Chapter 33: Blood Meets the Sea

267K 8.3K 2.2K
                                    


Chapter 33: Blood Meets the Sea

Soundtrack: Let it all go - Birdy



"Are you sure you're going to do this?" Tanong ni Detective Penber habang isinasakay ko sa speed boat ang rifle na pinili niya para sa akin–-ang DPMS GII Hunter at ang Kalashnikov AK na agad na dinala ni Sascha sa Vinea nang tawagan ko siya at sabihing kailangan ko ang isang iyon. Hindi ko maitatanggi na isa siyang kapaki-pakinabang na koneksyon.


Hindi katulad sa araw ay lubhang mas malamig ang gabi sa Eremitia. Halos wala na ring naliligo sa dagat at sa halip ay nanatili sila sa mga nakapaligid na clubs sa lugar, walang ideya sa mga nangyayari at mangyayari ngayong gabi sa karagatan nila.


"May isang bagay lang akong hihilingin sayo, Detective Penber," sagot ko nang matapos ko nang ihanda ang aking mga kailangan.


Bumuntong-hininga siya at saka seryosong sinalubong ang aking tingin. "Please, don't make it sound like it's your last wish," aniya.


"Stay away from my brother. Stay away from Sebastian," wika ko. Alam ko kung nasaan ang taong ito ay naroon din ang panganib. Mas mabuting lumayo siya sa mga taong mahalaga sa akin kaysa ilagay niya sila sa kapahamakan.


Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan na tila kinu-konsidera ang mga sinabi ko. "I can't," sa wakas ay wika niya.


Pinigilan ko ang sarili kong humakbang palapit sa kanya upang pilitan siyang baguhin ang kanyang sagot. Subalit hindi iyon ang dapat kong paglaanan ng lakas at atensyon ngayong gabi kung kaya naman minabuti ko na lang na hindi sumagot.


"I can't stay away from your lively, little brother. I still won't stop chasing the Frenieres and put them into prison once I have the right chance and circumstances. And you can't make me change that. All you have to do now is to get those bastards, stay alive and stop me every time," he said with a smile playing on his lips like he was sure he'd win the game he was playing.


I looked at him intently before pushing the speed boat farther into the water and lifted myself up into it. Agad ko iyong pinaandar tungo sa malalim at maitim na karagatan. Gamit ang flashlight ay inilawan ko ang palagid habang minamaniubra ang direksyon subalit ang maliliit na alon lang sa karagatan na dulot ng mahina at malamig na ihip ng hangin ang aking nakita. Alam kong hindi pa ako masyadong nakalalayo sa pampang dahil nakikita ko pa rin ang liwanag at naririnig ang mga musika na nagmumula rito. Sinubukan kong mas bilisan pa ang pagpapatakbo sa speedboat upang mas lumayo pa tungo sa mas malalim na parte. Nahirapan akong maaninag ang paligid at sa bawat liwanag na ibabato ng flashlight ay tila walang katapusang tubig lang ang aking nasisilayan. Tila hindi rin nakakaiayon sa akin ang kalikasan dahil sa pagtakip ng mga ulap sa buwan at sa unti-unting paglakas ng alon.


Nang akala ko'y wala nang patutunguhan ang ginagawa kong paghahanap sa yacht at maisip na isa lang iyong panlilinlang ay tila isang malaking Christmas light na lumiwanag ang bahagi ng dagat sa may di kalayuan. Isang malaki at mukhang magarang yate ang biglang nagsindi ng kanyang mga ilaw na nagbigay liwanag sa paligid nito. Kung gaano katagal itong naroroon at tahimik na nakikiramdam sa dilim ay hindi ko alam.

Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon