Chapter 54: Moments

378 10 1
                                    

Prishia's POV

Kailangan ko na talagang sabihin sa kanya.

Nandito ako sa kwarto ko at nag-iisip ng mga ways kung paano sasabihin sa kanya.

Wahhhh sumasakit ang ulo ko sa pag iisip! Lintek na sikreto kasi yan ih.

Paano kung nasabi ko na sa kanya?

Ano kayang magiging reaction niya?

Napa sabunot naman ako sa ulo ko.

"MALAMANG EDI MAGIGING EMOSYONAL SIYA! PAGKATAPOS MAY POSIBILIDAD NA HINDI NIYA NA AKO PANSININ!"

Natatakot ako. Natatakot ako sa mga posibilidad na mangyayari.

Ayoko. Ayokong mawala si Arquen sa buhay ko.

Pero kailangan na niyang malaman.

Paano nga kaya kung nakalimutan na niya yung nangyari 10 years ago.

Siguro nga dahil hindi niya na nakilala si inay.

Ayy sabagay malaki pinagbago ni inay pero kahit na.

Pinikit ko ang mata ko at inilagay ang braso ko sa mata ko.

Ayoko ng may inililihim sa kanya gusto ko na masabi na sa kanya lahat.

Oo natatakot ako sa mga posibilidad pero wala ng magagawa nangyari na ih.

Naramdaman ko ang pag landas ng luha sa pisngi ko.

Kung magiging cold si Arquen sa akin ay hindi ko makakaya.

Nakapag desisyon na ako na pagkatapos ng kaarawan niya ay sasabihin ko na sa kanya.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa banyo namin. Maglilinis ako ng katawan ko.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita ko si inay na na sa salas.

Pumunta ako sa tabihan niya at niyakap siya.

"Inay kakayanin ko ba?" Tanong ko sa kanya. Tinapik tapik naman niya ang likod ko.

"I'm sorry nak. You can do it. You have to be strong" humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

Tumango tango ako.

"But before saying it to him manyakin mo muna" turan ni inay habang taas baba ang kanyang kilay. Napangiti na lang ako.

Kahit na anong mangyari kailangan kong maging matatag.
"Inay, balik na po ako doon, pakisabi na rin po kay itay" tumango tango naman si inay.

"Prishia, FIGHTING!" Sigaw ni inay with matching nakataas pa ang dalawang braso.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad na papunta kila Arquen.

Habang naglalakad ako napatingin ako sa isang daan doon kaya naman lumiko ako at binagtas ang daan na yon.

Nang makarating ako ay napangiti na lang ako.

Lumapit ako sa swing.

Dito ako hinalikan ni Arquen.
Dito siya nagtapat ng nararamdaman niya.

Ang saya saya ng pakiramdam ko non, para bang nasa heaven ako.
Napahawak ako sa puso ko.
"Alam ko masasaktan ka." Turan ko.

Umupo ako sa swing at tumingin sa paligid. Napaka tahimik ngayon ng park. Walang mga batang masayang naglalaro.

"Anong ginagawa mo dito?" Napatingin naman ako sa nagsalita.

Bakit kaya siya nandito.

"Prishia, are you alright?" Tanong niya.

Ngumiti naman ako bilang sagot.

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now