Chapter 48

435 19 6
                                    

Prishia's POV

Sabi ni Erill pupunta raw siya dito. Tinawagan ko siya ih at ngayon ay tumutulo ang luha ko.

Letseng Arquen talaga yan.

*tok tok*

Madali kong pinunasan ang pisngi ko na basa dahil sa luha.

"Prishia?" Madali akong pumunta sa pintuan at binuksan ito.

Niyapos ako ng mahigpit ni Erill at saka hinaplos haplos ang likod ko.

"Wahhhhhhhh Erill!" Niyapos ko rin siya ng mahigpit.

Naghiwalay na kami mula sa pagkakayapos namin.

Nakita ko ang muka ni Erill na naka ngite.

"Erill, bakit muka kang masaya? Nasasaktan na nga ako dito oh"

"Aray ko naman!" Binatukan niya kasi ako ih.

Tumingin naman ako ng nakakunot ang noo sa kanya.

"Para saan naman yun?" Tanong ko.

"Alam mo Prishia, kung inaalam mo lang yang laman ng puso mo edi sana di ka nasasaktan."

Anong magagawa ko e di ko talaga alam kung anong nang yayari sa akin. Sa puso ko.

"Wahhhh Erill, hindi ko talaga alam ang nangyayari sa akin. Maloloka na ako kasi TATLONG ARAW NA! TATLONG ARAW! na di siya nag tetext natawag o mag paramdam manlang, buti pa ang multo marunong mag paramdam."

Pag rereklamo ko kay Erill. Oo tama kayo ng basa. Tatlong araw na, tatlong araw na ko sa bahay namin at sa loob ng tatlong araw na yun ni itext, tawagan, o kahit manlang sa panaginip WALA!

"Ohhh ayan ang sinasabi ko sayo. Inlove ka na talaga kay Arquen"

"Tss. Ako INLOVE sa ARQUEN na yun." Inlove ako?

So kapag ba hinahanap ko siya inlove na ko sa kanya?

So kapag ba nakikita ko sila ni LINTANG AHAS na magkasama at gusto ko ng pilipitin ang leeg nilang dalawa dahil sa paglalandian nila inlove na ko sa kanya?

So kapag ba namimiss mo ang taong yun, inlove ka na sa kanya?

So kung iniyakan mo siya dahil di manlang siya nag paparamdam sayo inlove ka na talaga sa kanya?

Ganun ba yon haa!

"OO, ganun ngayun" napatingin naman ako kay Erill na nakangite. Teka nababasa niya ba iniisip ko? Mind reader na ba ngayon si Erill?

"WAHHHHH MIND READER KA NA ERILL!" Sigaw ko sa kanya. Naka tanggap naman ako sa kanya ng isang malakas na batok.

"Nagsasalita ka kaya ng malakas" ahhh I see I see.

"Ano tong mga nasa higaan mo?!" Sigaw niya sa akin. Nagkalat kasi ang mga magazines sa higaan ko.

"Akala ko kasi mawawala lahat ng pagnanasa ko sa kanya kaya kinuha ko ulit yan sa mahiwang baul ko" ngiting sagot ko na parang tutulo na naman ang laway dahil nakita ko ang mga cover ng nasa magazines.

"HINDI NGA YAN PAGNANASA! INLOVE KA INLOVE!" sigaw naman niya sa akin na may kasamang pagbato ng isang pinaka iingatan kong magazine.

Madali kong kinuha ang magazine sa baba at hinaplos haplos ang abs ng nasa cover.

"Pagpasensyahan mo na ang bff ko ha. Di ka lang talaga niya naa appreciate dahil bulag yan" sabay tingin ko sa kanya ng nanlilisik ang mata.

Sa totoo lang nung nakita ko ulit ang mga magazines na yan, sa una oo naaliw ako pero mga ilang sandali lang ay naalala ko na naman siya.

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now