Chapter 56

215 11 2
                                    

Third Person POV

"Huwag ka ng magpapakita sa akin ulit" galit na turan ni Arquen kay Prishia saka biglang tumayo ito at lumisan sa lugar na iyon.

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha mula sa kanyang mga mata. Masakit man sa kanya ang gawin niya yun sa taong mahal niya ngunit mas nangingibabaw ang galit sa kanyang puso.

"Arquen" tawag ng isang babae sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin at nag tuloy tuloy sa pag lakad.

"Arquen" tawag ulit ng babae at saka tumakbo para harangan ang daanan nito.

Agad na naglaho ang ngiti sa mukha ng babae ng makita niya ang itsura ng lalaking labis niyang minamahal.

Umaagos ang luha nito, kitang kita niya sa mga mata ng lalaki ang sobrang bigat na dinadala nito kaya naman niyakap niya agad ito at saka tinapik tapik sa likod.

"Arquen, I will be by your side" turan ni Measy habang nakayakap pa rin kay Arquen.

Inalalayan ni Measy pauwi si Arquen.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na sila sa bahay. Agad niyang pinaupo si Arquen sa sofa at patakbong umalis upang kumuha ng tubig.

"Drink this, Arquen" utos ni Measy kay Arquen. Imbis na inumin ito ay tinabig ito ni Arquen at napahawak sa ulo niya.

"Measy, its hurt" sabay hampas niya sa kanyang dibdib.

"Its hurt here" hinampas hampas pa niya ang kanyang dibdib ngunit agad itong hinawakan ni Measy.

"I'm here. It's ok now. Dont worry I'll be by your side" turan ni Measy kay Arquen.

"I force to forget it" turan ni Arquen. "I force to forget everything that happen on that day, but now I can remember it. I can rememember every details of it." Hikbi pang dugtong ni Arquen.

******************************

Arquen's POV

"Iwan mo muna ako." Mahinang turan ko kay Measy.

Bago siya umalis ay yumakap muna siya sa akin. Tinapik ko siya sa ulo niya at ngumiti ng tipid.

"Dont smile when you're not feeling too" saad ni Measy. Nawala ang ngiti sa aking labi. Tuluyan ng umalis si Measy at naiwan akong nakaupo mag-isa dito.

The one that makes me happy is the one who hurt me.

Naalala ko naman ang araw kung keylan nalaman ko ang lahat.

Ang araw na sa mismong kaarawan ko nangyari, ang araw na pinilit kong kalimutan ngunit ang alaala na nag bigay sa akin ng sakit ay nag balik ulit.

Flashback

Naglalakad ako papuntang park ng may tumawag sa akin, magpapatuloy na lang sana ako sa paglakad pero may tumawag ulit ng pangalan ko kaya naman nilingon ko ito.

Nakita ko ang isang may katandaan na babae, siguro ay mga nasa 40's lang siya, naka pang maid suit siya. Naka ngiti siyang nakatingin sa akin. Kilala ko ba siya? Bakit niya kaya ako nakilala?

Pinalapit niya ako sa kintatayuan niya. Lumapit naman ako sa kanya.

"Anak ni Linda yung lumabas na babae kanina diba?" Tanong niya na ikinakunot noo ko naman. Linda? Sino yun? Pero parang pamilyar yung pangalan na yon.

"Po?" Balik na tanong ko naman sa kanya.

"Si Prishia, yung anak ni Linda" lalo akong nag taka paano niya kaya nakilala si Prishia?

"Nakalimutan mo na ba? Sabagay sobrang tagal na rin naman yon?" Ha ano bang pinag sasasabi niya? Naguguluhan ako. Anong nakalimutan ko? Anong sobrang tagal?

"Hindi ba kapatid mo yung nabunggo ng kotse noon" para akong natulala sa sinabi niya. Nabunggo? Nabunggo ang kapatid ko?

Bigla naman may scene na pumasok sa utak ko.

