Chapter 46

406 17 1
                                    

Prishia's POV

"Yahhh anong binabalak mo ha?" Lalo pang lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

Anak ng tekwang naman oh. Ano na naman kayang pakulo ito?

Mga 1 inches na lang ata ang layo namin sa isat isa.

Nag sisimula na naman manginit ang aking muka. Ano bang binabalak niyang gawin.

Napa pikit na lang ako naramdaman ko naman ang pag hinga niya malapit sa tenga ko.

"You are the one and only girl that I will love, Prishia" napamulat ang aking mga mata at awtomatikong napakagat ako sa aking labi, ang aking puso ay nag simula na naman mangarera, ang muka ko ay sobrang nanginginet na.

Ramdam ko angpagtitig ng mata niya sa akin. Nakakahiya to.

"Prishia, you're like a tomato" sabay halakhak niya ng tawa

Sinuntok ko siya sa tiyan at saka kumaripas ng takbo.

Bakit ganito na naman ang pakiramdam ko?

Bakit sobrang bilis ng puso ko ng sinabi niya ang mga words na yun?

Hoy puso ko, ayos ka pa ba? Baka naman mamatay ako sa sobrang bilis mo ha.

Utak ko, umayos ka ha wag ka naman gumulo, baka mamaya di nga ako ma heart attack maloka naman ako sa sobrang gulo mo.

Ikaw naman katawan ko wag oa ang reaction ha baka makulong ako ng wala sa oras dahil sa ginawa mo ih.

Uuwi muna ako sa bahay para naman makapag relax ako at mawala sa isipan ko yang letseng Arquen na yun, masyado niyang ginugulo ang isipan at puso ko ih.

Mukang hindi ko siya mapapasaya.

"Break na tayo!"

"Teka Reika, let me explain"

"No need to explain, Klein"

Napa linga naman ako sa kaliwa ng marinig ko ang mga salitang yan.

Pumunta ako roon at hinila yung babae na nakikipag hreak sa lalaki.

"Oy babae, alam mo ba sinasabi mo ha?" Naka tingin naman siya sakin ng anong pakeelam mo look.

"I'm just trying to save your relationship wuth that man" sabay turo ko sa lalaki na nakatungo.

"Bakit may alam ka ba? Alam mo ba kung anong ginawa niya sa akin ha?!" Pasigaw niyang tanong. Nag simulang tumulo ang mga luha niya.

"Alam mo na ba ang side niya ha?"

"Hindi pero nakita ng dalawang mata ko! May kalandiang babae yang magaling kong boyfriend"

"Hindi mo pa nga pinapakinggan yung side niya kung makapag judge ka! Alam mo dapat pinapakinggan mo ang explanation niya or yung side niya."

"Mahal mo ba siya?"

"Oo mahal na mahal kaya nga nasasaktan ako ng ganito ih!" Sagot naman niya sa akin.

"Kung mahal mo siya papakinggan mo ang paliwanag niya, pero kung yung paliwanag niya ay di katanggap tanggap doon mo siya ibreak! Wag kang mag disisyon ng galit ka, dahil sa huli ikaw din ang mag sisisi" tumango tango naman siya at saka ngumiti.

"Sige babush. Balitaan mo na lang ako kung anong nangyari" saka tatakbo akong umalis doon.

Ayan ang hirap sa mag ka relasyon ih, onting pag aaway lang nauuwi sa break. Ang bawat problema ay may solusyon, kailangan mo lang talaga hanapin ang solusyon na yon.

Kung mahal mo ang isang tao hahanap at hahanap ka sa isang libong problema niyo ng isang solusyon

Ang gulo talaga ni LOVE, ngunit ang love ang rason kaya tayo nandito, kaya merong pagkakaunawaan, kaya nabuo ako sa mundong ibabaw at ang dapat pinaka una sa lahat God is LOVE.

Ano ba itong mga naiisip ko? Napa iling iling na lang ako sa nalalaman ko. Wala naman nga pala ako naging ka relasyon. Oo alam kong dyosa ako, ngunit datapwat ako'y isang choosy din.

"You are the one and only girl that I will love, Prishia"

Wahhhh ayan na naman sya nang gugulo! Gulo! Gulo!

Natatanaw ko na ang bahay namin.

Mga ilang minutopa ay nasa harapan na ko ng bahay namin. Nag simula na akong umakyat.

"Inay, itay andito na po ako" sabay pasok ko sa bahay. Aba yung dalawa wala. Nasan kaya yun.

Pumunta ako sa may tapat ng kwarto nila.

"Ah hihihi honey naman ih. You're so naughty" ay dumali na naman ang englisherang mother ko. Napa palo na lang ako sa noi ko, ano ba naman yan ang gugurang na nag lalandian pa rin tsk.

*tok tok tok*

"Inay"

"WHAT DO YOU WANT?! YOU'RE DISTURBING US" sigaw ni inay sakin. Pumunta na lang ako sa kwarto ko. Dumugo ilong ko sa sinabi niya ih.

Naramdaman kong nag vibrate ang cp ko kaya naman madali ko itong kinuha mula sa bulsa ko.

Si Arquen kaya tong natawag?

Wahhhh ano ba Prishia?! Bakit naman sya tatawag sayo.

Calling ...

Unknown number

Sinagot ko ito.

"Hello?"

"Get out of Arquen's life! He's mine! Only mine!" Sigaw nito sa kabilang linya.

"What is your problem? Who are you?!"

"Tss. Dont ever dream of Arquen."

Tooot toooot tooot

BASTOS YUN AH?! Sino kaya yun?

Si LINTANG AHAS ba yun?

Siguro mag kasama yung dalawang yun doon at nag lalampungan ang dami pang sinasabi ni Arquen, siguro kaya niya yun sinabi ay para mapaalis ako doon at mag karoon sila ng time na mag landian.

Edi mag landian silang dalawa. Bagay na bagay naman sila ih.

Isang paasa at isang umaasa. Perfect combination.

Pero bakit ganto? Bakit may kirot sa puso ko?

(A/N: sorry tagal ng update ko. Salamat sa inyong nag babasa, nag cocomment at nag vovote 🙂 ^___^)

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon