Chapter 20

178K 3.9K 133
                                    

RED's mouth fell opened upon hearing him. Hindi iyon ang inaasahan niya. She was expecting a big romantic scene, expecting him to pull her closer to him and enclose her soft frame in his strong arms, expecting him to kiss her with passion and love. But it didn't happen. What was happened was contrary to her expectation. Ang lamig ng boses nito, kasing lamig ng pakikitungo sa kanya. Pagkatapos nilang makapag-usap ni Rogue ay sumama siya sa binata pabalik ng Maynila. Nag-stay siya sa apartment niya kagabi at si Rogue naman ay sa isang hotel sa Maynila at maaga siyang sinundo ni Rogue para sabay na pumunta ng Infanta. Nang hindi niya maabutan si Rostov sa mansiyon ay agad niyang naisip ang beach house at hindi nga siya nagkamali, nandito nga ang binata.

"Rostov..." she murmured and stepped toward him.

"whomg klaseng tanong iyan?" umupo siya sa tabi ng binata. Hindi ito umimik at nanatiling nakatungo. Silence lingered in between them for a long while.

She let out a quick huff. "Rostov, nandito ako—" Natigil siya sa pagsasalita nang kabigin siya ni Rosov at mahigpit siyang yakapin.

"Red, please, huwag! Kung sasabihin mo sa akin na iiwan mo na ako at pinipili mo si Rogue, please don't... Hindi ko kaya.. I can be like Rogue, gagawin ko ang lahat para maging katulad niya. I can be a responsible like him. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka."

Mariing napapikit si Red nang marinig ang mga sinabi nito at parang pinipiga ang puso niya sa pag-iyak nito habang nagsusumamo na parang bata. Sinubukan niyang kumalas mula sa pagkakayakap nito pero lalong humigpit ang yakap ng binata sa kanya.

"Where did you get that idea, huh? Sandali nga.." pinilit niya itong inilayo sa kanya, only to find tears streaming down his face.

"Oh, Rostov!" He reached up and cupped his face, sweeping the tears off from his face with her fingers.

"Rostov, ano ba ang pinagsasabi mo? I won't leave you and I wouldn't choose him. Bakit mo ba 'yan nasabi?"

"Who wouldn't choose him? He's perfect. He was the man of your dream, the man you want to be with, ang lalaking mahal mo."

Umiling-iling si Red at pilit hinuli ang mata nito. "Yes. Rogue was a man who fulfilled every quality on my mental checklist. He was a prince charming and you are a villain. He was a noble man and you are a fuckboy but Goddammit, Rostov, I love you that's why I'm here because I choose to be with you."

Bumalatay ang matinding gulat sa mukha ni Rostov. Parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Red... ano ang sabi mo?" his voice was barely above a whiper.

"I said I love you... mahal na mahal na mahal. I just suddenly realized na pumayag akong magpakasal sa 'yo hindi dahil gusto ko lang gumanti kay Rogue o dahil nakikita ko ang katauhan niya sa 'yo kundi dahil totoong mahal na kita."

"Totoo ba 'yan? Pero nakita ko kayo ni Rogue at nakita ko ang saya sa mukha mo habang kausap siya."

Her brows knitted together. "Pumunta ka ng Isabela?" He gave her a slight nod for a response.

"Then bakit hindi ka nagpakita sa 'kin?"

"Natakot akong malaman na siya ang pinili mo."

"Silly." Mahigpit niya itong niyakap at pumaikot naman ang mga braso nito sa katawan niya.

"Ikaw ang pipiliin ko at pipiliin nang paulit-ulit kung sakali man. Pero hindi ako pinapili ni Rogue... He was the one who asked me to get back to you." Mabilis itong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya at nagtatanong siya nitong tinitigan.

Tumango siya at tipid na ngumiti. "He wants you to be happy. He wants us to be happy." Napipilan ang lalaki at may nakiraang saya sa mata nito. Saya hindi dahil sa kanya kundi dahil sa nalamang ginawa ni Rogue at sigurado siya roon.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon