Chapter 36: Fire and Ice

256K 9.4K 5.6K
                                    



Chapter 36: Fire and Ice

Soundtrack: Bumper Cars – Alex and Sierra



Fire and Ice

Robert Frost


Some say the world will end in fire,

Some say in ice.

From what I've tasted of desire

I hold with those who favor fire.

But if it had to perish twice,

I think I know enough of hate

To say that for destruction ice is also great

And would suffice.



No one moved. We were all surprised by the sudden presence of Sebastian Freniere. He strode across the room towards me, carelessly passing between Nikolai and Natalia; his eyes never leaving mine. There was power and danger in those dark circles that made my heart skip a beat. The metal lighter was still in his hand, threatening to start a massive fire. He held my waist as he helped me to stand.


"Sebastian! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na tanong ni Algernon Freniere. Dumadagundong ang kanyang tinig sa buong mansion.


Kung mayroon man iyong naging epekto kay Sebastian ay hindi niya iyon ipinahalata. Sa halip ay sinalubong niya ang tingin ng kanyang ama at sinabing, "I'm stopping you from destroying what's mine."


Isa pang nilalang ang lumitaw mula sa bukana ng mansion at nakita ko si Maximus Brown na bitbit ang kanyang malaking armas. Mukhang wala naman siyang intensyon na gamitin iyon sa mga nasa loob ng mansion at tila ba mayroon lang siyang hinahanap. At nang tumigil ang kanyang paningin sa kinaroroonan namin ni Sebastian ay saka siya huminga nang malalim.


"Ipagpaumanhin mo, Algernon. Ang iyong anak ay lubhang napakabilis at napakamapanlinlang," wika niya. Kung ano man ang ibig niyang sabihin ay tila ba naintindihan na iyon ng matandang Freniere. Nagsimula itong maglakad palayo sa hapag-kainan palapit sa amin. Nanatili namang tahimik si Summer na pinu-protektahan ni Giovanni sa kanyang likuran. Si Ethan naman ay nanatiling nakatayo at tila naibsan ang kanyang pag-aalala sa biglang pagsulpot ni Sebastian.


"Paanong nagawa ka niyang takasan at napaliguan ng gasolina ang mansyon? Si Forest?" Mararamdaman pa rin ang galit sa boses ng matandang Freniere habang ito'y nagsasalita. Mukhang isa itong sitwasyon na hindi niya inaasahan at hindi niya nagugustuhan.


"I was told to watch. Not to shoot. So I followed orders." Lumingon ako sa boses na nasa itaas ng hagdan. Kung saan man siya nanggaling ay nasisiguro kong sa mataas na bahagi iyon ng mansyon. Her red hair was fiery against the chandelier lights.


Saglit na hindi nagsalita si Algernon Freniere habang matalim na nakatitig lang siya sa kanyang panganay na anak. Tila hindi niya inaasahan na kaya nitong lumabag sa kanyang ipinag-uutos. "Ikaw, Sebastian, ay hindi kabilang sa mga imbitado sa pagtitipong ito. Maaari ka nang umalis." Halatang pinipilit niya na maging mahinahon.

Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon