong tumikdi para maabot ko ang pisngi niya saka ko siya dinampian ng halik doon.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now