Chapter 11

203K 3.9K 108
                                    

  "SO, wala ka talagang boyfriend?" tanong ni Ezra kay Red habang minamaneho ang motor boat. Pabalik na sila nang resort. Pinuntahan siya nito sa mansiyon at niyayang magtungo sa isla na malapit lang din naman sa resort.

Hindi naman niya nakasama si Rostov dahil umalis ito. Nagtungo ito sa winery. Seryoso na talaga ito na pag-aralan at matutunan ang pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya.

"Wala," tugon niya. Inihinto ni Ezra ang motor boat sa mas mababaw na bahagi at pinatay ang makina. Sumandal ito sa railing at humalukipkip saka tumitig lang kay Red. Napag-alaman niyang second cousin ni Rostov si Ezra. Si Donya Conching at ang lola ni Ezra ay magkapatid.

"Let's go. Baka maging daing tayo rito." 'aya niya sa binata nang mapansin niyang wala yata itong balak bumababa ng boat. Marahang natawa ang lalaki. Nauna itong bumababa at maginoo siya nitong inalalayan sa pagbaba. Hinawakan siya nito sa kamay hanggang sa marating nila ang dalampasigan.

"Sandali." Humarap ito sa kanya at tinulungan siyang hubarin ang life vest na suot niya.

"You are beautiful, Red. Meltingly beautiful." Ezra complimented her as he gazed at her with admiration.

"Thank you," tipid niyang sabi. Okay. Type ba siya ni Ezra? Ayaw niyang maging assumera pero hindi naman siya manhid. Iba kasi tumitig, eh. Napakalagkit at napaka-obvious.

"Red!" Naputol ang titigan ng dalawa nang marinig niya ang boses ni Rostov. Ipinaling niya ang kanyang patingin sa direksyon kung nasaan naroroon si Rostov. Nakatayo ito ilang metro mula sa kinatatayuan nila. Pero napansin agad ni Red ang dilim ng mukha nito. Kung gaano ka tirik ang araw ay siyang kulimlim naman ng mukha ng lalaki.

Lumapit si Rostov sa kanila. His gaze raked upon her physique. Kung ang titig ni Ezra ay punong-puno ng admiration kasalungat naman ang makikita sa mata ni Rostov. He looks disappointed and disgusted. Bigla tuloy nailang si Red. Isang maiksing ripped short kasi ang kanyang suot at strapless yellow bikini top.

"Tutal nandito ka na rin lang, dude, samahan mo na kami ni Red mag-lunch."

"Hindi na. Sa mansiyon na lang. Lola prepared lunch for us. Kaya nga ako nandito para sunduin si Red."

"Okay, so can I go with you—"

"Hindi puwede!" Rostov hissed.

"Next time na lang. Let's go, Red." Hinawakan siya nito sa palapulsuhan saka hinila palayo. Malalaki ang hakbang ni Rostov kaya lakad-takbo ang ginawa niya.

"Nasaan ang mga damit mo?" tanong nito habang tuloy-tuloy sa paglalakad.

"Nasa cottage mo."

Agad itong lumiko at tinalunton ang patungong garden cottage. Ito ang cottage ni Rostov at tanging ito lang daw ang umuukupa roon sa tuwing magtutungo ito ng resort. Puno ng halaman ang bahaging ito at may sari-saring bulaklak. Pulos gawa sa kahoy ang mga cottage rito.

Nang makapasok sila ng cottage ay saka siya nito binitawan.

"Bihis na," utos nito at umupo sa gilid ng kama. Saglit na napatitig si Red sa lalaki. Iniisip kung ano ang nangyayari rito? Nagkaproblema kaya sa winery? Tinalikuran na niya ito at kinuha ang pamalit na damit na nakapatong sa kama saka pumasok ng banyo.

Pagkatapos magbihis ay muli siyang lumabas at kung ano ang ayos ng upo ni Rostov na iniwan niya ay gan'on pa rin ang ayos nito. Nakatukod ang mga siko nito sa hita habang nakayukyok ang ulo.

"Do you like Ezra?" biglang untag nito na nanatili sa gan'ong ayos. Nang hindi siya sumagot ay tiningala siya nito.

"Ano'ng klaseng tanong 'yan?" kunot-noong tanong niya.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon