Chapter 19: Date! >.<

777 21 0
                                    

Naglalakad na kami sa parking lot ng may maka agaw ng pansin ko si

Riel may kasamang babae. Sino kaya yun?Gusto ko silang sundan, pero parang napako na ang paa ko at naka tulala pa din sa kanila.

"Prishia?" Aishhhh sino ba kasi yung babaeng yun? Kuko ko lang yun ih,( wow kung kuko mo lang yung babae, bat di ikaw kasama? Lintik na utak to DYOSA ako dyosa.

"PRISHIA!" Napa tingin naman ako bigla kay Erill.

"Ayy anak ka ng teteng" nakaka gulat naman tong babaeng to pag tingin ko ang layo na din pala ng agwat namin, napatulala lang naman kasi ako kila Riel.

"Ano yun Erill?"

"Sino ba yung tinitingnan mo dyan ha?" Wahhhh si Riel may kasamang babae at mukang date yun kaasar.

"Ahh wala wala, una ka na sa hospital sunod na lang ako" naka tulala naman sya sakin at nanlalaki ang mata.

"Ako pa talagang mauuna haa? Sino ba satin ang nag yaya dun?" Wahhhh gustong gusto ko ng sundan sila Riel.

"Sige na Erill, susunod na lang ako haaaaa" sana pumayag to. Mag papa check up pa ba ko? Kailangan pa ba? Naging ayos na naman ulit ako ngayon, wag lang talaga ako didikit sa letseng Arquen na yun dahil baka mapaaga ang burol ko sheteng malaki. Ayoko kasi munang kasama si Erill sa pag i stalk ko kay Riel.

"Seriously Prishia?!" Sigaw nya na naka kunot ang noo.

"Babawi na lang ako sayo ha, may importante pala akong gagawin. Pupunta na lang ako sa inyo bukas haaa o kaya naman ikaw na lang pumunta samin"

"Ok, sige na" hay salamat at pumayag na din. Hinintay ko muna syang makasakay sa kotse nya saka ako pumasok ulit sa loob ng SM. Takbo takbo. Hinahanap ko kung nasaan si Riel.

"ARAY" sigaw ko may naka bungguan kasi ako ihh.

"Ayaw kasing titingin sa dinadaanan ih" sabi naman nya. Yung puso ko iba na naman ih.

*dug dug dug*

Yung boses na to kilala ko ih. Pag tingala ko sabi na ih

"ARQUEN!" sigaw ko. Kaya bawal akong dumidikit dito nagiging abnormal puso ko ih. Napa tingin naman samin yung mga tao dito sa SM ngayon lang ba sila naka kita ng nag kabunguan na gwapo at dyosa my foshhh. Bigla kong nakita si Riel, kaya naman kinaladkad ko si Arquen para makapag tago. Pero pag tingin ko sa hawak hawak ko.

"Sino kaaaaaaa?!" Shete di pala si Arquen yung nahila ko. Nakow ayun si Arquen. Balik ako sa pag takbo at this time alam kong si Arquen na talaga hila hila ko. May kuryenteng dumadaloy sa kamay ko. Wahhh may kapangyarihan na ba ko ngayon? Ako na ba si kuryente girl na dyosa. May nakita ako dun na bilihan ng mga damit pumasok ako dun.

"Hoy Prishia ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Tumingin ako sa kanya nang masama.

"Hinila ka papunta dito. Nakita mo si Riel? May kasama syang babae kaya kailangan natin mag tago" wahhh bat ko pa nga pala sinama tong si Arquen?! Mag aabnormal na naman puso ko nito ihh.

"Eh bat pati ako sinama mo?! Bahala ka na nga dyan" akmang aalis na sya pero hinawakan ko sya sa may laylayan ng t shirt nya.

"Baka nag kakalimutan tayo yung deal natin. Gusto mo bang ipa alala ko sayo" halata naman sa muka nya ang pag kairita haha ang cute nya este ang panget palaxD.

"Di na" sabi nya na ang sama nang tingin.

"Mabuti naman. May dala ka naman sigurong pera no?" Tanong ko sa kanya. Sana may dala syang pera.

"Yes, why?" Haha ubos yang pera mo sakin.

"Kailangan nating mag disguise para malaya natin masundan sila Riel" ang galing ko no? Yan kasi napapanood ko sa tv ih. Pag lingon ko naman dito sa shop tamang tama. Napansin ko din yung mga babae naka tingin kay Arquen na parang hinuhubaran na. Aba aba.

Ms. Manyak and the &quot;hold upper&quot; kunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon