Chapter 19

154K 4K 240
                                    

 NAKAUPO si Red sa isang silya habang nakadungaw sa bintana. Nakapatong ang baba ni Red sa sariling braso na nakapatong naman sa pasamano ng bintana. Para na siyang mamamatay sa lungkot. Nangungulila siya kay Rostov. Gusto niya itong makita. Dalawang araw pa lang silang hindi nagkikita pero miss na miss na niya ito. Parang gusto niya itong puntahan, ipaglaban at yayain na lang lumayo, iyong silang dalawa lang. Ngayon niya tuluyang napatunayan sa sarili kung gaano na niya kamahal si Rostov. She is already over Rogue.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan ang mga nangyayari. Rostov was the one who claimed her that night at hindi si Rogue. Rogue didn't abandon her. Kung tutuusin ay biktima rin ito ng mapaglararung tadhana. Nasaktan din ito dahil sa kasinungalingan ng sariling ina nito. Pinaghiwalay sila ng isang aksidente at pinatagpo naman sila ni Rostov.

Dapat ay magalit siya kay Rostov dahil sa pagtago nito ng totoo pero wala siyang maramdamang galit. Malaking bahagi ng puso niya ay parang nagpapasalamat pa na ito ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Ibig sabihin ay si Rostov lang ang lalaking dumaan sa kanya. Mahal na mahal niya si Rostov at iyon marahil ang rason kung bakit wala siyang maramdamang galit para rito.

"Redora." Naputol ang daloy ng kanyang isip nang marinig ang mahinang pagtawag na ina. Nilingon niya ito at tipid na ngumiti.

"'Nay." Umupo ito sa gilid ng kama paharap sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito at sinagot niya ng tipid na tango.

Alam na ng kanyang ina ang kaganapan sa mansiyon. Wala naman itong sinabi kahit na ba pinaalalahanan na siya nitong maaaring maging komplikado ang lahat. Maging ang nangyaring aksidente ni Rogue ay sinabi niya rito maliban sa intimacy-thing na namagitan sa kanila ni Rostov noon na inakala niyang si Rogue. Hindi na iyon dapat pang ipaalam.

"May bisita ka." Napakunot-noo siya at nagtatanong niyang tinitigan ang ina.

"Si Rogue." She breathed out through her nose.

Lumabas si Red ng silid at agad na tumayo si Rogue nang makita siya. Kausap nito ang kanyang ama.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Gusto lang kitang makausap."

Inaya niya ang binata sa veranda at umupo silang magkatabi sa rattan na upuang napapatungan ng bulaklaking kutson. Hinawi niya ang buhok ng humarang sa mukha dahil sa pag-ihip ng hangin.

"Nothing has changed in this place. Very relaxing and peaceful," ani Rogue.

Maganda ang lugar nila. Presko, palibhasa'y mapuno sa paligid. Gawa sa nipa ang ibang parte ng bubong ng bahay nila lalo na ang balkonahe. May malaking puno ng mangga sa gilid ng balkonahe kaya mas naging presko. Pero hindi nila pag-aari ang lupang kinatitirikan. Pag-aari ito ng second cousin ng kanyang ama.

"I was planning to buy this place para maging inyo na ito kung hindi lang sana ako naaksidente. And maybe you are now Mrs. Cole and carrying our baby."

"Rogue!" She interrupted him.

Rogue let out an audible sigh. Deafening silence lingered in between them for a long while until Rogue broke it.

"Do you love him?" he said and Red just lowered her head.

"I still love you, Red. You know how much I love you, right?" Her eyes started to shed tears upon hearing Rogue's confession, but she remained silent.

"But your heart obviously not mine anymore." He continued and her tears rolled down her cheeks. Hinawakan ni Rogue ang ilalim ng kanyang baba at marahang pinaharap dito at hinuli ang kanyang mata.

"I'm sorry if I hurt you.. If I broke your heart.." lalo siyang naiyak. Wala naman talaga itong kasalanan. Hindi siya nito niloko. Rogue was really a good man as always. He gently cupped her face and started sweeping the tears off her face with his fingers.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Where stories live. Discover now