Chapter 52

381 15 1
                                    

Arquen's POV

Nagke kwento si Measy sa akin ng nakita kong pu Prishia sa loob ng kwarto niya.

Ang cute talaga ni Prishia pag nagseselos haha. Ang sarap niyang asarin ng asarin.

"Arquen nakikinig ka ba?" Napalingon ako kay Measy na kasalukuyang naka kunot ang noo.

"Hmmmmmnn" kumunot din ang noo ko dahil sa narinig ko. Sinong naungol?

"Hmmmmm" Mabilis  akong tumayo at lumakad palapit sa kwarto.

Sa kwarto ni Prishia. Nakita ko siyang nakasubsob sa table. Anong nangyayari sa kanya. Narinig ko rin ang hikbi niya.

Naiyak siya? Dahil ba sa akin? Dahil ba nagseselos siya kay Measy, hindi naman dahil sa selos lang kaya iiyak si Prishia ih. Agad akong pumunta sa table kung saan siya naroroon.

"Prishia, ayos ka lang ba?" Tanong ko, ngunit di manlang siya nagsasalita.

"S-sorry Arquen. Sorry talaga" may sinasabi siya pero hindi ko marinig dahil sa hina ng boses niya.

"Prishia! Prishia!" Sigaw ko para matauhan na siya. Tumunghay siya at nakita ko ang basa niyang pisngi. Nakita ko rin ang pagmulat ng mata niya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko agad sa kaya. Nasaktan ko ba siya? Kasalanan ko ba?

"Haa? Ako umiiyak?" Hinawakan niya ang pisngi niya at nakita ko ang paglaki ng mata niya.

Ano bang nangyayari sa kanya? Halata ang gulat sa kanya ng malaman niya na umiiyak siya. Ayos lang ba siya? Sh*t sobrang nag-aalala na naman ako sa  kanya.

Yung ungol kanina at yung biglang pag-iyak niya at dahil hindi niya alam na naiyak siya ay dahil tulog siya ibig sabihin nananaginip siya. Sigurado akong masama ang napanaginipan niya.

"May napanaginipan ka bang masama?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

Umiling iling naman siya bilang sagot. Wala naman pero bakit siya umiyak ng ganon? Hindi niya siguro maalala.

Bigla ko siyang niyakap. Kusang gumalaw ang katawan ko at niyakap siya. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. Siya lang, siya lang talaga ang nakagawa sa akin nito. Sobrang mahal ko talaga siya at kahit na anong mangyari mamahalin at mamahalin ko pa rin siya. Hindi ko inakala na dahil sa nakakalokong dare na iyon ay mapapalapit ako sa taong mahal ko na talaga NOON pa.

"Akala ko kung ano ng nangyari sa iyo" bulong ko sa kanya.

"I love you, Prishia" ang sarap sabihin sa kanya ang mga katagang kakasabi ko lang sa kanya.

"Huwag mo kong iiwan ha" humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at saka ngumiti sa kanya. Bakit lagi niya na lang sinasabi iyon? Bakit niya na lang sinasabi na wag ko siyang iiwan?  Sa tingin niya ba ay iiwan ko siya.

Hinding, hindi kita iiwan, Prishia, kaya sana naman ay wag ka ng mag -alala.

"Yung mga ngiti mo parang di mapagkakatiwalaan" ako pa ngayon ang di mapagkakatiwalaan? Dapat siya nga dahil kapag kalapit niya ako ay nagiging manyak siya.

"Hindi kita iiwan" linaw na sagot ko. Ngumiti naman siya ngunit mabilis na naglaho iyon at napalitan ng nakasimagot.

"Oh bakit ka sumimagot diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Naalala ko lang dati iniwan mo na ako kahit na sinabi mong hindi mo ako iiwan"

Ha? Naka kunot noong tanong ko?

"Yung umalis ako dahil bibili lang ako ng pandisal pero pagbalik ko wala na kayo. Kayong DALAWA NI MEASY."iritadong sigaw niya. Ang sakit sa tenga ng boses niya.

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now