Chapter 58

208 5 0
                                    

Prishia's POV

Mga 5:00 pa lang ng umaga ay eto ako at mulat na mulat na. Nakaupo ako sa papag ko at nag iisip ng kung ano ano. Natatawa rin ako sa napanaginipan ko, iiwan daw ako ni Arquen tss naiwan niya na ako, naiwan na niya ako. Naramdaman ko na naman ang paglandas ng luha ko, kinagat ko ang ibabang labi ko upang hindi kumawala ang pag hikbi ko.

Kinuha ko ang unan ko at itinakip sa mukha ko. Ang sakit sakit talaga! Ang sakit sakit!

"Arquen" hikbi kong tawag ng pangalan niya, ang pangalan ng taong minamahal ko, ang taong ayaw kong mawala sa akin ngunit ngayon ay iniwan niya na ako iniwan ako ng taong sinabi sa akin na hindi ako iiwan ang taong nagsabi sa akin na kahit ano masosolusyunan dahil sa pag-ibig. Wala pa ring humpay sa pag tulo ang luha ko. Ibinaba ko ang unan na nakatakip sa mukha ko at pinahid ko ang luha ko. Tumayo na ako at pumunta sa banyo upang maligo. Gusto kong makita si Arquen, gusto kong makita ang mga ngiti niya na lagi lagi kong nakikita noon, gusto ko ulit siyang mayakap sana ay mangyari to ngayon. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng ng banyo.

Dahan dahang lumabas ako sa kwarto ko upang hindi magising si inay at itay.

"Buti na lang at hindi sila nagising." Tumingin ako sa cellphone ko at tiningnan kung anong oras na saktong ala sais na pala, hindi ba masyadong maaga ako? Ayy hindi naman siguro no? Nag lakad na ako papunta sa bahay nila Arquen.

Makikita ko ulit siya. Ayos lang sa akin kung ang cold na kilos niya ang ipakita sa akin basta makita ko lang siya. Nakikita ko na ang gate nila, nakikita ko na ang bahay nila, ang bahay niya na minsan kong itinuring na bahay ko, ang bahay na nasabi kong magiging hideout namin upang mapaibig ko si Riel pero hindi nangyari dahil ako ang napaibig niya, habang palapit ako ng palapit ay sobrang lakas naman ng tibok ng puso ko yung bang lalabas na ito.

"Arquen! Arquen!" Tawag ko sa pangalan niya ng nasa harapan ako ng gate.

"Arquen, yohooooo" tawag ko pa ang nakangiting mga labi ko ay biglang naglaho ng may magsalita sa likod ko. Humarap ako sa taong yun.

"Ne, hinahanap mo ba yung nakatira diyan?" Tanong naman niya sa akin, tumango tango ako bilang sagot.

Nagsimula na naman magsituluan ang mga luha ko dahil sa sinabi sa akin ng taong kaharap ko ngayon.

"S-salamat po" tugon ko at saka umalis na doon. Ano pa bang silbi ng pag punta ko doon kung ang taong labis kong minamahal ay wala na? Akala ko ay sapat na ang makipaghiwalay siya sa akin pero heto at umalis pa siya ng bansa upang lubos akong maiwasan. Pumunta ako sa park upang doon ilabas ang mga luha ko, sana nga lang ay maubos na ito ngunit parang imposible.

Umupo ako sa may swing. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng park at tulad nga ng inaasahan ay walang katao tao dito dahil masyadong pang maaga.

"Ate, are you ok?" Napalingon ako sa likod ko ng may magsalita. Akala ko pa naman ay walang tao pero nag kamali pala ako.

"Yes, I'm ok" tugon ko habang nakangiti. Umiling iling naman siya at saka lumapit sa akin at tinap ang ulo ko, yung totoo aso na ba ako ngayon? Wahhhhhhh

Nakita kong umupo siya sa isa pang swing. Napatulala ako sa kanya parang may kamukha siya.

"Ate, you know if your heart is in pain you dont have to lie. Always remember liars go to hell" nakangiti niyang saad habang nagduduyan.

Ano bang pinagsasabi niya? Kapag ba may nakita siyang umiiyak ang ibig sabihin ay nasaktan agad ang puso hindi ba pwedeng iniwan muna? Wahhh dyosang Prishia!

Gusto kong tanungin kung sino siya kaso lang may dumating na lalaki, napakunot naman ang noo ko dahil sa lalaking ito.

"Yuuki" lalong napakunot ang noo ko ng dun siya pumunta sa babae at tinap ang ulo niya. Anong meron? Baka naman? Wahhhhhh child abuse.

"Hi kuya!" Energetic na turan naman nung babae. Napaluhod naman siya at yinakap yung batang babae. Hala?

"I thought you are gone" nanginginig na turan nito. Bigla naman hinawakan nung babae yung balikat nung lalaki at inilayo ito sa kanya.

"Kuya, I am not going to leave you, and one more thing if I want to leave you now I am just going to tell kuya Arquen the truth" nakakunot noo na nga ako ay nagsalubong pa ang kilay ko. Bakit nasali si Arquen sa usapan nila? Anong meron? At ano ang sinasabi nitong totoo? Dyosko puno ng katanungan ang utak ko ngayon.

"A-anong totoo?" Mahinang tanong ko. Napalingon naman sila sa akin, nakita ko ang gulat na mukha ni Riel siguro ay dahil nga sa hindi niya ako napansin kanina wahhhh ang mukhang dyosa na si ako ay hindi na kapansin pansin ngayon.

"Ayy ate I forgot na you are here pa pala" sabay ngiti niya at napapakamot sa ulo niya. Si Riel naman ay umayos na ng tayo, hinawakan niya ang braso nung babae at akmang aalis na abay bastos din itong Ariel na ito ah nagtatanong pa ako ih.

"Huwag ninyo akong iwan na puro katanungan" inis na turan ko. Lumingon naman sa akin si Riel, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"I think Yuuki we need to tell the truth to her even to your family" malungkot na saad nito habang nakatingin kay Yuuki. Ngumiti naman ng pilit ang babae.

Hangang ngayon ay tulala pa rin ako dahil sa nalaman ko ngayong araw na ito. Totoo ba talaga ang mga sinabi nila sa akin? Totoo ba?

"Are you ok?" Nag aalalang tanong sa akin ni Riel. Imbis na sumagot ako ay tumayo ako at umalis sa lugar na iyon.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nila parang ito ay imposible.

Napatingin na lang ako sa kaliwa ko dahil sa malakas na pag busina. Nasa may kalsada na pala ako pero di ko napansin, sabagay ayos na rin siguro ang mawala ako.

"Kung gusto mo magpakamatay huwag ka ng mandamay!" Sigaw nito kaya naman napaatras ako.

Hindi ba dapat masaya ako sa nalaman ko? Dapat ay ayos na? Pero bakit ganito nararamdaman ko parang lalong bumigat yung pakiramdam ko. Pinahid ko na naman ang mga luhang nagbabadyang lumabas mula sa mga mata ko.

Tigil na, tama na! Hindi ka pa ba nauubos ha luha?

Natumba ako at nanlalabo na ang mata ko. Ang sakit na nga ng puso ko pati ba naman ang katawan ko ay nakisali pa. Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Dugo.

"Ms. Are you ok?! F*ck!" Mura ng lalaki. Tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ko.


(A/N: PASENSYA NA SA SOBRANG TAGAL NG UPDATE.)

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now