Chapter 45

417 19 3
                                    

Prishia's POV

FLASHBACK....

andito ako ngayon kila best friend pero di ko na kasama si Riel kasi nasa stage pa ko ng pagka shock sa sinabi ni Arquen litsi yun siguro trip na naman ako non ih.

"Because i love you"

"Wahhhhhhh Erill! Nakaka loka talaga tong araw na to!" Sigaw ko sa kanya na halos mabasag na eardum nya.

"Ano ba kasing nang yari? Kilig na kilig ka kasi hinatid ka ni Riel dito? Etong higad na to pukpukin kita ng bente dyan ih" sabi nya sakin. Wahhhh di naman dahil kay Riel ih dahil kay letseng Arquen na yon! Di ko alam kung anong ginawa nya sakin nung mga oras na yun ih bat na naman kasi bumilis ang tibok ng puso ko tapos parang mahihimatay pa ko.

"Hindi! Eh kasi si Arquen ano i--

"ANO?! NI RAPE MO SYA AT PUMALAG KAYA SINAKSAK MO NG TULUYAN KAYA NGAYON PATAY NA!" Takteng Erill na to sobra sya ha. Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman sumenyas ng sige na ituloy mo na.

"sinabihan nya ko ng wahhhhhhhh" bakit ba di ko masabi nyaaaaaahhhh. Big deal na ba yun sakin parang i love you lang ih tsss.

"I love you?" Tanong sakin ni Erill. Wahhhh pano nya nalaman ? Ang galing nya naman.

"WAHHHHHHHHHH PAANO MO NALAMAN?!" Napatulala naman sya at nanlaki ang mata.

"Wahhhh di nga? Oh my gosh! Oh my gosh! Tapos edi kilig ka naman" ano ba naman tong si Erill napaka oa ahhh. Kilig ako? Wadapak etong mukang dyosang to kikiligin sa lalaking magnanakaw ng ten pesos/ mang re rape NEVAHHHH.

"HINDI AKO KINILIG NO! TSSS" pinindot pindot nya yung tagiliran ko.

"Oh so anong pakiramdam mo nung nangyari yon?" Pag tatakang tanong sakin ni Erill.

"Alam mo ba Erill may sakit nga siguro talaga ako sa puso kasi nung sinabi nya yun. Yung puso ko parang titigil na sa sobrang bilis ng tibok parang huling tibok ng puso ko tapos biglang nanginit muka ko. Parang ang saya saya ko non. Ang weird diba?" Sabi ko kay Erill. Sya naman napatulala.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh INLOVE ka PRISHIA!" Tapos inalog alog ako.

"Wahhhhhhhhhh inlove nga ako kay RIEL!" binatukan ba naman ako ni Erill. Tss

"Hindi ka kay Riel inlove, kaya akin na lang sya." Haaa? Hindi kay Riel? Loka loka talaga to si Erill.

"Hahaha baliw ka na Erill. Eh kanino naman kaya ako inlove? Kay ARQUEN!" diin kong sabi kay Erill.

"Oo kay ARQUEN!" Hahahahaha nag papatawa talaga sya.

"Sige na ang ganda ng joke mo. Uwi na ko. Ako'y pinag loloko mo ih" dalawa na silang nag sasabing inlove ako kay Arquen pero kasi tss.

"Ang aga pa ahh. Pati hindi yun Joke totoo yun. Inlove ka kay Arquen"

"Hindi ako inlove sa kanya. Bye ERILL UWI NA KO BWAHAHAHA" saka na ko umalis sa bahay nila. Siya naman kasi ih sinabi ng hindi ako inlove kay Riel ih kay Arquen ako inlove. Ha teka teka nag kabaliktad pala. Ahhhh buset na Arquen ka. Palakad na sana ako pauwi sa bahay namin. As in kung saan ako nakatira. Ang kaso lang may nakita akong dalawang lalaking lasing ang sho shongert ng itsura kaya dun na lang ako uuwi kila Arquen. Tulog na siguro yung Arquen na yun.

Nag lakad na ko ulit papunta sa bahay nila Arquen.

"Because I love you" wahhhhhhhh kaiinis pa ulit ulit ih. Bakit ba lagi syang ganon? Lakas nya mang trip ha! Sarap ibalibag.

After ng mahabang pag lalakad nandito na rin sa bahay nila.

Pumasok na ko sa loob. Kinuha ko yung susi sa pocket ko pero bakit wala argghhh asan na yun. Meron na kasi akong susi nag pa duplicate ako pero nawawala na ito ngayon, wahhh paano ako makaka pasok nito?
Ahhh magawa na lang pala ulit yung ginawa ko dati.

Pumunta ako sa may likod, doon sa bintana ni Arquen, inilagay ko ulit yung hagdan doon.

Nag simula na akong umakyat, sana bukas bintana nya.

"Salamat naman at bukas" bulong kong sabi. Pumasok na ako sa bintana. Kinuha ko yung phone ko at binuksan yung ilaw nun.

"Bat wala pa kaya si Arquen?" Ano kayang nangyari don. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto habang hawak ko yung cp ko para may liwanag naman sa dadaanan ko.

Nanlaki ang mata ko yung tipong luluwa na yung eyeballs ko.

Wahhhhhhh hala napako ata ako sa kinatatayuan ko kasi naman. Si Arquen at si Measy mag kayapos at parang nanaaninag ko mag kadikit muka nila. Nag kikiss sila?

Nakita kong lumingon dito si Arquen, siguro dahil sa liwanag pero imbis na magulat sya dahil na andito na ako at nasa taas pa ngumiti sya. A very weird one. Nag madali naman akong bumaba binangga silang dalawa, at pumasok na sa kwarto ko.

End of flashback

Kainis diba ang kapal ng pag mumukha nyang ARQUEN na yan ih sarap ipalapa sa leon tsss.

"Patay ako nito. Sabi ko nga pala kila papa papakilala ko sa kanila si Arquen." Wahhhhh anong gagawin ko.

"Ipapakilala mo ako sa papa mo" napa lingon naman ako sa nag salita at halos lahat ata ng dugo ko sa katawan pumunta sa ulo.

"AH NAKO WAG NA LANG NO! MAG LANDIAN KAYO NG BABAE MO TSS." sigaw ko sa kanya at binunggo sya nakaka irita talaga.

"Sabi mo yan ha" sabi nya. Kahit naka talikod ako na sesense ko ang mala demonyo nyang ngiti.

"OO PAKASAYA KAYO CHEEE! AALIS NA MUNA AKO!"

"Wait! Wait! Where do you think your going?!" Pa english english pa.

"Im going home!" Sigaw ko sa kanya at akmang lalakad na ulit ng hinawakan nya ako sa braso ko.

"Hindi ka aalis" wahhh hindi raw ako aalis, mamatay sya tse.

"At bakit mamimiss mo ang dyosa kong pag munuka ha?!"

Tumungo naman sya bigla.

Palapit na sana ako doon sa kinatatayuan nya ng bigla syang tumunghay at gumuhit ang nakaka loko nyang ngite.

"Yahhhhhhhh anong binabalak mo ha?!" Lalo pang lumawak ang ngiti nya.

(A/N: kung sino ulit mag cocomment ng reaction idededicate ko sa kanya ang isang chapter :). Hope you enjoy this chapter ^__^)

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now