Chapter 39

474 11 1
                                    

Prishia's POV

"Hoy Arquen!" Sigaw ko. Tumakbo sya palapit sakin at bigla akong ni yapos.
Hala? Hala? Anong nangyayari dito? Bat ganto kabilis ang puso ko? Ano tong nararamdaman ko ngayon?

"Arquen ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin sya sakin, wala akong lakas na itulak sya. Sobrang init na ng muka ko.

"Kala ko di ka nababalik ih. I miss you Prishia" kanina mabilis lang ang tibok ng puso ko, ngayon halos parang lalabas na to sa dib dib ko, may mga nagwawala sa tiyan ko at mas lalong nanginit ang muka ko.

Itinulak ko sya at napa yuko naman sya. Pano nya ba to nagagawa sakin? Ano bang ginagawa nya at ganito ang epekto nya sakin? Baka kinulam nya ko.

"Arquen naman ih! Lagi akong tini trip. Enjoy ba haaa!" Sigaw ko sa kanya. Nilagpasan ko sya.

Habang sinasabi ko yung mga words na yun ay hindi ako naka tingin sa kanya kasi sobrang init ng muka ko at alam kong mapula ito. Letse, yun lang ba dahilan kaya nya ko pina uwi? O meron pang iba. Nakita kong lumabas si Measy at inakay si Arquen. Ano bang meron?

Ano ba kasing meron? Nakita ko yung muka ni Arquen, ang lungkot nya. Sunod lang ang tingin ko sa kanila. Sumunod na rin ako sa loob.
Inalalayan pa rin pataas ni Babaeng linta/ahas si Arquen, tsk may pilay ba si Arquen at kung maka alalay sya, ahas na linta talaga sya.

Pumunta ako sa salas at umupo sa sofa hihintayin kong bumaba si babaeng linta/ahas.

Mga ilang minuto ay nakita ko na si babaeng linta na lumabas sa kwarto kaya naman hinintay ko na lang syang bumaba.

Tss. Pabebe pang bumaba ih.

Ayun nakababa rin, pumasok na rin sya sa kwarto nya.

Dahan dahan akong umakyat sa taas. Nandito na ko sa may harap ng pintuan nya, iniawang ko yung pintuan at nakita ko si Arquen naka tungo lang. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok ng di manlang kumakatok, itinulak ko yung pintuan at kasabay non ang pag sigaw ko ng kanyang pangalan.

"ARQUEN!"

"Prishia" malungkot nyang banggit ng pangalan ko.

"Ano yun?" Kunot noong tanong ko, nanatili pa rin syang naka tungo.

"Slave kita diba?"

"Oo" para akong kinakabahan dito ah.

"Diba kapag slave lahat susundin nya kahit ano pa yun"

"Oo, pero teka lang! Baka naman oh my goshhhhhhh kay Riel lang ako" ngumiti sya pero yung ngiting iba, ngiting peke.

"Hoy!" Sigaw ko, ayoko ng katahimikan nakaka bingi.

"Prishia, pwede bang?" Wahhhhhhhhhhh baka naman ang itanong nya ih kung pwede ako ma rape goshhhhhh

"Prishia, pwede bang? Ah mali pala inuu--

Napa tigil sa pag sasalita si Arquen ng may kumatok. Napa tingin ako sa pintuan at nakita kong si Measy ay naka silip sa pintuan.

"Measy, pwede bang iwan mo muna kami" pakiusap ni Arquen kay Measy, mukang seryoso si Arquen sa sasabihin nya.

"Nandyan kasi si Riel, hinahanap si Prishia" napatingin tuloy ulit ako kay Measy.

"Talaga?! Arquen, wait lang ha bababa lang ako" nag madali akong bumaba.

At oo nga andon si Riel at naka ngiti.

"Riel, " tawag ko, napalinga naman agad sya sakin.

"Prishia, pwede bang mayaya kitang mag date?" Wahhhhhhhhhhh date. Ang matagal ko ng pinapangarap. Makikipag date ako kay Riel. Pero teka lang pano nga pala si Arquen? Iba talaga pakiramdam ko ihh. Andyan naman yung babaeng linta/ahas panigurado mas gustong makasama yun ni Arquen.

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now