Chapter 38

438 10 0
                                    


Prishia's POV

Na aabno na naman yung lalaking yun. Lumabas ako ng kwarto ko, at nakita ko si inay at si itay sa may salas na nag kekwentuhan. Panigurado ako sobrang saya nila parehas kasi naman dalawang taon dun sa America si itay at ngayon lang sya umuwi. Wow buwan nga pala ngayon ng mga puso nako po nangangamoy bakbakan to. Napangiti na lang ang dyosa kong face sa kalokohang naiisip ko. Maistorbo na nga itech.

"Nay may tinapay ba tayo?" Tanong ko habang naka tingin sa kanila. Tumingin naman sila sa akin.

""Oo ayun sa taas ng ref." Turo ni inay sa taaa ng ref.

Pumunta ako roon sa may ref at may nakita nga akong tinapay, kinuha ko ito.

"Magic flakes lang po?" Tanong ko pa kay inay.

"Yes, dont be so choosy, you're not yummy" napa ngiwi naman ako sa sagot nya, hindi raw ako yummy? Tss tong sexy body na to woooot, at san ba nya hinuhugot yang mga english spokening dollars ni inay? I dont want to english speaking you know because my nose aishh anak ng tinapa wrong gramming is me.

"Prishia ilang araw ka na don?" Kunot nopng tanong sakin ni itay. Tumingin muna ako sa taas bago sumagot sa kanya. Gano katagal na ba ako sa kanila. Ayy alam ko na, tumingin ako kay itay at ngumiti.

"Mag iisang buwan na po" oo ganun na ako katagal nag titiis don. Hindi ko na rin kasi namalayan na matagal na pala ako dun, at ang masaklap pa mag iisang buwan na nga ako don pero yung plano ko na pasayahin sya ay hindi ko pa rin nagagawa.

"Inay, itay alis muna po ako, balik po ako mamaya" kahit di pa sila umo oo lumabas na ko. Binuksan ko na rin tong Magic flakes na chocolate flavor. Iniisip ko kung ilalabas ko ba tong magic flakes na to, susulpot kaya bigla si John Lloyd Criz ayy ano ba yan bat ko ba iniisip yon?

Kumuha ako ng isang piraso

Kakagat na sana ako ng bigla tong kunin ng isang lalaki. Napa titig ako sa kanya.

Wahhhhhhhh si John Llod Criz mangunguha ng pag kain. What the?! Kanina iniisip ko lang na susulpot to bigla tapos ngayon andito na talaga sya MY GOD I HATE DRUGS. Tumingin ako sa paligid parang kinukunan nila kami. Hala ipapalabas ata to sa tv? Pero yung magic flakes ko. Hinaklit ko yun kay Kuya John Llod Criz.

"Kuya John Llod pati ba naman ikaw naaaliw sa mala dyosa kong muka tsk. Sorry may Riel na ko. At bumili po kayo ng magic flakes ng sa inyo ok" sabay flip ng hair ko. Oh my gash Prishia! Why so ganda bwahahahahaha. Me is so dyosa. Nung napatingin nga ako sa kanila lahat sila naka nga nga ih.

Mag papatuloy na sana ako sa pag lalakad ng may kumapit sa braso ko. Aba sinong may sabing may karapatan silang hawakan ako.

Humarap naman ako sa humawak sakin, naka shades sya na itim.

"Bakit po?" Magalang kong tanong. May inabot sya sakin na cp.

"Ay thank you" tatalikod na sana ako.

"Anong thank you ka dyan? Your number" ayy ano ibibigay ko number ko sa kanya, pano naman kaya ako? Mawawalan ako ng number. Ibinalik ko sa kanya ang cp nya at tumalikod na saka nag simulang mag lakad. Ayoko kasi ng exposure masyado baka madaming mahumaling sa aking kadyosahan hahahahaha.

Nang makaalis na ko don. Nasa isip ko na naman si Arquen na bano, ano kayang nangyari sa kanya? Ayos lang kaya sya? May masama bang nangyari kaya sya ganon o trip nya lang ako?

Kung trip nya lang ako matutuktukan ko sya.

Natatanaw ko na ang bahay ni Arquen, napakalaki talaga nito. Bakit kaya sya lang mag isa ang naka tira don? Nasan kaya ang mga magulang nya? Ay ano ba yan ang dami ng tanong ng dyosa kong dyutak.

Bakit nandon yun sa labas? Anong meron? Arquen, may nangyari ba?

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now