Chapter 55

275 7 3
                                    

Prishia's POV

Napatakip ako sa mata ko ng masilaw ako sa sinag ng araw.

Umaga na pala.

Napangiti ako ng alalahanin ang nangyari kahapon. Napakasaya ko dahil sa mga nangyari kahapon.

Birthday na ngayon ni Arquen at eto rin ang araw na nangyari yun.

Bumangon na ako at pumunta sa bathroom ng makapasok ako ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Are you ready, Prishia?" Tanong ko sa sarili ko.

Ready na akong sabihin sa kanya, pero pagkatapos ko siyang pasayahin ng bongga.

Ngumiti ako at saka tumango tango.

"Kaya ko ito." Nag hilamos na ako at inayos ang sarili ko at pagkatapos ay lumabas na ko mg kwarto ko.

"Good morning!" Sigaw ko habang nakangiti.

Nakita ko naman na may lalaking lumabas sa kusina habang nakangiti.

"Ingay mo talaga" turan niya. Nag pout naman ako.

Ano kayang magawa sa birthday niya? Gusto ko kasi siyang i surprise ih.

Ahhhh alam ko na.

Nakita ko ulit siyang bumalik sa kusina kaya naman sumunod na ako sa kanya.

"Let's eat" turan niya habang nakangiti ng wagas. Makangiti ka pa kaya ng ganan pagkatapos kong sabihin sayo lahat.

Napa iling iling na lang ako. Ano ka ba Prishia huwag muna ngayon pakasaya muna kayo ngayon. Oo, mamaya na ako maging madrama.

"Are you alright, Prishia?" Tanong niya. Napa tunghay ako sa kanya at halata sa mukha niya ang pag aalala.

"Hindi" turan ko. Nagulat ako dahil sa biglaang pag dampi ng palad niya sa noo ko.

Nanginit ang mukha ko dahil sa ginawa niya kaya naman napalayo ako sa kanya at saka tumalikod.

"J-joke lang yun, uto uto ka talaga no" sabay kunyare na tumawa ako.

Whoooi init, init. Sabay paypay ko ng kamay ko sa mukha ko.

"Are you sure?" Tanong niya pa ulit. Humarap na ako sa kanya at saka ngumiti habang tumatango tango pa.

Hinawakan niya na ako sa kamay at saka hinila sa hapag kainan.

Humila siya ng upuan at pina upo niya ako doon.

"Arquen, isda ka no?" Tumingin naman siya sa akin na may kunot ang noo.

"Ha? Bakit?" Tanong niya na gulong gulo.

"Eh kasi kapag nakikita kita napapa isdalicious ako ih" sabay tawa ko ng pagkalakas lakas.

"Tss. Oi wala akong kaliskis kaya hindi ako isda. Prishia, manyak ka ba?" Tanong niya.

Ako naman ay kilig na kilig. Ano kayang magiging banat niya.

"Bekit?" Pabebe kong tanong habang may pag sipit pa ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Anong bakit? Manyak ka naman talaga." Turan niya sabay halakhak.

"Ha. Ha. Ha. Nakakatawa" sarkastiko kong turan. Atleast nagiging masaya na si Arquen.

"Arquen, mahal ba kita?" Tanong ko sa kanya habang nakain.

"Tinatanong pa ba yan? Syempre oo no at mahal na mahal din kita" sabay ngiti niya.

Inismidan ko siya at palihim na napangite.

"Kumain na nga lang tayo" turan ko.

"May balak ka bang puntahan ngayon?" Tanong niya.

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now