Isang bata ang nakangiting nakatanaw sa kapatid niya. Patakbo siyang pumunta doon ngunit tumakbo ang kapatid niya dahilan upang mabunggo siya ng ng isang kotse, imbis na tumigil ang nakabangga ay nag patuloy pa rin ito sa pag takbo at hindi inalintala ang nabunggong bata.

"Kiaaaa!" Sigaw ng isang babae at agad na tumakbo sa kinaroroonan ng batang babae.

Halos hindi makagalaw ang batang lalaki habang pinagmamasdan ang nakababatang kapatid niya. Napaatras siya, at tumalikod saka tumakbo paalis doon sa pinangyarihan.

Nasa isang park siya at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya.

End of flashback

Nanay ni Prishia si Yanurse Linda ang taong may kasalanan ng pagkamatay ng kapatid ko.

Tumulo na naman ang luha ko.

Bakit kasi ang sakit, sobrang sakit. Ilang taon na ang nakalipas pero bakit bumalik pa rin ang alaala na ito, ang buong akala ko ay magiging ok na ang lahat ngunit nagkamali ako. Dapat bang hindi ko na lang naalala ulit ito?

"Arquen! Arquen!" Napatayo ako dahil sa boses na narinig ko.

Anong ginagawa niya dito?! Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko na siyang makita.

Kumuyom ang palad ko at naglakad palabas ng kwarto ko.

"Arquen, I will face her." Turan ni Measy. Umiling ako bilang sagot.

"I can do it, Measy" turan ko at saka ginulo ang buhok niya.

"Are you sure?" Nag aalalang tanong niya sa akin.

Tumango tango ako sa kanya bilang sagot.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nakita ko ang mukha ng anak ng taong kinamunuhian ko, ang taong minamahal ko, ang taong gumamot sa puso ko noon.

Nakangiti siya sa akin habang kumakaway. Kita ko ang pugto niyang mata.

Lumapit pa ako sa kanya at saka tumingin lang.

"What do you think you're doing here?" Cold na turan ko sa kanya. Akala ko ay maglalaho ang ngiti sa kanyang mukha ngunit nagkamali ako.

"Umi english ka na naman, Arquen ah" ngiti niyang saad.

"I am asking you, what are you doing here" inis na turan ko.

"Ako? Magde date tayo ah. Bakit di ka pa nakaayos?" Nakangiti niyang saad.

"I already told you that I dont want to see your face" walang emosyon na saad ko pa rin.

"Tama na biruan, Arquen" sabay tawa niya.

"Do you think I am just joking" turan ko pa. 

Ang mukha niya na kanina ay nakangiti ay napalitan ng lungkot.

"Please naman, Arquen. Two days passed and I think I am going crazy because of you. Tama na, Ang sakit na rin kasi Arquen. Ang sakit na nitong puso ko. Kahit na anong sabi ko kasi sa letseng puso ko na tama na ang kakatibok  sayo ay ayaw pa rin tumigil. Arquen, miss na miss na kita. Sasabihin ko naman na talaga sayo sana ih, sasabihin ko na sayo" hikbing turan niya. 

"Prishia, I dont love you anymore, kaya pwede ba umalis ka na." walang kaemo emosyon na turan ko sa kanya. 

"Sinungaling. Alam kong hindi totoo ang sinabi mo."  nakayukong saad niya.

"Ano ba, Prishia? hindi mo ba narinig ang sinabi ni BABE? uulitin ko ha. He don't LOVE YOU ANYMORE so you can leave!" iritadong saad ni Measy. Nakita kong sunod sunod na nagsi patakan ang luha ni Prishia.

Ngumiti pa ako kay Prishia bago siya tinalikuran pero bago pa man ako makapasok sa loob ng bahay ay sumigaw si Prishia.

"MAHAL NA MAHAL KITA, ARQUEN. HINDI AKO MAGSASAWA NA PUNTAHAN KA, KAHIT NA ILANG BESES MO PANG SABIHIN NA HINDI MO NA AKO MAHAL WALA AKONG PAKEELAM! TANDAAN MO YAN! letse ang sakit sa puso"


 Bigla na lang nagsipatakan ang mga luha mula sa mata ko. 

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon